Chapter 23 - Calm After Chaos

3.7K 87 214
                                        

Rylee's POV

Sinilip kong muli ang mga kasama ko na pinagkaguluhan ang isang itim na van. Mula roon ay may lumabas na lalaking nakasuot ng sunglasses. Napahinga ako nang maluwag nang makitang hindi iyon parte ng pamilyang Remington.

Ngiting ngiti ang lalaki habang kinakamayan ang mga kasama kong nagwawalis. Tuwang tuwa naman sina Ate Carol habang nagpapapicture sa kaniya. Halata na hindi na komportable ang lalaki sa pagdikit nila pero pilit itong ngumingiti para sa mga kasama ko.

Hindi ko na napigilan at lumapit na agad ako sa mga kasama para sawayin sila sa pagdikit sa lalaki.

"Bumalik na po tayo sa trabaho," mahinang sabi ko.

Kita ko ang gulat sa mata ng lalaki nang makita ako. Nginitian ko siya ngunit nanatili ang tingin niya sa akin na parang namamangha. Mabilis na sumunod ang mga kasama ko sa akin, nagpaalam pa sila sa lalaki bago umalis para magwalis.

"Bye, Sir Dylan!" saad ni Mariz.

Nang umalis sila ay naiwan kaming dalawa ni Dylan. Binigyan niya ng isang sulyap ang batang buhat ko kanina na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko tapos ay ang tiyan kong medyo lumalaki na.

"Pasensya ka na. Ito alcohol, mukha kasing hindi ka komportable kanina," sabi ko habang binibigyan siya ng alcohol.

Tinanggap niya ito at ibinuhos sa kamay niya. Napanganga ako nang maubos niya ang alcohol ko sa isang gamitan lang. Hindi naman sa nagdadamot ako pero mahal ang alcohol ngayon at tinitipid ko nga ang paggamit noon.

"Thanks," sabi niya nang maubos niya nang tuluyan ang alcohol ko.

Tinitigan ko ang bote ng alcohol na wala nang laman. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kaya tipid na ngiti na lang ang binigay ko kay Dylan tapos ay bumalik na ako sa kubo. Nakapamewang niya akong pinanood habang unti-unting sumasama ang tingin ko sa kaniya.

Bakit niya naman inubos? Hindi niya manlang ba naisip na kailangan ko 'yun? Kita niyang nagwawalis lang ako ng daan. Malamang mahal ang alcohol para sa akin. Kung para sa kaniya ay barya lang 'yon, sa akin hindi!

Lumapit siya sa amin, tinignan niya ang ilang cardigan na nagawa ko na bago siya nagsalita.

"Have we met dati? Do you know me?" tanong niya.

Mabilis akong umiling sa harap niya. Masama pa rin ang timpla ko sa kaniya. May mga tao pala talagang kahit kakakita mo lang ay ayaw mo na.

"Sir Dylan, we need to take your photos," saad ng isang babaeng lumabas mula sa sasakyan.

"Alright, I'll balik to you," sabi niya sabay turo sa akin.

Umirap ako habang tinitignan siyang nagpapanggap na kasama naming nagwawalis. Siya nga ang anak ng Governor na sinasabi nina Ate Carol. He's excessively praised, even though he doesn't actively contribute, just pretending to care about the environment. Hipokrito.

Nang matapos siyang magpicture ay bumalik siya sa akin na ngiting ngiti. Kita ko ang nagtatakang mga mata ng mga kasamahan ko sa pagwawalis. Kahit ako ay nagtataka dahil hindi ko naman siya kilala pero kung makalapit siya ay parang close kami.

"What's that? Binebenta mo ba this? It looks cool," maarte niyang sabi.

Kahit paraan ng pagsasalita niya ay kinaiinisan ko.

"Pwede bang lumayo ka? Ang baho mo," saad ko.

Kahit ang amoy niya'y hindi tinatanggap ng sistema ko.

He gasped loudly, hands covering his mouth. Umirap ako at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Are you mad?" tanong niya habang sinisilip ako.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon