Chapter 13 - Bitter Realizations

1.8K 65 52
                                    

Rylee's POV

Ipinasok ko sa loob ng envelope ang mga papeles na kailangan ko para sa internship. Nagsimula na rin akong magpasa sa iba't ibang kumpanya maliban na lang sa kumpanya na pag-aari ng mga Remington.

"Rylee, nakapag-apply na ako for internship, guess what?"

Ngiting ngiti si Trisha nang lapitan niya ako.

"Ano?" tanong ko pabalik.

"Pasok ako kila Remington! At hindi lang 'yan," pabitin niyang sabi. "Kay Tristan Remington ako magtatrabaho to be specific! Mababantayan ko na siya para sa'yo."

Tumawa ako at umiling kay Trisha. Hindi niya naman kailangan bantayan si Tristan para sa akin, dahil si Tristan na mismo ang lumalapit.

Ngumisi ako nang makita ang kotse niya sa labas, see? Pabiro akong tinulak ni Trisha nang makita niya si Tristan.

"Ayan na ang malademonyo mong boyfriend," huminto si Trisha bago bumulong. "Sino bang mas gusto mo? Si Charles o si Tristan?"

Humalakhak siya at nagpaalam na sa amin. Umiling lang ako sa kaniya bago lumapit kay Tristan. He's rocking his button-down shirt, sleeves casually rolled up to his forearms. I nuzzled into him as he wrapped his arms around me. Tristan, he's such a clingy guy, and I can't help but smile at his affectionate nature.

"We're having a family dinner, let's go."

Para akong nanigas sa sinabi ni Tristan. A family dinner? Does that mean I'll finally come face to face with Tyler Remington—the very cause of my Papa's madness? Napansin ni Tristan ang pagkatigil ko kaya agad niyang hinaplos ang likod ko.

"Oh, if you're not yet ready then—"

Agad akong umiling.

"No, I'm ready! Let's go! Okay lang ba ang suot ko? Kailangan ko bang magsuot ng dress or ano? Hala, magmake up ba ako?"

He chuckled.

"You look good, Lee. I have your dress in my closet."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He have what? Ngumuso si Tristan at pinagbuksan na ako ng kotse. Mabilis ang naging byahe namin papunta sa condo niya. Hindi naman ako mapakali dahil sa kaba na nagkakatotoo na ang mga plano ko.

I can finally meet the guy my father detested the most and my mother adored the most.

Umakyat ako sa master bedroom para tingnan ang dress na sinasabi ni Tristan. Nilingon ko siya na nakasunod lang sa akin, kinagat niya ang labi niya at tinanguan ako. Mukha siyang kinakabahan pero tinatago niya. Binuksan ko ang walk in closet niya at halos isara kong muli ang pinto sa gulat. Half of his closet was filled with new dresses and women's clothes.

Nilingon ko siyang muli at nakitang nagpipigil siya ng ngiti. Lumapit siya sa akin at iginiya ako papasok sa loob.

"Tristan, ano 'to?"

Nagkibit balikat siya at hinaplos ang mga bagong damit.

"These are all yours. For when you want to stay over, you'll have everything you need," he said, a warm smile playing on his lips.

"Stay over? Parang live in na ang gusto mo sa dami nito!" pagrereklamo ko habang tinitignan ang mga damit na binili niya.

Humalakhak siya at muling lumapit sa akin.

"I mean, I won't stop you if you want to live here."

I looked at him and lightly slapped his stomach. Hinawakan niya iyon at lalo siyang tumawa. Namula ang pisngi ko nang buksan ko ang drawer, puno ito ng underwear. I can tell that it'll fit me just by looking at it.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon