Rylee's POV
Hindi ko alam bakit naglaho si Dylan sa party kagabi. Mabuti na lang at dala ko ang wallet ko at mag-isa na lang akong nagcommute pauwi. I didn't even get to say bye to Liese. Sana manlang sinabihan ako ni Dylan na may ibang agenda pala siya. Hindi ko rin siya nakitang umuwi kagabi.
Kinaumagahan ay hinatid ko na sa school ang kambal. Kinausap ko rin ang teacher nila tungkol sa assignment na pinagawa niya. The principal also talked to the teacher about it and apologized for what happened.
Pinapanood ko ngayon ang kambal na naglalaro sa playground ng school. Kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Art habang masigla niyang sinasakyan ang kapatid para maunang makaakyat sa slide. Si Pol naman ay maingat na inaangat ang kanyang kapatid.
Paano ko ipapaliwanag sa kanila ang tungkol sa Daddy nila? Sana naman hindi na sila gaanong magtanong tungkol kay Tristan. Kinausap ko na rin ang principal at humingi na sila ng paumanhin sa nangyari. I don't want the twins to be constantly reminded that there's something missing in their lives.
"Rylee?"
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nanlaki ang mata ko nang makita si Liese sa playground. Tinignan kong muli ang kambal na abala sa paglalaro. Hindi ko naman balak itago ang kambal kay Liese pero ngayong asawa niya na si Rhys, sigurado akong hindi siya maglilihim dito.
"Liese, anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya. Parang naalala niya na hindi pala dapat kami bati. Ngumuso ako at tinignan ang likod niya kung kasama niya ba ang asawa niya.
"Sorry, Liese," panimula ko. "Sorry talaga, hindi ko makwento sa'yo kasi alam mo na..."
"Hindi ko alam, Rylee," sagot niya. "You and Charles were always hiding secrets from me. Wala akong alam."
Huminga ako nang malalim. Punong-puno ng pagtatampo ang mga mata niya. Kung hindi lang laging nakabuntot ang asawa niya sa kaniya, sasabihin ko naman sa kaniya ang mga nangyari. Kung may panahon lang para ikwento ko sa kaniya, hindi naman ako maglilihim.
"Liese, I will tell you everything when the time come—"
"Kailan, Rylee? Kailan mo sasabihin?" masungit niyang sabi. "Kapag wala na ako? Ano, Rylee? Kailan?"
"Sorry," iyon na lamang ang nasagot ko.
Namula ang ilong at mga mata ni Liese. Nagbabadya rin ang luha rito.
"Rylee naman eh! Ang daya mo!"
Yumuko ako. Nagpipigil ako ng iyak dahil ayokong makita niya na maging ako ay nahihirapan na. No, Liese. I'm strong. Kaya ko pa.
"You know you can always tell me everything and I won't tell a single soul, right?" humikbi siya.
"Rylee, kailan ka natutong maglihim sakin?" tanong niya. "Kailan ka nawalan ng tiwala sakin?"
I felt my heart shattering into a million pieces. I failed as her sister, and now, as her friend. Wala na yata akong ginawang tama. Lahat ng nasimulan ko, sinira ko. Tumulo na rin ang mga luha kong pilit kong binabalik sa mata ko. Hindi ko mapigilang maiyak.
Gusto ko namang magsumbong, Liese. Gusto kong sabihin sa'yo lahat pero hindi pwede. Buntis ka, hindi pwedeng ibigay ko na lang sa'yo ang lahat ng bigat na nararamadaman ko. You need to ensure the safety of your little one as well.
"What's happening?"
"Mommy!"
Parang tumigil ang mundo ko. Art and Rhys spoke at the same time. Rhys directing his question to Liese, while Art sprinted toward me, her brother following closely behind, walking.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
