CHAPTER 42

10.3K 238 12
                                    

IT'S BEEN three months since nakalabas ako nang hospital. Dito ako pansamantala nakikitira sa mansion ni John. Of course, he insists, ekis muna ako sa mansion ng parents namin kasi mas gusto ko dito. Ayoko kasing mapuntahan ni Glenn. Knowing my parents? For sure they will welcome him wholeheartedly.

Alam na ni Mommy at Daddy ang tungkol sa baby, gaya nga ng inaasahan, na-galit sila sa'kin. They wanted Glenn to marry me pero sabi ko ayokong ipilit ang sarili sa isang kagaya niya na mas priority ang bestfriend. Dad was so mad but thank god, John was there. I asked my parents as well to hide my secret, and the both of just shut me up, I used my talent of course, iyak-iyak ako para maawa sila. Ayoko muna ng stress, it'll be more a messed kung pangungunahan nila ako.

I don't have any time na malaman kung ano ang pinagagagawa niya, kung nagkatuluyan ba sila nang hipokretang 'yon o ano, matagal ko na ring alam na nakunan si Scar. Malungkot ako sa nangyari and I admit, may part sa'kin na sinisisi sarili ko—but that was before nung malaman ko na may ininom pala syang pampalaglag, that time where I saw her drinking an alcohol, lahat nang awa ko sa kanya napalitan ng galit the moment na nalaman kong pinalaglag nga niya. She's síck, she's crazy. And I hate her for kílling that poor baby.

Hindi ko na rin inalam kung anong ginawa ni Glenn, thankful na nga lang din ako at nandito palagi kapatid ko para hindi ako pabayaan. Time to time, palagi akong bini-bwisit ni Glenn Klay dito sa bahay, sigaw sya nang sigaw sa harap ng gate at abot 'yon hanggang sa kwarto. Ewan ko lang ha? Feeling ko may dala-dala yong mega phone palagi, kung makasigaw kasi daig pa ang may hawak na mikropono.

He's always drunk too at naiinis ako kasi saka lang niya gusto makipag-usap kung kailan lasing. He's dumb. I will tell him naman the truth about our baby but not now, gusto ko munang sarilihin ang anak ko.

Anyway, every morning suka ako nang suka, kung ano-ano pa yong foods na kinakain ko para ma-satisfied lang yong cravings na palagi kong iniisip. Minsan naman kumakain ako nang mga pagkaing hindi ko kinakain noon, like; ampalaya, okra, talong, pusit na kamakailan lang ay nagugustuhan ko.

Gusto kong bumawi sa baby ko na muntik nang mawala sa'kin. I know I was a careless mom, kaya nga ginagawa ko ang best ko now para maging okay lahat, mabuti na lang talaga nandyan si god para tulungan ako.

Nicole knows that I'm pregnant, she's happy for me pero sa ngayon umalis muna sya at pumunta sa ibang bansa. Of course, hindi 'yon alam ni Blood, bahala sya mataguan ng anak dyan, nagbigay na nga ako nang hints wala paring ginawa.

It's been three months at hanggang ngayon hindi ko pa pinapansin si Glenn, pwera na lang kanina sa kasal ni Tyler at Olivia, umiiyak kasi ako tapos to the rescue naman iyong lolo nyo. I don't have any plan to talk to him pero ayoko namang maging rude sa kasal nang kaibigan niya, I don't want to ruin their beautiful day kaya naging plastic ako nang mga ilang oras.

Alam din niyang dito ako nakatira pero kahit kailan, never syang nakapasok dahil ayaw nang kapatid kong gwapo.

Numerous media organizations expressed interest in conducting an interview with me as well pero lahat nang 'yon agad kong inayawan. I want peace for now, ayoko muna nang mga toxic. Nag-leave kasi ako nang isang taon kaya marami sa kanila ang nakiki-chismiss. It was a national issue lalo na't isa ako sa pinaka highest paid model sa buong mundo. Of course, a pretty woman like me is enough para gumuho ang mundo ng showbiz, hindi na kataka-taka kung bakit maraming tao ang dinudumog at sinisira ako.

But sorry not sorry, as a Cullen, I know exactly how to slay and defend myself against all kinds of bashing.

I should prioritize my baby, saka na yong trabaho pag nakapanganak na ako. Duh? bakit naman ako magpapaka-stress sa isang trabaho kung marami naman akong pera. Sa ngayon kailangan kong pagtuonan nang pansin itong batang nasa sinapupunan ko, hoping na sana baby boy 'to para pag inaway ako nang daddy niya, sya ang magde-defend sa'kin.

DEALING DIAMOND (Mafia Series 5) (Completed✓)Where stories live. Discover now