Chapter 40 - Flame-Kissed

2.4K 65 166
                                    

DISCLAIMER

This chapter contains explicit mature scenes, references to cigarettes, alcohol consumption, and the use of strong language. Reader discretion is advised. The content is intended for mature audiences and may not be suitable for all readers. Please proceed with caution and consider your own comfort level before continuing.

.

Rylee's POV

"Ah!" ungol ko nang sikipan ni Chanel ang sinusukat kong dress.

"See? It looks so good!"

Binuksan niya ang kurtina at iniluwa non si Liese na nakaupo sa sofa at naghihintay sa amin. Napaawang ang labi ni Liese sa suot ko.

The dress clung to my curves like a second skin, every bead shimmering and catching the light as if each one held a secret of its own. It is deliberately designed to showcase my chest and back.

Ganitong-ganito ang mga suot ko noong nililibot ko ang bar para kay Tristan. Ngayong may anak na ako, parang hindi na ako mapakali sa sikip at ikli nito. Nahihiya na lang din akong magsabi kay Chanel dahil parang tuwang-tuwa siya sa suot ko.

"My gosh, Rylee. Baka hindi ka pa natatapos maglakad sa aisle sinusunggaban ka na ni Tristan!" komento niya.

"Hindi ito ang wedding dress, Liese. Pangbridal shower 'to," sagot ko naman.

"Hindi ba masyadong revealing?" tanong niya.

"No! It looks good kaya! See? Lumabas ang pagiging sexy niya. I wouldn't even think that she already has kids," si Chanel ang sumagot kay Liese.

Matutuwa sana ako sa papuri ni Chanel pero parang mali iyon. May anak ako at hindi dapat ganito ang suot ko. Pero iilan lang naman kami sa party at puro babae lang kaya siguro ayos lang ito?

"Oh boy, Tristan's going to kill us," pag-iling ni Liese.

"Let him suffer!" sigaw ni Chanel bago sinarang muli ang kurtina.

Sina Liese ang nakaisip na magbridal shower kami. Mabuti nga at napapayag pa nila si Tristan. He accepted on the condition that we wouldn't invite any guys to our party.

Imbitado rin sina Mariz at Ate Carol sa party. Isang linggo silang mag-stay kasama namin para sa wedding. The wedding is just around the corner, and I can already feel the excitement building up.

Nasa Manila pa kami pero pupunta kami sa Zambales bago ang kasal dahil doon iyon gaganapin. We decided to have a forest barn wedding. Tinanong ko kasi si Tristan kung ano ang una niyang impresyon sa akin at nabanggit niya na para raw akong hindi nabibilang sa mundo niya.

"You exude an ethereal aura, like a goddess descended from the heavens. Your porcelain skin gleams with an otherworldly glow," sagot niya habang nakatitig sa painting niya. "You have the face of a girl who could start a war."

"Come on, excited na ako!" sigaw ni Chanel bago kami lumabas sa mall.

Mamayang gabi ang party. Nagbook kami sa iisang hotel lang. Magkatapat na room lang din ang party ng mga babae at mga lalaki. Imbitado rin ang mga kaibigan ni Chanel kaya parang siya ang pinaka-excited sa amin.

Hapon nang makarating kami sa hotel. Maaga kaming pumunta dahil ayaw nila na magkasalubong kami ni Tristan. Hindi pa naman bukas ang kasal pero kung makapagbawal sila akala mo'y may malalabag kaming pamahiin.

"Ayaw kong makita ka niya kasi baka hindi ka na ipahiram sa amin," sabi ni Chanel nang pumasok kami sa kwarto.

Sunod-sunod din na nagsidatingan ang mga bisita namin. Nauna sina Mariz at Ate Carol. Sumunod ang dalawa pang babae na kaibigan ni Chanel.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon