DISCLAIMER
This chapter contains explicit mature scenes, references to cigarettes, alcohol consumption, and the use of strong language. Reader discretion is advised. The content is intended for mature audiences and may not be suitable for all readers. Please proceed with caution and consider your own comfort level before continuing.
.
Rylee's POV
Nagkukumahog akong maghanap ng maayos na damit nang sabihin ni Trisha na hinihintay ako ni Charles sa baba. Umagang-umaga ay may bisita ako.
"Rylee, papasukin ko na ba? Ang tagal mo!" sigaw ni Trisha mula sa labas.
"Sandali lang, Trish!"
Sinuot ko ang isang hoodie, hindi na nga lang ako natapos maghanap ng damit dahil bumukas na ang pinto at iniluwa noon si Charles na maayos ang suot. He looked out of place, para siyang hari na bumisita sa lungga ng mga daga.
Ngumisi siya nang tignan ang suot kong pajama, si bubbles iyon ng powerpuff girls. Nilakihan ako ng mata ni Trisha at sumenyas siya na lalabas. Umirap ako dahil siguradong iniisip niya na isa sa mga lalaki ko si Charles at binibigyan niya kami ng oras.
"Bakit ka nandito?" tanong ko. "U-Upo ka, pasensya ka na sa dorm, medyo maliit."
"It's actually clean," sagot niya at naupo sa kama ko. "I'm here because I'd like to invite you to a party."
Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig sa ref at inilagay ito sa baso. Binigay ko 'yon kay Charles nang makalapit sa kaniya.
"Party? Saan? Kailan? Kasama ang mga Remingto—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang lalong lumawak ang ngisi ni Charles. Umangat pa ang isang kilay niya, tila nang-aasar.
"I think they'll be there. It's a birthday party. I'll provide your dress, don't worry."
Ngumuso ako at naupo rin sa kama na nasa harap niya, ang kama ni Trisha. Pwede kong gawing way ang party para makasalamuha ang mga Remington. Kinabahan ako nang maisip na baka naroon din ang pamilya ni Tristan. Will Tyler Remington be there?
"Kailan, Charles?"
"Tonight."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mamayang gabi agad? May trabaho pa ako!
"Bakit biglaan?"
Nagkibit balikat si Charles bago ininom ang tubig na bigay ko. How does he manage to look attractive even while drinking water? Parang nauhaw tuloy ako habang pinagmamasdan ang adams apple niya na gumagalaw kada lunok niya. Maging ako ay napalunok nang lingunin niya ako.
"You have work, right? I'll wait outside, ihahatid na kita."
Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Why? Just why? Bakit niya ginagawa ang mga bagay na hindi niya naman dapat gawin? Why, Charles?
"Kaya ko namang—"
"I don't take no as an answer, Ryah. Ihahatid ko kayo ni Trisha."
Nahulog ang panga ko sa sinabi niya. He knows my real name? How? Tumayo siya at naglakad na palapit sa pintuan, hindi ko naman mapigilan na mapangiti dahil sa kaniya.
Tumigil siya nang nasa pintuan na at nilingon ako. Maging siya ay nakangiti na nang malawak, kinagat ko naman ang labi ko para pigilan din ang akin. Mangangawit na ang labi ko dahil sa lalaking 'to.
"I'll wait, Rylee," kumindat siya bago lumabas ng kwarto.
Patakbong pumasok si Trisha mula sa labas nang malagpasan siya ni Charles. Kanina pa pala siya nasa labas ng pintuan. Agad siyang lumapit sa akin at niyugyog ako dahil narinig niya raw ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
