Rylee's POV
"Tito Rhys!" sigaw ni Pol nang makita si Rhys na may dalang lego habang naglalakad papasok sa bahay ni Dylan.
Apat na linggo na silang bumibisita rito. Napalapit na rin ang kambal sa kanila. They always look forward to their visits. Minsan, hindi sila nakakabisita at nalulungkot ang kambal.
"Rylee!" sigaw ni Liese nang makalapit sa akin.
Nasa gilid ko rin si Dylan na nagpapaalam na para umalis. Lately, he's been busy doing something. Ang alam ko, pumupunta siya kay Gov. Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Nagpaalam na rin siya kila Rhys na kararating lang.
"Liese, dito na ba kayo titira sa Baguio?" tanong ko nang maupo kami sa garden.
Tumawa si Liese habang kinakain ang mangga na dala niya.
"I don't know, Rylee. Masaya ako rito, maganda ang view at panahon. Ayoko ring malayo sa'yo at sa kambal," sagot niya.
Tinitigan ko ang mangga na kinakain niya. Nagugutom din ako. Lumapit ako sa kaniya at kinuha rin ang isang piraso ng mangga para kainin. Isinawsaw ko pa ito sa bagoong pero nang isusubo ko na ay mabilis akong pinigilan ni Liese.
"Rylee!" sigaw niya habang nakakunot ang noo.
Napakunot din ang noo ko sa inakto niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Akin 'to! Bili ka ng sa'yo!"
Nanlalaki ang mga mata ko nang kinain niya ang manggang hawak ko.
"Ang damot mo, Liese!" sigaw ko habang lumalayo sa kaniya.
Umirap ako at naupo na sa upuan ko kanina. Hindi naman ako madamot nung nagbuntis ako. Binibigay ko pa nga kay Dylan ang kinakain ko dahil mas gusto kong panoorin siyang kumakain ng siopao.
Ngumuso si Liese at tinawag si Pol.
"You want this? Masarap! Tikman mo!"
"I don't like this, Tita," sagot ni Pol habang tinuturo ang bagoong.
"Liese, pinaglilihian mo ba ang anak ko?" tanong ko.
Kita ko ang tuwa sa mga mata ni Liese nang kainin ni Pol ang manggang inalok niya. Sinubuan niya pa si Pol kahit na umiiling na ang anak ko sa kaniya.
"Tama na, Liese," saad ko nang mapansin na ayaw na ni Pol.
"You don't like na? Okay!" sagot ni Liese at pinakawalan na si Pol.
Tumingin siya sa akin at mabilis ko siyang inirapan. Pinagdamot sa akin tapos pinilit ipakain kay Pol. Magpasalamat siya at buntis siya kaya wala akong magawa.
Narinig ko ang marahang tawa ni Rhys sa gilid namin habang bumubuo ng lego. Sumimangot ako at umirap din sa kaniya. Natawa pa siya!
"Why, Rylee? Naglilihi ka rin?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Sino namang bubuntis sa akin? Si Dylan? Halos hindi na nga siya umuwi para kay Gov.
"Kapag naglilihi ako, bibilhan mo ako ng mangga?" tanong ko pabalik.
Hindi nakasagot si Rhys at umiling na lang. Over the past few weeks, I've come to know Rhys better. Surprisingly, he's easy to get along with. Mabilis siya magtake ng joke kahit na minsan ay napagkukumpara niya kami ni Liese.
According to him, Liese and I are very different. I'm loud and always crack sarcastic jokes, while Liese carefully considers her words.
Nagalit pa nga ako dahil parang sinasabi niyang nagsasalita ako nang hindi nag-iisip. He just laughed and playfully avoided me when I confronted him. Nagsama sila ni Liese na buong araw akong inaasar. Kung hindi lang dahil sa kambal, pinaalis ko na sila.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...