Rylee's POV
Mabilis na tumakbo si Pol pagtunog ng bell. Family day ngayon at nasa school kami para dumalo. Ikaapat na game na ito at kanina pa nangunguna ang anak ko sa mga palaro. I'd say he's the ace of this class.
"Go, Pol!" sigaw ni Rhys.
Tumingin ako sa kanilang dalawa ni Bryce na nasa gilid namin. They volunteered to be Pol's parents because he needs someone on his side for the other games that the two adults will need to participate in. Kami naman ni Tristan ay kay Art habang sina Liese at Chanel ay nanonood sa gilid.
"Go, Art!" sigaw ko nang makitang nangunguna ang anak ko sa paunahang tumakbo.
Nagsigawan kami nang matapos ang racing at nauna si Pol. Ngumuso si Art at agad na nagpabuhat sa Daddy niya.
"It's okay, I'll do better next game," sabi niya.
Sina Rhys naman ay panay ang sigawan habang halos ihagis na si Pol sa ere dahil sa tuwa. Umiinit ang puso ko habang tinitignan ang kambal na tuwang-tuwa. I couldn't help but wonder if this moment of bliss would even exist if Tristan hadn't stumbled upon us.
"Ngayon naman, sina Mommy at Daddy naman ang magp-play! Kids, go to the bleachers and try to rest!" sabi ng teacher nila Pol.
Mabilis na tumakbo ang kambal papunta kila Liese na agad namang kumuha ng towel para punasan sila. Naiwan kaming apat nina Tristan kasama ang ilang parents. Hinawakan ni Tristan ang kamay ko, nilingon ko siya at nginitian. I want to hold him forever.
"Okay, Mommies and Daddies, make a straight line," agad naming sinunod ang sinabi niya. "We're going to play three-legged-race!"
"Sinasabi ko sa'yo, Rhys, kapag pumalpak ka rito, hindi na kita kakausapin," rinig kong pagbabanta ni Bryce.
"Ako pa, bro? I'm the best at all games."
Tumawa ako sa dalawa. Nakita ko naman si Tristan na nakatitig sa akin.
"It's okay if we don't win," sabi niya.
My lips parted in disbelief.
"Minamaliit mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.
Tumawa rin siya at agad na humalik sa pisngi ko. I felt the warmth spreading across my face, flushing with a mixture of embarrassment and delight. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko ngayon lang kami naging ganito lalo na sa publiko. I can't help but gaze at other parents but it seems like this is all normal for them. Despite our grown children by our side, it felt like Tristan and I were newlyweds.
"Foul agad, may nanghahalik!" sigaw ni Rhys.
Hinampas siya ni Bryce kaya agad naman siyang nanahimik. Tumawa ako habang tinitignan si Rhys na nagrereklamo kay Bryce.
Nagsimula na naming talian ang mga binti namin para sa race, hindi pa nga nagkakasundo sina Rhys dahil pinipilit ni Rhys na mas gamay niya ang kanan niyang paa.
"P'wede bang magpalit ng partner?" tanong niya.
"Do you think I enjoy being partnered with you?" Bryce hissed.
"Rylee, gusto mo tayo na lang partner? 'Di ba best friend naman tayo? Natago ko nga secret mo noon—"
"Ang ingay mo, Rhys!" pagrereklamo ni Bryce.
"Isa pa," pagsusungit ni Tristan habang binabantaan si Rhys.
"Hindi mo na ako matatakot sa ganiyan mo, Tristan. Best friend ko si Rylee," sabi ni Rhys bago siya tumingin kina Liese para kumaway.
"Liese, isigaw mo pangalan ko! Shout for me!" sigaw niya.
"Bakit ka ba pinakasalan ni Liese?" tanong ni Bryce habang nagtatakip ng tainga.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...