A DAYS LATER, hindi na ako masyadong nakikipag bond with Z. Nagui-guilty na kasi ako dahil sa nangyari sa amin ni Glenn. I want him to stop courting me, sinabi ko na sa kanya na malabo talagang magka-gusto ako. But apparently, ayaw niyang makinig kasi naniniwala sya na dadating at dadating ang panahon na matututunan ko syang mahalin which is sobrang labo talaga.
Noon paman, I already told him to stop. I've been telling him that but he doesn't care. Yong guilty ko nga lagpas hanggang langit na. Sa twing may problema ako sya yong natatawagan ko, sa twing kailangan ko nang taong masasandalan, sya agad yong dumadating. Whenever I'm pissed about Glenn nandun sya para pangitiin ako. You see? Paanong hindi ako magui-guilty?
I'm holding my phone right now with my left hand para makipag-meet sa kanya. It's now 10 am in the morning and yes, ganito ko gusto makipag-usap. Gusto ko nang sabihin for the last time na tama na muna. Ayoko syang paasahin, masyado na akong namo-mroblema dahil ayoko syang masaktan kahit alam kong malabong mangyari.
It will surely hurt him, but this is at least something I can do to help us move forward. This is not just about me, it's about him too. Zeus is a very good guy and I don't deserve him, I don't deserve his love kasi masyado syang mabait.
Matagal ko na syang naging manliligaw, matagal na niyang inamin sa'kin na may gusto sya pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang sarili na kasama sya in the future. Funny isn't it? Kung sino pa yong taong handa kang damayan sa ano mang oras sila pa yong hindi nakakapasok ng tuluyan sa puso mo. That is why I'm trying to contact him now para mahinto na ang lahat, kinakabahan ako kasi alam kong masasaktan at masasaktan ko sya.
Nicks already told me na I should tell him to stop na. Pero pinapangunahan ako nang kaba, kabang alam kong magiging dahilan para magkalabuan yong pagkakaibigan naming dalawa. I don't want to lose him, he's my best bud. But how can I let him stay kung ngayon pa lang alam kong masasaktan ko sya nang husto? Masyado ba akong makasarili? Am I that selfish?
Okay fine. I am selfish. Selfish ako kasi pinatagal ko pa ang panliligaw niya kahit alam ko namang malabong maging kami. How can I explain it to him though?
“I'm nervous. What should I do?”
Seryoso ang mukha ni Nicole na tumingin sa'kin. We're inside of a restaurant at hanggang ngayon hindi ko pa natatawagan si Zeus. “Paano kung hindi sya pupunta?” -pagpapatuloy ko. “What if he's busy?”
“How can he come here kung hanggang ngayon hindi mo pa tinatawagan?” -she shook her head. “Goodness, Zafire. Kanina pa tayo dito, what time ba yong plano mo na tawagan sya? 12 midnight?”
“Eh kasi naman eh...”
“You know what? You should call him already,” -kapagkuwan ay tinawag niya yong waiter. “I'll order our food, you text him.”
Napatitig ako saglit sa kawalan saka nakabusangot na nag type ng message para kay Z. Napaka-engot ko talaga, saka ko pa naisipang sabihin na pumunta sya dito sa resto kung kailan nandito na kami. Hindi na ako magta-taka kung kaliwat kanang mura ang matatanggap ko sa cousin ko. She's very pikonin pa naman.
To Zeus:
Are you busy today? Can you come over? I'm at Hell's Restaurant.
After I tapped the send button I put it on the table saka uminom muna ng water. “Nicks, sa tingin mo ba may iyakang mangyayari now?”
“Ewan ko sa inyo, kung may dramahan na mangyayari bahala ka na. Saka isa pa, deserve mo namang umiyak, pa fall ka kasi.”
Sinamaan ko sya nang tingin. “What do you mean pa fall? Have you forgotten that I already told him to stop courting me na? Kasalanan ko bang maganda ako kaya ayaw niyang sumuko?” -nilagok ko ulit yong water na nasa harap ko. “And FYI, hindi ako pa fall, sadyang komportable lang talaga ako kay Z kaya nailalabas ko lahat ng hinanakit at kasiyahan ko sa buhay whenever I have time to talk to him. Saka ilang beses ko bang sasabihin na matagal ko ng sinabi na tigilan na niya ako? Did he listen ba? Diba, hindi?”
YOU ARE READING
DEALING DIAMOND (Mafia Series 5) (Completed✓)
RomanceGlenn Klay Valeria Romero is a well known Gun Dealer in the MAFIA'S ORGANIZATION. He was ruthless, a predator who moved with a chilling grace, leaving a trail of destruction in his wake. His eyes, cold and calculating, held a power that could make e...