Chapter 16 - Ink of Betrayal

1.5K 59 116
                                    

Rylee's POV

Sinulat ko sa papel ang mga sinasabi sa akin ni Miss Rita. Isang linggo na ako sa mga Graciano kung kaya't nagagamay ko na ang mga trabaho na binibigay nila sa akin.

"Rylee, half day ngayon. Sama ka na sa bar?" tanong ni Lloyd.

Umiling ako sa kaniya.

"Sa susunod na lang, may bibisitahin pa ako," sagot ko naman.

Dismayadong naupo si Lloyd sa upuan niya. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw na ng katawan ko na pumunta sa bar. Iniisip ko pa lang, para na akong nahihilo. I guess this is part of growing up, or maybe the bar doesn't offer me anything valuable anymore. I only recall going there for Tristan.

Natulala ako nang maalala si Tristan. What does Trisha want with him? Why is she suddenly showing so much interest in him? Noong una naman, kahit nakikita niya, wala siyang pake. What's with the sudden curiousity?  Could it be because of my secret?

Noong umuwi ulit ako sa dorm, wala siyang ginawa kung hindi ang magtanong sa akin tungkol kay Tristan. Kung tapos na ba ako sa balak kong paghihiganti. Kung nakita ko na ba ang magulang. Kung anong balak ko. Tinanong niya pa kung kay Tristan ba ako umuuwi sa mga gabing hindi ako sa dorm natutulog.

Bumuntong hininga ako at inayos na ang gamit ko para maghandang umalis. Hindi ko sinabi kay Tristan na half day lang ako ngayon. Gusto kong bisitahin siya sa office niya, gusto kong malaman kung anong ginagawa ni Trisha.

Mahigpit kong hinawakan ang bag ko nang titigan ko ang matayog na kumpanya ni Tristan. In stark contrast to the Gracianos, Tristan's enterprise embodies a vibe of minimalism and futuristic allure.

Taas noo akong pumasok sa loob pero agad akong hinarang ng receptionist upang tanungin kung bakit ako naroon.

"Bibisita po kay Tristan," sagot ko.

The girl's scrutinizing gaze traveled from the top of my head down to my toes, a clear display of judgment.

"May appointment ka ba? Mag-aapply ka? Nako, rekta agad kay Sir ang gusto mo? Ano ka, chicks?"

My forehead creased in response to her question. It was evident that she was trying to belittle me. Gusto kong isampal sa kaniya ang makapal na log book pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong mag-eskandalo sa kumpanya ni Tristan.

"Girlfriend ako ni Trista—"

I hadn't even finished speaking when the girl let out a disdainful scoff. I stared at her in disbelief. Nasaan ba si Tristan at bakit napakamaldita ng receptionist niya? Hindi ko alam kung dahil sa pagod pero ramdam ko na ang galit na namumuo sa loob ko.

"Marami nang pumunta rito tapos sasabihin girlfriend ni Sir pero ang totoo, assuming lang. Kung ako sa'yo, magmove-on ka na, sigurado akong isa ka lang sa mga babae ni Sir. Para kang 'yung mga bagong salta rito, walang ginawa kundi akitin si Sir," masungit niyang sabi.

Ngumiti ako sa kaniya. Nagdidilim na ang paningin ko pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka nasanay lang siya sa mga babae noon ni Tristan. Ngayon, ang galit ko ay nababaling kay Tristan. Bakit ba napakababaero niya? Kung hindi sana siya ganoon, hindi ako tatawanan ng babaeng 'to.

Nakita kong pinagtitinginan na ako ng ilang tao sa lobby. Nag-init ang pisngi ko sa hiya. Lahat sila ay para bang natatawa dahil sa sinabi ng babae.

"Miss, papasukin mo na lang ako. Pagod na ako, ayokong—"

Hindi nanaman ako pinatapos ng babae.

"Mamaya ka na, diyan ka lang. Dito muna sa mas importante sa'yo."

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon