Rylee's POV
Sinubo ko ang burger na binili ko mula sa isang fastfood chain. Masakit pa ang ulo ko nang pumasok sa part-time job ko, ramdam ko pa rin ang kabuuan ni Tristan sa akin. Napainom ako ng soft drink nang maalala ang nangyari kagabi. Malabo sa ala-ala ko ang ibang detalye pero buong buo sa memorya ko ang hitsura ni Tristan nang malaman niyang birhen ako.
The question echoed in my mind, wondering if he saw me as some kind of conquest, a trophy claimed. Did he consider getting my virginity some kind of achievement? Kung ganoon, gusto kong iparamdam sa kaniya na mali siya. Ginulo ko ang buhok ko nang mainis sa naiisip.
"Kanina ka pa balisa, may problema ka ba?" Lumapit sa akin ang kaibigan kong si Trisha.
Naupo siya sa upuan sa harap ko at nilabas ang baon niya. Naging kaibigan ko si Trisha dahil sa trabaho, pareho kaming working student at graduating. Sinubo niya ang hotdog at inangat nang dalawang beses ang kilay niya, parang nang-aasar sa akin.
"Wala," umirap ako at nagpatuloy sa pagkain ng burger.
"Birthday ni Annika ngayon, ang sabi niya magpapa-inom siya sa bar. Doon ata sa mamahalin, alam mo naman 'yon, may sugar daddy."
Bumuntong hininga ako at tumango sa kaniya.
"Paano kung kumuha na lang din ako ng sugar daddy para hindi ako nahihirapan magtrabaho habang nag-aaral?" saad ko habang nakatulala na ngumunguya ng burger.
"Ay hindi, kaya nating buhayin ang sarili natin nang walang tulong ng mga lalaki."
Tumawa ako sa kaniya na inaangat pa ang kaniyang dibdib para magmukhang matapang. Naiinggit ako sa mga taong may pribilehiyong makapag-aral nang hindi kailangan magtrabaho, mabuti pa sila, hindi nahihirapang balansehin ang oras nila.
Nagngitngit ako sa galit nang maalala kung bakit naging ganito ang kalagayan ko, ang mga Remington. Sila ang dahilan kung bakit ulila na ako at kinulang sa aruga ng magulang.
Uminit bigla ang gilid ng mata ko nang maalala si Mama. Punong puno ng pagtatampo ang puso ko sa kaniya. Kumaway si Trisha sa harap ko, nilingon ko siya at napansing tumulo na ang luha sa mga mata ko. Tulala na ako kakaisip sa mga Remington.
"Nako! Sumama ka mamaya sa inuman, mukhang kailangan mo talaga ng alak."
Tumawa ako at pinunasan ang mga luha ko. Talaga! Sasama ako, siguradong sa kilalang bar nanaman magpapa-inom si Annika. Kung 'di pa isinilang na bida bida 'yan. Sana nga lang ay naroon ang mga Remington sa bar na pupuntahan namin.
Kaya nang sumapit ang hapon, sabay kaming nag-ayos ni Trisha sa loob ng dorm. Suot ko ang itim na bistidang nabili ko sa ukay ukay. Manipis na ito dahil sa kalumaan pero ayos pa naman siyang gamitin.
"Tangina naman, Rylee. Babakat na 'yung utong mo sa nipis niyan," komento ni Trisha sa damit ko.
"Hayaan mo na, gabi naman. Bakit? Kapag ba nakita nilang bakat ang utong ko susunggaban agad nila? Magsusuot naman ako ng bra," sagot ko naman sa kaniya habang nag-uunat ng buhok.
Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalagay ng make-up niya.
"Kapag may sumunggab diyan baka mapaatras ka."
"No, iwe-welcome ko pa."
Sabay kaming nagtawanan sa asaran. Matagal na akong mulat sa mga ganitong klaseng usapan dahil sa tiyahin ko. Maingay siya at matabil magsalita. Punong puno rin ng kalaswaan ang bibig ng mga kaibigan ko noong high school.
Ngumuso ako nang sabay kaming sumakay ng jeep ni Trisha. Pinagtitinginan kasi kami ng mga pasahero sa jeep, nagmukha kaming overdressed sa suot nilang simpleng shirt at pants.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...