Chapter 30 - Discovering Home

2.1K 82 218
                                    

Rylee's POV

Umikot ako upang punasan ang mga luha ko. Because I wouldn't want them to harbor negative thoughts about their father. Ayokong makita nila ako kasama ang Tatay nila na umiiyak. Nang umikot ako ay nakita ko ang panonood ni Tristan habang unti-unti niyang tinitignan ang tao sa likod ko.

Kung kabado ako kanina, para nang lalabas ang puso ko ngayon. Para akong nahuli sa krimen na matagal ko nang ginagawa. Dahan-dahang nagpapalit ng ekspresyon ang mga mata ni Tristan. They were gentle, but then they became accusing.

Tumalikod ako sa kaniya para yayaing umuwi si Dylan. Mabilis akong naglakad palapit sa kambal. Kung pwede lang ibulsa ang kambal, ginawa ko na para hindi makita ni Tristan.

"Get inside the car, we're going home," mariin kong sabi.

Nagtataka si Dylan na pumasok sa kotse. Si Art naman ay sumunod agad at nauna na sa loob. Samantalang naiwan naman si Pol sa labas at nakikipagpaligsahan ng titig kay Tristan.

Nakita ko ang panginginig sa kamay ni Tristan. Umiling ako sa kaniya para itanggi na mali ang iniisip niya. Hindi niya ito anak. Pero lalo lamang nagalit ang mga mata niya nang makita niya akong umiiling.

"Pol, please get inside the car," bulong ko.

Tumingin sa akin si Pol bago kay Tristan.

"Okay, Mommy," binigyan niya ng diin ang huling salita.

Pumikit ako nang mariin bago pumasok sa loob. Rhys, Bryce, and Annaliese were there as our car began to move homeward. Gulong-gulo ang isip ko. Ayokong makihati kay Trisha. Ayokong maging option kami ni Tristan. Kaya ko nang palakihin ang mga bata kahit na mag-isa.

"Rylee, hindi mo sinabi?!" tanong ni Dylan habang nagmamaneho.

Mabilis akong umiling. Tumulong muli ang mga luha ko nang maalala ang nangyari. I was humiliated, and to make matters worse, I discovered Tristan's love affair with Trisha.

Umiyak si Art nang makitang umiiyak ako.

"Mommy, why cry?" tanong niya.

Umiling ako agad at niyakap siya nang mahigpit. Pati si Pol ay sinama ko na sa yakap. Hindi ako sigurado sa kung anong mangyayari samin. Parang natatakot ako sa lahat.

"Shit, they're following us!" sigaw ni Dylan habang nagmamaneho.

Lumingon ako sa likod at napansin na ang sunod sunod na itim na kotse sa likod namin. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang paghagulgol. Hindi ko kayang mawala sa akin ang mga anak ko. Hindi ko kayang kunin nila sakin.

"Dylan," saad ko na punong-puno ng takot.

Maging si Dylan ay hindi alam ang gagawin. Panay ang pagbulong niya ng mura habang tinitignan sa side mirror ang kotseng nakasunod sa amin.

Napapikit na lang ako. Kahit anong gawin namin, masusundan at masusundan kami. Wala na kaming kawala. Wala na akong magagawa kundi ang harapin si Tristan.

Matagal ko naman nang pinlano na sabihin sa kaniya.

Nang makarating kami sa bahay ay mabilis na tinawag ni Dylan ang mga kasambahay para paakyatin na ang mga bata. Tumawag din siya ng ilang bodyguard para bantayan ang gate. Bakas ang pagod sa mga bata pero pareho silang nagtataka sa ikinikilos naming dalawa. Parang nahahawa pa sila sa kaba naming dalawa.

Nilapitan ko sila at niyakap nang mahigpit.

"You go upstairs, okay? I'll sleep with you tonight," sabi ko.

Tumango silang dalawa at sumunod na kila Ate Myla. Pinanood ko silang lumayo sa akin. Nakatitig pa rin si Pol sa amin kahit na paakyat na sila sa kwarto nila.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon