Chapter 31 - The Gentle Beast

1.9K 88 145
                                    

Rylee's POV

Pinasok ko sa bag ni Pol ang lunchbox niya.

"Ako ang maghahatid," sabi ni Tristan habang sumusunod sa akin sa kusina.

Kanina pa siya nagpupumilit na siya ang maghahatid sa kambal sa school. Hindi ko naman kayang hayaan siyang gawin iyon dahil wala siyang tulog. Puyat siya at delikado.

"Kaya namang gawin ni Dylan, kailangan mong magpahinga—"

"I can do it."

Tinitigan ko siya. Desidido pa rin siyang kumbinsihin ako na siya ang maghahatid sa dalawa. I understand his eagerness to be with his kids, but I can't risk their safety just for that.

"Pwede ka naman sumama maghatid, si Dylan ang driver," suhestiyin ko.

Ilang minuto niya pa akong pinilit na siya ang driver pero hindi ako nagpatinag. Hindi siya natulog. Ayokong mahulog kami sa bangin dahil lang sa pagpupumilit niya.

Kaya naman busangot siya habang buhat ang bag ng kambal palabas ng mansyon. Nauna nang pumasok ang kambal sa loob. Naroon na rin sa driver's seat si Dylan at hinihintay kami. Kanina pa nga sila naghihintay dahil sa pagtatalo nami ni Tristan.

Tinitigan ako ni Tristan, para bang nagtatanong kung saan ako uupo. Kung normal na araw 'to at wala siya, sa likod ako uupo kasama ng mga bata, pero dahil nandito siya, sa tabi ako ni Dylan.

Dumaan ako sa harap para sumakay sa passenger's seat pero hinila niya ang braso ko. Nilingon ko siya gamit ang nagtatanong na mga mata.

"Where are you going to sit?" he asked, stating the obvious.

Umirap ako at nilingon ang harapan. Tumingin din siya roon na parang lulutang ang sagot ko kapag ginawa niya 'yon. Huminga siya nang malalim bago nagsalita muli. Anong gusto niya? Magsiksikan kaming apat sa likod?

"I'llI'll sit beside Dylan," saad niya.

Lito ko siyang tinignan. Bakit naman? I mean, I know they know each other, but why? Ayaw niya bang katabi ang mga bata?

"Ako na sa harap," sabi ko. "Ayaw mo bang katabi sila Pol?"

He seemed unsure of what he wanted to do. Nagtagal pa kami sa harap. Mabuti na lang at bumusina si Dylan para sabihin na late na ang mga bata.

"Ano? Usap muna kayo?" tanong niya habang nilalabas ang ulo sa bintana.

Agad akong pumasok sa loob at tinuro kay Tristan ang likod na parte ng kotse. He looked sulky, but he got into the car without uttering a word.

Ngumuso pa si Dylan pagpasok ni Tristan at makahulugan akong tinignan. Hinampas ko naman agad ang braso niya dahil alam ko kung anong naiisip niya. Hindi pa kami nakakapag-usap kaya hindi ko pa masabi sa kaniya ang estado namin ni Tristan.

"Hi, Pol!" maganang bati ni Tristan sa katabi niya. "Did you sleep well last night?"

Hindi sumagot si Pol, bagkus ay tumingin kay Dylan na nagmamaneho.

"Tito Daddy, did you sleep well?"

Kumirot ang puso ko para kay Tristan. I need to have a conversation with Pol when we have some free time, without Tristan. I understand that it's not my role to make him instantly love Tristan, but I want to understand why he's behaving this way.

Lalo lamang akong nasaktan nang makita ang pagseselos sa mukha ni Tristan. Binuksan niya ang bintana ng kotse at nilanghap ang simoy ng hangin. Nagpapanggap na parang wala siyang naririnig.

Naramdaman ko naman ang bahagyang paghawak sa akin ni Dylan. Nilingon ko siya at nginuso niya sa akin si Tristan. Tumango ako dahil nakita ko naman kung anong nangyari.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon