Chapter 17 - Torn Pages

1.7K 68 111
                                    

Rylee's POV

Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa kama. Deep down, I couldn't deny that it was all my fault for plotting that revenge. I blame myself for not being genuine, for being a bad person. Trisha's only trying to save Tristan; shouldn't I be glad that she cares for him?

My anger only flared up because, in the process of saving Tristan, she ended up betraying me, right? But deep down, it was my fault, wasn't it?

Tinitigan ko ang mga bag ko na nakakalat sa sahig. I already packed everything. Kailangan ko na lang umalis. Napatalon ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Trisha.

"Oh, nandito ka pala. Miss mo ako 'no?"

Kumunot ang noo ko nang titigan siya. How could you face me with a smile when you just betrayed me? How can you easily act like you're my friend, but then stab me in the back?

Gulat niyang tinignan ang mga bag sa sahig.

"Aalis ka na? Saan ka pupunta?" tanong niya.

Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya. I cannot believe how she can act like this in front of me.

"Trisha, may kailangan akong sabihin sa'yo," panimula ko.

Huminga ako nang malalim at lumayo sa kaniya.

"Mahal ko si Tristan," saad ko.

Kita ko ang gulat mula sa mga mata niya. Pinigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko para makausap siya nang maayos.

"I love him so much, Trisha, and I want to protect him as much," I confessed.

"No, you're lying," hindi makapaniwalang saad ni Trisha. "Nagsisinungaling ka!"

"Mahal ko siya!" I screamed. "I learned how to love him and to let go of my anger."

Umiling si Trisha sa akin. Ngayon ko lang iyon inamin nang tuluyan sa sarili ko at nagagalit ako na sa harap pa mismo ni Trisha.

"Sinungaling ka! Sinasabi mo lang 'yan dahil nalaman mo kung gaano siya kayaman! Gusto mong ubusin ang pera niya bago mo siya ibaba—"

"Ano naman sa'yo?" galit kong baling sa kaniya. "Ano naman sa'yo 'yon, Trisha? Ano naman sa'yo kung ubusin ko ang pera niya? Bakit apektado ka?"

Hindi ko balak na gawin 'yon pero gusto kong malinawan. Bakit siya ganito kaapektado pagdating kay Tristan?

Kahit na alam ko na ang sagot, gusto ko pa rin na itanggi niya. Gusto kong umiling siya sa akin. Ayokong sabihin niya nang diretsahan na totoo nga ang iniisip ko.

Tumulo rin ang luha sa mga mata ni Trisha.

"Gusto ko siya, Rylee."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Gustong gusto ko siya!"

"You're saying that now? Ngayon pa? Tangina naman, Trisha!"

"Sasabihin ko sa kaniya ang lahat ng plano mo. Lahat lahat, pati ang mga kalat mo. Pati ang tungkol sa inyo ni Charles. Lahat, Rylee. Sisirain ko ang kung ano mang meron na kayo, hindi ka deserve ni Tristan!" sigaw niya rin.

Tinitigan kong muli si Trisha. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang paghikbi. This is not the Trisha that I know. This is not her!

"Please, Trisha. Tell me you're lying," pabulong kong sabi. "Ilang araw pa lang, Trisha. Paano ka mahuhulog? Hindi mo naman talaga siya gusto 'di ba? Naaawa ka lang."

Pumatak muli nang sunod sunod ang luha ko.

"I love Tristan, I will protect him like you want. I will love him with my all, you don't have to do this anymore."

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon