Rylee's POV
Malakas na sigaw ang lumabas mula sa bibig ni Trisha nang pumasok kami sa bar. Ngiting-ngiti naman si Charles na tinuro ang table namin. I still don't know why Charles is this patient with me. Ilang beses na niya akong nahuling nagsisinungaling lalong-lalo na kapag si Tristan ang pinag-uusapan. Kung sa akin ginawa 'yon, matagal ko na siyang hindi kinausap.
Ibinaba ang sandamakmak na alak sa harap namin nang maupo kami. Agad na nagsimulang uminom si Trisha, panay rin ang pagkwento niya tungkol sa mga lalaking ka-blind date niya.
"Why don't you settle down, Trisha?"
Trisha let out a sarcastic laugh. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Charles.
"Anong settle down? Guys will only break your heart. At tyaka sayang kaya, sabi nga ni Rylee, mas makulay ang buhay kapag maligaya ang pud—!"
Hinampas ko ang braso niya bago pa niua ito matapos. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Trisha, kanina ka pa tinitignan nung lalaking nakaupo roon. Puntahan mo na."
Mariin na tingin ang ipinukol ko kay Trisha. Nakuha naman niya ang gusto kong mangyari, kinuha niya ang dalawang shots sa table at umalis na.
Why would she say that in front of Charles? Oo, sinabi ko 'yon noon, pero matagal na 'yon!
Nilingon ko si Charles na natatawa akong tinititigan. Sumingkit na ang mata niya sa kaligayahan. Napapikit ako nang mariin.
Now he's probably convinced that I'm actually involved with Tristan. It's not like he doesn't know, he's been hinting at it for a while now, indirectly acknowledging it. But still, it's embarrassing.
"Mas makulay ang buhay, what?"
Natatawa niyang sabi. Umiling ako at sunod sunod na ininom ang vodka na nasa harap. Hindi naman siya nagpatinag at muling tinanong ang dati kong motto.
"Maligayang what?"
"Shut up, Charles."
"No, it was funny. Can you repeat it?"
Umiling ako at tumitig sa mga taong sumasayaw. Hindi ako tinigilan ni Charles, lumapit pa siya sa akin upang asarin ako. The sofa is big, yet there was barely any space between us. Marahan niyang hinawakan ang braso ko para kunin ang atensyon ko.
Agad akong tumitig sa mga mata niya nang lingunin siya. Charles' eyes resembled the ocean, deep and dark, seemingly reflecting the depths of his soul. On the other hand, Tristan's held the universe within. Dark, yet sparkling, his eyes were like a night sky adorned with countless stars. Napailing ako sa naisip, hindi ko alam kung bakit naikumpara ko siya kay Tristan.
"Say it, Ryah."
"Mas makulay ang buhay kapag maligaya ang puday."
Nakatulala ako nang sagutin siya. Naramdaman ko ang paggalaw niya, nakanguso na siya nang muli ko siyang lingunin.
"Did I make you feel uneasy? I'm sorry."
Umiling ako upang pabulaanan ang sinabi niya. It's not his fault that thoughts of Tristan suddenly crossed my mind. Kung meron ngang dapat magsorry, ako 'yon, dahil iniisip ko si Tristan kahit na kasama ko siya.
"Do you want to know what's up with me and Tristan?"
Gulat niya akong tinignan. Ininom ko ang panglima kong shot bago muling tumingin sa mga taong nagsasayaw. I want to be honest with Charles. I don't want him to perceive me as a good person when, in reality, I'm not.
"No."
Nagbago ang timpla sa mukha ni Charles habang sumisimsim sa alak. Kunot noo ko naman siyang tinignan.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
