Rylee's POV
Inangat ko ang mukha ni Tristan para punasan ang mga luha niya. Umawang ang labi ko habang tinititigan siyang nanghihina sa harap ko. He looks so fragile, so exposed. The anguish in his gaze cuts through me. I don't understand how he manages to look at me with such overflowing love, even when he can't hide the pain in his eyes.
"Tristan," bulong ko.
Lumuhod din ako sa harap niya, naging hudyat naman iyon upang yakapin niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit na hindi na ako makahinga, pero hindi ako nagreklamo. This hug was painful, filled with fear, guilt, and anger. It's as if the hug itself conveyed exactly how he felt.
Hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. Hindi siya tumigil umiyak hanggang sa yayain ko na siyang matulog. He wouldn't even let go of me. Kaya ang nangyari, magkatabi kaming natulog sa kama.
I've been sleeping on a soft mattress for years because of Dylan, but it was only now that I felt incredibly comfortable. The way Tristan held me warmed not just my heart but also my soul. It felt as though my soul recognized the one embracing it, as if it knew where its true home was.
"I love you, Rylee," bulong ni Tristan habang nakapikit. "I have only loved you ever since we met."
Ngumiti ako kahit na hindi niya nakikita. I have only loved you for how many years too. Mahal na mahal kita, Tristan. And today, I promise I will never let myself hurt you intentionally. From now on, I will tell you how I feel, what I think, and what I'm planning.
Sumiksik pa ako sa leeg niya upang matulog. I am happy. My heart is happy and contented.
.
I woke up with a kiss on my cheek. Ilang beses pa iyong umulit kasunod nang hagikgik. Ngumiti ako agad nang maramdaman ang makulit kong anak na nasa gitna namin ni Tristan at binibigyan kami ng halik sa pisngi.
"Mommy," sabi ni Art habang tumatawa.
Dumilat ako at nakita ko silang nakatitig sa akin. Si Pol ay nasa ibabang parte ng kama at nakanguso lang. I look at Tristan who's already looking at me.
I've only wish for this to happen, ngayon, nandito na. I finally have a complete family. I finally woke up with my family by my side. Iyon lang ang pumapasok sa utak ko habang pinapanood ko silang naghaharutang mag-ama.
Ibinuka ko naman ang kamay ko para yakapin si Pol. Lumapit siya sa akin na may malawak na ngiti.
"Mommy, you look so pretty," sabi niya habang inaayos ang magulo kong buhok. "You're pretty, Mommy."
"Thank you, Pol," sabi ko. "You're very handsome too, like your Daddy."
Binulong ko lang ang huling parte. Ngumiti siya sa akin at yumakap na muli.
God, I wish nothing but for us to stay like this.
Tumingin ako kay Tristan nang maalala ang sasabihin sa kaniya. Ito na ata ang pinakamagandang oras para sabihin sa kanila ang tungkol sa pag-uwi namin sa Maynila.
"Art, Pol, remember when you saw Tito Daddy's photo on top of a high building?" tanong ko na nakaagaw ng pansin nila.
They recalled the moment when they saw Dylan's photo from when he went to Manila. Nasa rockwell siya non at kita sa background niya ang kalakihan ng Makati.
"Yes! Yes!" sigaw ni Art.
Tristan watched me intently, trying to decipher what I was about to say.
"Well, Daddy has a unit in Taguig too! It's big and high, you can see the city from there," sabi ko na para bang nagkuk'wentong pambata.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
