Rylee's POV
Tinitigan ko ang isang supot ng face mask sa harap ko. This is provided by the hospital for those who will visit patient in the ICU. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagmukmok sa loob ng kwarto. Kumuha ako ng isang face mask at nagmamadali iyong sinuot, I don't want anyone to see me in this state. Siguradong namumugto na ang mga mata ko kaiiyak.
The conversation with Azalea became a catalyst for realizations. It dawned on me that a mother's love knows no bounds, it shows a fierce determination to shield her family from harm. But beyond discovering the truth about her being a mother, I realized why Tyler was drawn to Azalea.
In her, I found a woman who sought understanding before passing judgment. Gusto niyang sa akin muna maririnig bago siya gumalaw. Unlike others who might merely absorb the narratives circulating around, Azalea chose a different path. But this time, what Azalea heard held the weight of truth. Totoo ang mga bagay na ibinibintang ni Trisha sa akin, maliban na lang sa aksidente ni Tyler.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto para makauwi na pero pagliko ko ay agad kong naabutan sina Trisha at Tristan na nag-uusap sa walang taong hallway. Agad akong nagtago sa isang pader upang hindi nila makita at marinig ang pinag-uusapan nila.
"Ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin, Tristan?"
Hindi sumagot si Tristan kaya napilitan akong silipin sila. Nakakunot lang ang noo ni Tristan habang nakatitig kay Trisha.
"Naaksidente na ang Papa mo, ano pang gusto mo? Isa-isahin niya lahat? Sinabi ko naman na sa'yo, siya ang may pakana niyan, sinabi niya sa akin. Bakit ba ang laki ng tiwala mo kay Rylee?"
Napalunok ako sa sinabi ni Trisha. Hindi ako nagplano ng kahit na ano bukod sa pabagsakin sila. Bakit nagdadagdag siya ng mga bagay na hindi ko naman sinabi?
"Can you stop? Why do you care so much?" tanong ni Tristan.
Nakita ko ang paglapit ni Trisha kay Tristan upang yakapin siya. Nanlalaki ang mga mata kong pinanood sila. She extended her arms, reaching out for a comforting embrace with Tristan. However, instead of finding solace in her touch, Tristan distanced himself.
"I care about you because I love you, Tristan. Ano bang hindi mo naiintindihan? Bakit si Rylee pa rin?"
Galit ang mga mata ni Tristan nang titigan si Trisha.
"Umalis ka na, I don't need you here."
Namuo ang mga luha sa mata ni Trisha. Hinila niya si Tristan at sinubukan itong halikan ngunit marahas siyang inilayo ni Tristan. Nag-aalab ang galit sa puso ko habang pinapanood si Trisha sa ginagawa niya. She's desperate. She wants Tristan all to herself, and that's why she's doing this.
"Tristan, please!" she cried. "Pareho lang naman kami ni Rylee. Kaya kong gawin ang ginagawa niya, magkaugali rin kami. Pareho lang kaming may maduming nakaraan."
Tristan's warm gaze transformed in an instant, his eyes now bore into Trisha like sharp daggers. Kung nakamamatay ang titig, bumulagta na si Trisha.
"You're worlds apart. Rylee radiates kindness, love, and strength, while you're just a poor imitation. A sad attempt to match up to her," Trisha paled at Tristan's words. "And Rylee would never betray a friend, she's got empathy and a heart, unlike you, Trisha."
Tristan's words cut through the tension, leaving Trisha visibly pale at his assessment. Hindi ko mapigilang maiyak sa sinabi ni Tristan. He places so much trust in me, to the extent that I can't help but feel unworthy of it. Sobrang laki ng tiwala niya at sinira ko 'yon. Parang binibiyak ang puso ko sa iniisip.
Tristan began to walk away, and I almost ran to distance myself, but I didn't get the chance. Nagtagpo ang mga mata namin at agad na lumambot ang ekspresyon ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
