Rylee's POV
Naupo ako sa isang waiting shed. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni hindi ko alam kung ano ang pasikot-sikot ng Baguio. Kung may tatanggap pa ba sa akin na rerentahan ngayong madaling araw.
Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Hindi rin ako nakapagdala ng damit. Naiwan ko ang lahat kay Tristan. Wala akong dala sa Baguio kundi ang sarili ko.
At ang anak ko.
Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pag-iyak. Hindi manlang ako nagpaalam kay Mama. Hindi ko manlang nabisita ang puntod niya. Ang mga bata sa Serene Smiles. Hindi ko manlang sila nasabihan na hindi na ako makakadalaw.
Napanghihinaan agad ako ng loob. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pinikit ko ang mata ko at isinandal ang ulo sa likod. Dito na lang ako magpapalipas ng oras hanggang sa magliwanag. Sa umaga, hahanap ako ng mauupahan na kakasya ang pera ko.
"Habol!"
Nagising ako sa sigaw ng isang batang babae. Minulat ko ang mata ko at narinig ko ang malakas na huni ng mga ibon. Marahang umihip ang simoy ng hangin. Somehow, it comforts me. The urban life is suffocating, but being here makes me feel safe and at peace.
Tumayo ako at nagkusot ng mata. Nagsimula akong maglakad-lakad sa kalakhan ng Baguio. Pakiramdam ko nga ay maliligaw ako sa daming pasikot-sikot.
Habang naglalakad ay may nadaanan akong karinderya. Malakas na tumunog ang aking tiyan.
Ngumuso ako at tinignan iyon. Kung nag-iisa lang ako hindi ako kakain pero dahil hindi lang ako ang nagugutom, kailangan kong kumain.
Pumasok ako sa karinderya upang mamili ng pagkain. Sobrang daming putahe ang nakahain, hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Pakiramdam ko ay kaya kong kainin lahat.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa sarili.
Nang malingunan ang isang putahe ay agad na sumikip ang dibdib ko. Chicken curry? Talaga? Sa dami ng gugustuhin mong kainin, ito pang may memorya ng iyong Ama?
"Ito anak, singkwenta lang."
Nginitian ko ang matandang babaeng nagtitinda. Mabuti na lamang at mura ang pagkain dito. Kinalkal ko ang bag ko para magbayad pero naagaw ng pansin ko ang cellphone ko. Sinubukan ko iyong buksan pero wala na iyong baterya.
Hindi ako tanga. Alam kong oras na buksan ko ito, mahahanap ako ng mga Remington. Pero wala naman akong kasalanan. Sana matapos ang imbestigasyon nila at malaman nilang hindi ako ang may sala sa aksidente ni Tyler.
Itinabi ko ang cellphone ko at nagsimula na akong kumain. Tuwang tuwa ako sa pagkain, busog na busog na ako pero parang gusto ko pa rin kumain. Napanguso ako nang maisip na kaya siguro sobrang takaw ko nitong nakaraan ay dahil hindi na ako mag-isa.
Nang matapos kumain ay para nanaman akong sinampal ng reyalidad. Kailangan kong humanap ng matutuluyan. Gustuhin ko mang magsearch kung saan ako magsisimula, hindi ko kayang ilagay sa peligro ang buhay ko ngayong buntis ako.
Ilang oras akong nagtanong-tanong sa mga lokal sa Baguio. Iisang lugar lang ang tinuturo nila sa akin. Kinagat ko ang labi ko nang titigan ang makukulay na bahay sa harap ko. Sobrang gandang tignan.
Valley of Colors.
Huminga ako nang malalim bago lumakad sa hanging bridge. Sa dulo noon ay isang maliit na eskinita. Pumasok ako roon at nagsimulang magtanong sa iilang nakatira roon kung mayroon bang nagpaparenta.
"Ah, ang alam ko si Carol paparentahan ang maliit na kwarto sa tabi ng bahay niya. Pumunta ka roon sa dulo tapos kaliwa."
"Salamat po," saad ko bago sinunod ang sinabi niyang lugar.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
