Rylee's POV
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Para akong mahihimatay habang tinitignan ang anak ko na nakaturo kay Tristan. Hindi ko na ata matitimpla ang kape na gusto ng lalaking 'yon. Mabilis akong naglakad paakyat sa kwarto nina Art.
Hindi ko na nilingon pa sila Art sa takot na baka tawagin ako ng anak ko sa harap ng mga Remington. Pero nang nasa ikalawang palapag na ako ay hindi nakatakas sa akin ang pag-uusap ni Tristan at Dylan.
"Who's daughter is this?" tanong ni Tristan.
"Ah! S-She's my ahm.." nauutal naman si Dylan bago sumagot. "My friend's daughter."
Tulala ako nang nasa harap na ako ng pintuan. Naroon din si Pol at tinititigan ako. Bakas ang kuryosidad sa mata niya. He couldn't resist the temptation to sneak a peek. Mabilis naman akong humarang para papasukin na siya sa loob.
"Pol, why did you let Art get out?" tanong ko. "I told you there's lava outside."
"Art said she's wearing an anti-lava costume too!"
Pumikit muli ako nang mariin. Bakit ba hindi ko naisip na maiisip 'yon ni Art? Sinapo ko ang mukha ko habang iniisip kung ano na ang nangyayari sa baba.
Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang pagkatok ni Dylan sa pintuan. Nanlalaki ang mga mata niya nang buksan niya ito.
"Rylee, jusmiyo marimar!" sigaw niya nang ibaba niya si Art sa harap ko. "At talagang you chose to go up here pa! I saw Bryce titig sa'yo and to Art!"
Matalim na titig ang binato ko kay Dylan bago tumingin sa dalawa. Para naman siyang natauhan, hinilamos niya ang palad niya sa mukha niya bago siya nagtawag ng katulong na magbabantay sa kambal.
"Ate Myla, pakibantayan ang kambal. Make sure they won't get out, please."
Nakita ko ang paglingon sa akin ni Ate Myla. Dylan's demeanor shifted to a more serious tone, his masculine side becoming prominent. Ibang iba ito sa araw araw niyang akto. Ganito siya kapag seryoso na.
Tinignan ako ni Dylan at sumenyas siya na sumunod ako sa kaniya. Hinalikan ko ang kambal bago sumama kay Dylan na bumaba. Bakas pa rin ang lito sa mata ni Pol pero hindi na siya nagtanong sa akin. Si Art naman ay busy na laruin ang manika niya kasama si Ate Myla. Mabilis na hinila ni Dylan ang pulsuhan ko nang makalabas kami ng kwarto.
"You need to take care, Rylee," bulong niya habang pababa kami sa hagdan. "I don't know why, but I want to protect the twins from the Remington too."
Huminga ako nang malalim at tumango sa kaniya. Nakatayo na ang lima mula sa sofa. Mariin na titig ang ibinigay sa akin ni Tristan. His gaze roamed over my figure, coming to a stop as it fixated on my wrist, firmly clasped by Dylan.
"We'll get going, Dylan," saad ni Rhys habang nakatingin kay Dylan.
Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Rylee," pagpapaalam niya.
Tumango ako at ngumiti rin sa kaniya. Tinignan ko ang kaibigan kong si Liese pero umiwas lang siya ng tingin sa akin. Parang naninikip ang dibdib ko habang hinahabol ang mga mata niya. She won't even look at me.
Sunod na nagpaalam si Bryce at ang kasama niyang babae. Ngumiti at tumango rin kami sa kanila. Beside them is a man whom I refused to acknowledge with a glance. Nakita ko ang pagtapik ni Bryce kay Tristan pero hindi pa rin ito gumagalaw.
Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa mga mata ni Tristan. His gaze was fixed on me, his eyes filled with confusion, mirroring the same expression Pol had just a moment ago.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...
