Chapter 33: Brick by Brick

2K 84 116
                                    

Rylee's POV

Tanghali na nang magising ako dahil sa puyat. Mabilis akong bumangon dahil hindi ko pa naaayos ang baon ng kambal. Hindi ko rin sila nagising at napag-ayos ng damit.

Tinatali ko ang buhok ko habang tumatakbo paakyat sa hagdan. Pero natigilan ako nang sumalubong sa akin ang mag-aama, naglalakad pababa.

Nakasuot na ng uniform ang dalawa. Hawak ni Tristan ang kamay ng mga bata magkabilaan habang nasa iisang braso naman niya ang dalawang bag nila. Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood silang bumababa ng hagdan. Tumitigil pa si Tristan bawat hakbang para hintayin ang dalawa dahil maliliit ang mga paa nito.

And here I thought he'd hate my kids. I thought he'd reject them. Ang sama mo, Rylee.

"Sorry, late ako nagising," sabi ko nang makababa na sila.

"It's alright, I didn't wake you up because I want you to rest," sagot naman ni Tristan.

Tumikhim ako.

Pinagmasdan ko ang kambal na mukhang bagong ligo. Namumuo pa ang pulbo sa mukha nilang dalawa. My emotions swell, unable to contain the wave of feelings. Hindi siya sanay pero sinubukan niyang gawin dahil wala pa ako.

"I'll pack their snacks, you can take a bath. Maaga pa naman," sabi niya. "Dylan left early, sabi niya ako na ang maghahatid."

Tumango ako. With him here, memories of my struggles flooded back—how I struggled to care for the twins alone, especially when Dylan was away, and there was no one to help with their school drop-offs.

There were days when I had to pause whatever I was doing because Art created a mess. 'Yung mga araw na kahit na pagod na akong maglaba, kailangan ko pa silang sunduin sa eskwelahan. Ngayon, nandito na si Tristan, may katulong na ako sa kambal.

I breathe a sigh of relief as I take a bath. Gaano katagal na magiging ganito kami ni Tristan? Sigurado akong hindi magtatagal ay magyayaya na siyang umuwi sa Maynila. Naroon ang buhay niya, wala rito.

But what about the twins? Are they slowly warming up to their father? Lalo na si Pol. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos.

Nang matapos akong maligo ay nagmamadali akong mag-ayos para sumama sa kambal. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay bumungad sa akin si Pol na mukhang kanina pa naghihintay. Nangungusap ang mga mata niya. I know his eyes all too well, just like Tristan. He conveys what he wants through them.

"Mommy, can I get a pet?" tanong niya.

I scrunch my nose. "What pet? A pet like Tantan?" I whispered the name of their old dog

"No, Mommy," sagot niya.

Hindi siya nagsalita ulit. Para bang nahihiya siya na sabihin sa akin kung ano ang gusto niya. Hinayaan ko siyang mag-isip muna, ayokong pangunahan siya sa gusto niyang sabihin.

"I want a gecko," mahina niyang bulong pero hindi nakawala sa tainga ko.

Gecko? Ano 'yun? Tuko? Saan naman siya nakakita ng tuko at bakit gusto niyang mag-alaga nito?

Bakas ata ang kalituhan sa mukha ko dahil yumuko si Pol at umiling.

"If you can't get it, it's fine, Mommy," sabi niya.

Umiling din ako at hilaw na tumawa. Saan ako kukuha ng gecko?

"No, I'm just—I mean, I can—, I don't know where I can get—, I'll try to find one, okay?" I stumble through my words, unsure of what to answer him.

Hindi pa kami natatapos mag-usap ay lumabas na si Tristan at si Art sa kusina. Diretso ang tingin sa akin ni Tristan na para bang narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Pol. Tumikhim ako at inaya na si Pol na pumasok.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon