Rylee's POV
Hinihingal akong naupo sa bench sa loob ng Serene Smiles orphanage. Tinawanan ko ang mga bata na pilit pa akong niyayayang sumama sa kanilang makipaghabulan.
"Pagod na si Ate, mamaya na ulit," saad ko habang umiiling sa kanila.
Linggo ngayon, wala akong pasok sa school at wala rin akong trabaho. Every week, ito ang routine ko. Pumunta sa orphanage para tumulong kila Sister Anne.
"Oh, pagpahingain niyo muna ang Ate Rylee niyo." Ngumiti sa akin si Sister Anne at inabutan ako ng tubig.
"Salamat, Sister."
"Hay nako, ako ang dapat na magpasalamat sa'yo, anak. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa mga bata."
Ngumiti ako kay Sister habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa loob ng orphanage. I spent my teenage years disliking kids. Their noise, clumsiness, and mischievous behavior were everything I found annoying. Naalala ko, unang beses na tumira ako kila Tita Liezel, sinalubong ako ng limang maliliit na anak niya.
"Hello, ikaw na ba bago naming Ate?"
"Ate, pabuhat ako!"
Rinding-rindi ako sa ingay nila araw-araw pero wala akong magawa dahil kinupkop lang din ako ni Tita. Utang na loob ko lang na buhayin nila ako at wala akong karapatan magreklamo.
"Rylee, alagaan mo muna sila Totoy habang wala kami ng Tito mo! 'Yan ang trabaho mo dahil wala ka nang magulang."
I remember disliking them so much. Nagkukulong ako sa kwarto at hinahayaan silang maglaro nang maglaro sa sala, pagtapos ay lilinisin ko na lang ang mga kalat nila. Masyado silang maligalig at maingay, para silang mga ibon na nakakawala tuwing umaalis sila Tita.
I thought my resentment towards them would last forever until that one day when Tito came home intoxicated, creating chaos.
"Punyeta ka, Liezel! Malandi ka talaga! Nakikipagyakapan ka sa kumpare ko!"
"Anong nakikipagyakapan? Tarantado ka ba? Malamang birthday niya, binati ko lang!"
Napatalon ang limang magkakapatid nang magbasag si Tito ng mga bote sa sala. Maging ako ay nanginig sa nasaksihan ko, para akong ibinabalik sa panahon noong bata ako. Para kong naririnig ang sigawan ng mga magulang ko.
Tumakbo ang limang magkakapatid sa akin. Nagtago kaming anim sa loob ng kwarto, umiiyak sila sa harap ko.
"Shh, 'wag na kayong umiyak. Maglaro na lang tayo."
Doon nagsimula ang pagmamahal ko sa mga bata. Unfortunately, like me, many of them were born into noisy families. I empathize with these children, as my heart aches for those who don't get to experience a complete and happy family. They reflect aspects of my own life, and I don't want them to end up like me, carrying nothing but anger in their hearts.
Hinawakan ng batang babae ang kamay ko, nginitian ko siya nang ilapat niya sa kamay ko ang mga bulaklak na binunot niya sa garden.
"Ate, ang ganda mo po! 'Pag laki ko, gusto ko po maging katulad mo!"
Nangilid ang luha sa mata ko. At least, these kids have their Ate Rylee now, right? They won't grow up like me. Nginitian ko ang bata at tinanguan. Trust me, the path to becoming someone like me is not one you'd desire. I'm just a soul cloaked in simmering anger.
Natigil ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko ito at nakita ang text ni Charles. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang makita ang contact name niya.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
