CHAPTER 18

9.8K 260 14
                                    

WHAT THE hell, Zaf Zaf? Ano 'yon? Ba't ganon?” -napabusangot ako dahil sa panenermon ni John. “Why are you so close to each other? Why are you touching him? Ganon ka na ba ka-baliw sa lalaking 'yon at kailangang ganon ka ka-dikit sa katawan niya? Ha? Akala ko ba dalagang pilipina ka?”

“I am dalagang filipina, okay?”

Napapikit sya sa inis. “You fucking serious?”

“Mukha ba akong nagbibiro?”

Binalingan ko nang tingin si Zeus na ngayon ay nasa kama ko nakaupo, hinila ko kasi sya papunta dito ng bigla akong kinaladkad ni John. Nang makarating kasi sya kanina saka naman lumabas ang kapatid kong nuknukan ng kabaliwan at bigla akong dinala dito sa room para pagalitan, as if naman makikinig ako sa mga sinasabi niya.

I was just teasing his friend, nilalandi ako nang kaibigan niya kaya binabalik ko lang yong favor.

“Hindi ko alam kung bakit ako nae-stress sa'yo,” -pagpapatuloy niya. “Nakakabadtrip.”

“Bakit ka ba kasi lumabas?” -pagtataray ko. “Chismoso ka rin talaga.”

Masama niya akong tinignan. “Bahala ka sa buhay mo,” -aniya, tinapunan naman niya nang tingin si Z. “May date kayo, diba? Kaladkarin mo na 'to, wag mo ng iuwi para maayos ang buhay ko.”

“What if ikaw kaya yong umalis?”

“What if isumbong kita kay Dad?”

“You're a pest.”

“Yeah, whatever.”

Kinawayan pa ako nang peste bago sya lumabas ng kwarto.

He's an idiot. I swear, isusumbong ko sya kay mom. Ang kapal-kapal ng face na sabihin sa'kin na baliw ako. And hell, how dare him tell me na baliw ako sa friend niya? Hah. So eww, I don't like Glenn, may inis ako sa kanya dahil sa inggrata niyang best friend slash walang originality.

Lumapit ako kay Z at tumabi ng upo. Tahimik lang sya kaya tahimik lang din ako. I don't have any energy to argue. That asshole brother of mine was such a dumbass. I don't know why he followed us and dragged me back here; he's getting on my nerves.

Anyway, mukha akong crazy now dahil sa suot ko, masyado akong elegante, para akong dadalo sa isang party o di kaya'y ball. I look so expensive at hindi ako bagay kay Zeus na ngayon ay naka hoodie na jacket at pantalon saka white shoes. Siguro sa pagmamadali niya nakalimutan niyang magbihis ng maayos. Anyway highway, he's so gwapo naman even tho ganyan yong suot niya.

“I look like a total idiot, right?” -I said, my voice weary. “Don't sugarcoat it, I want your honest opinion.”

“No, you're not.”

“Really?”

“Hmm. You look pretty.”

Napangiti ako sa sinabi niya. “Z, I want to apologize for calling you and asking you to come. I know you're a busy man pero I need you lang kasi, ayokong mapahiya sa harap ng mga kaibigan ni John,” especially kay Glenn. “I told them may date tayo kahit wala naman.”

“Why did you tell them that? Bakit ka naman mapapahiya?”

Hindi ako nakasagot. Napatingin naman ako sa kanya. Should I tell him ba dahil kay Glenn? I still don't know kung ano talaga ang feelings ko for him, natatakot ako kasi baka pag nalaman ko na talaga yong nararamdaman ko para sa kanya baka mamaya bumalik na naman ako sa dati na palagi syang ini-stalk, pinagpapantasyahan at kinababaliwan.

Ayoko ng masaktan, lalo na ngayon na mukhang may something sa kanila ni Scarlett.

“It's a long story at ayoko ng sabihin dahil baka mamaya pagtawanan mo lang ako,” -tumayo ako at hinila ang kamay niya para makatayo. “Let's go? Alis na tayo?”

DEALING DIAMOND (Mafia Series 5) (Completed✓)Where stories live. Discover now