Chapter 26 - Lava Love

2.4K 85 344
                                    

Rylee's POV

Nakayuko si Tristan habang tinitignan ang anak ko na iniinda ang tuhod niyang tumama sa sahig. Para akong napako sa kinatatayuan ko. I glance around and spot the Remingtons all attentively watching Artemis. Pinanood nila si Tristan na inaalalayan ang anak kong tumayo.

My heart begins to beat rapidly. I didn't anticipate their presence here. Kilala ba nila si Gov? Magkaibigan ba sila? Bakit hindi manlang nabanggit sa akin ni Dylan ang mga Remington? Pinigilan ko ang hininga ko habang pinapanood si Art na umiiyak sa harap ng ama niya.

I yearn to approach her and offer comfort, but it's as if my body is paralyzed. Tinraydor ako ng katawan ko. They are all here, with Annaliese and a girl beside Bryce. Maling galaw ay makikita nila ako. Malalamanan nila ang lahat. Hindi ko alam pero parang gusto kong ipagdamot ang mga anak ko. Gusto kong itago sila sa sakit na pwede nilang maranasan laban sa mga Remington.

"Rylee," bulong ni Dylan.

Nilingon ko siya at hawak niya na si Pol. Tinignan din ako ni Pol. Hindi ko na napigilan na maluha. I am not yet ready.

"Dylan, pakikuha si Art. Uuwi na tayo," nanginig ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Nakakunot ang noo ni Dylan nang tignan ang mga Remington. They are still busy trying to hush Art. Tristan is also staring at Artemis like she's some kind of puzzle. Naramdaman ko ang paggalaw ni Dylan hudyat na lalapit na siya kay Art. Pinuno ko ng hangin ang baga ko dahil sa kaba.

"Art!" sigaw niya.

Mariin akong napapikit nang sumigaw siya. Lalo lang akong kinabahan dahil naagaw niya ang pansin ng mga Remington. Mabilis na napalingon sa amin ang lahat. Naglakad si Dylan palapit kay Art pero naiwan ang mata ng mga Remington sa akin. Kitang kita ko ang gulat sa mukha nila. They all gaze at me as if they've seen a ghost. Following that, their attention shifts to Tristan with concerned expressions.

I catch a glimpse of Tristan's angry glare directed at me. I can't decipher the exact emotions in his eyes, but I sense a whirlwind of feelings within them.

Kabadong kabado ako nang tignan ko ang kambal. Art is busy crying on Dylan's shoulder, while Pol is staring at Tristan. Lumingon sa akin si Pol gamit ang nagtatakang mata.

"Rylee!" sigaw ni Liese.

Hindi ko alam kung ilang santo ang natawag ko para lang makahalata si Dylan. Lumingon siya kay Liese bago sa akin. Tinitigan ko naman siya, para bang nagmamakaawa ako na umalis na sila at iwan na ako rito. The last thing I want is for them to know that the twins are mine.

Nakita ko ang pagtitig ni Dylan sa akin gamit ang seryosong mata. His eyes turned to slits before staring at Tristan Remington. Gumalaw ang mga labi niya bago siya umalis sa harap ng mga Remington.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang palayo sila sa amin. Saka ko lang hinarap ang mga Remington na hanggang ngayon ay gulat na nakatitig sa akin. Nakita ko ang mabilis na pagtakbo ni Liese para yakapin ako.

Hindi ko tinanggal ang tingin ko kay Tristan na nakatayo pa rin at nakatitig sa akin. Maging ang mga magulang niya ay tumayo na sa gulat. Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Lumunok ako nang tuluyan na akong mayakap ni Liese. Tristan appears older, with darker bags under his eyes and a hint of stubble on his chin. Nonetheless, he still looks handsome, albeit with a weary expression.

Nakita ko ang paggalaw ng mga labi niya pero hindi ko narinig ang sinabi niya. My focus is solely on him, even as Liese embraces me; my gaze remains fixated on him. I never anticipated my heart would still recognize its owner after all these years. Natigil lang ang pagtitig ko kay Tristan nang harapin ako ni Liese.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon