Chapter 22 - From Dusk to Dawn

3.5K 87 127
                                        

Rylee's POV

Marahas kong hinila ang arinola sa tabi ko. Madaling araw nanaman at oras ng pagsuka ko. Parang kinakalkal ng manok ang bituka ko. Mariin kong pinikit ang mata ko nang matapos ako sa pagsuka.

Tinignan ko ang kalagayan ko. Katabi lang ng banig ko ang arinola. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko dahil parang mas mahirap pa ako sa daga. Paano ko bubuhayin ang mga anak ko ngayong hindi ko mabuhay ang sarili ko.

Bumangon na ako upang magsimulang kumilos. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Naligo ako kahit na ramdam ko ang pagkirot ng katawan ko. Bata pa ako pero pakiramdam ko mas mahina pa ako kila Ate Carol. Napapagod na ang katawan ko sa dalawang buwan na pagtatrabaho sa kalsada. Lalo na ngayong medyo lumalaki na ang tiyan ko.

Paglabas ko ay naroon na rin si Mariz na katatapos lang maligo. Kumaway agad siya sa akin habang pinapakita ang strawberry taho na hawak niya. Matagal ko nang nakikita ang mga nagtitinda noon sa daan pero hindi ako bumibili dahil medyo may kamahalan ito.

Sampung piso lang ang taho sa Maynila pero dito ay pumapalo hanggang trenta. Hindi iyon pasok sa araw araw na budget ko.

"Halika, kainin mo 'to," saad ni Mariz.

Lumapit ako sa kaniya para abutin ang taho na hawak niya.

"Salamat, Mariz. Sa susunod, ako naman ang manlilibre kapag medyo nakaluwag-luwag na ako."

Pabiro akong pinalo ni Mariz.

"Ano ka ba! Ayos lang," sabi niya.

Tinikman ko na ang strawberry taho at hindi makapaniwala kong tinignan si Mariz. Ngiting ngiti naman niya akong tinanguan. Ang sarap ng strawberry taho. Kinakabahan tuloy ako dahil baka hanapin ng dila ko ngayong hindi pa ganon kalaki ang sahod ko.

"Wow, may bagong paboritong bff!" rinig kong sigaw ni Ate Carol habang pinupulbuhan ang anak niyang papasok sa school.

"Selosa, ito taho mo!" saad naman ni Mariz habang inaabot kay Ate Carol ang taho.

Lumabas sa bahay sila Ate Carol at agad niyang kinuha ang taho upang ibigay sa anak niya. Ngumuso ako nang panoorin siyang pinapaubos sa anak niya ang pagkain na para sa kaniya sana.

"Tara na, balita ko darating ang anak ni Governor Salazar," sabi ni Ate Carol habang pinupunasan ang labi ng anak niya.

"My love! Ang gwapo talaga," sigaw ni Mariz nang makasalubong namin ang asawa niyang nakasando lang kahit malamig ang panahon.

"Nahatid ko na ang anak natin, magwawalis na kayo?" tanong niya at sinulyapan ako.

Nginitian ko siya.

"Oo, 'wag mo ko mamimiss," sabi ni Mariz at binigyan ng isang halik ang asawa niya.

"Mariz, ano ba? Kaya ka nabuntis nang maaga kasi mahilig ka sa PDA," pagrereklamo ni Ate Carol.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Nauna na kaming umalis ni Ate Carol at iniwan na namin si Mariz na nakikipag-usap pa rin sa asawa niya. Unti-unti na akong nasasanay sa buhay sa Baguio. Mahirap man, masaya naman dahil may mga kasama ako.

"Rylee, kumusta naman? Balita ko kambal ang anak mo," bungad sa akin ng matandang kasama namin sa pagwawalis.

Gulat ko siyang tinignan. Wala naman akong ibang pinagsabihan kundi si Mariz at Ate Carol. Ilang buwan na rin mula nang malaman nila kaya sigurado akong hindi nila kinalat. Nilingon ko si Ate Carol na hilaw na nakangiti na sa akin.

"Nakita niyang nagsusulat ako ng mga pangalan sa notebook, sorry, Rylee," saad ni Ate Carol.

Huminga ako nang malalim at tumango na sa kaniya. Malaki naman na ang tiyan ko at sigurado akong nahahalata na ng mga kasama ko iyon. Nahihiya lang silang magtanong dahil lagi kong kasama sina Ate Carol at Mariz.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon