Rylee's POV
Umirap ako kay Trisha nang pansinin niya ang pagsimangot ko.
"Anong simangot? Hindi ba pwedeng resting bitch face?"
"Resting bitch face? Kulang na lang iyakan mo 'yung computer. Umamin ka na, sino sa dalawa ang rason? Si good boy o si bad boy?"
Lalo ko siyang inirapan sa sinabi niya.
"Hmm, feeling ko si bad boy. Kung si Charles 'yan, kagabi pa 'yan maayos," pang-aasar niya pa.
"Bakit? Close ba kayo ni Charles at alam mo ang ugali niya?"
"Ang selosa talaga! Sino ba kasi ang gusto mo sa dalawa?"
Kailangan bang mamili? Tinignan ko ang hawak kong burger. Mas maigi naman para sa akin na piliin si Charles kaya bakit hindi siya 'di ba? At tama si Trisha, Charles won't let me sleep with a heavy heart unlike Tristan. Pero hindi naman kasalanan ni Tristan ang nangyari kahapon, sinisigurado niya lang naman na makakapasok kang ligtas sa loob.
Napailing ako sa naisip. Really, Rylee? Pinagtatanggol mo na siya ngayon?
Napaangat ang tingin ko nang paimpit na sumigaw si Trisha. Tinignan ko siya at hindi siya mapakali na nakatingin sa likod ko. Marahan kong nilingon 'yon at agad na bumundol ang kaba sa dibdib ko.
Tristan Remington is wearing a stunning corporate attire, a bouquet of roses clasped in his hands. Ngiting-ngiti siyang naglalakad palapit sa amin. I saw people's necks craning to look at him, he looks dashing in his clothes, like a main character in a movie trying to pursue the female lead.
"So, si bad boy nga? Sinusuyo ka na oh."
Hindi ko na pinakinggan si Trisha at tumitig na lang sa paparating na si Tristan. Hindi na ba siya galit? Did he realize that I'm lying? Hindi ba siya nagalit doon? Why is he here? Para sa akin ba ang bulaklak? O baka naman may iba pa siyang nililigawan dito?
Nawala ang lahat ng tanong ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Inabot niya sa akin ang palumpon ng rosas bago nagsalita.
"I'm sorry for last night. Will you let me make it up to you by taking you on a date? Don't worry, I already informed your boss about this, you're free to go."
Tumayo ako at tinanggap ang rosas na bigay niya. Inamoy ko muna 'yon bago muling tumingin sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin, naghihintay sa sagot ko. Binigyan ko siya ng isang ngiti at tumango.
"Sana pinaalam mo na rin ako, Sir. Nakipagdate na lang din sana ako."
Binigyan ko ng matalim na tingin si Trisha.
"I'll tell him now—"
"Ay hindi! Hindi, Tristan. Hayaan mong magtrabaho si Trisha, sobra na sa dilig 'yan."
Ngumiti ako at hinila siya palayo. Nakita ko pa ang pag-irap sa akin ni Trisha. Tristan looked at me and chuckled. Hinawakan niya ang braso ko upang igiya ako papunta sa kotse niya. His gentle touch made my insides scream, how can he affect my system like that?
Nang makapasok sa kotse niya'y tinulungan niya pa akong magsuot ng seatbelt. Tinitigan ko ang mukha niyang malapit na malapit sa akin.
They say demons dress in beauty to deceive, and as his perfect nose almost touched my cheek, I couldn't help but wonder. How can he look so beautiful and perfect? I wanted to slap myself for succumbing to his looks again. Ang rupok mo, Rylee.
Binigyan niya ako ng tipid na ngiti nang magsimula siyang mag-drive. Tinitigan ko siya habang nagdadrive, I couldn't help but think about the true motives behind his actions. Is he pursuing me because he's genuinely drawn to who I am, or is it merely a game for him, a pursuit fueled by desire for my body?
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
