Chapter 25 - Twist of Fate

3.9K 114 225
                                        

Rylee's POV

"Rylee naman, para ka namang bago. I'll invite you as a guest sa birthday ni Dad, ilang taon na tayong friends, ni isang beses you never attend sa birthday ni Dad," pagrereklamo ni Dylan.

Birthday na ni Governor at ilang araw niya na rin akong kinukulit na umattend. I've never attended the Governor's recent birthdays because they were celebrated out of town, and I preferred not to be part of it. Bukod sa nakakahiya na hindi naman ako nababagay sa mga bisita nila, ayoko ring umalis ng Baguio sa takot na baka makita ako ng mga tinataguan ko.

Umiling ako kay Dylan habang inaayos ang mga damit na nilalabhan ko. Hindi naman ako mayaman, hindi ako nababagay sa mundo nila. I've already given up on squeezing myself into other people's lives.

"Rylee, please. Gustong makita ni Dad ang twins sa birthday niya! Now nga lang siya magbirthday here sa Baguio."

Seryoso akong tumingin kay Dylan. If the Governor wants the kids to attend his birthday, then they can. As for me, no. Ayokong isiksik ang sarili ko sa mga taong iba ang mundong ginagalawan. I have to work twice as hard to earn money for the kids. Wala akong oras na magsaya.

Nang hindi ako sumagot ay muling nagsalita si Dylan.

"Alright, you'll go there as a waitress. Extra raket, ano?"

Mabilis akong napalingon sa kaniya. He knows me very well. He understands that I will seize any opportunity to earn money for the well-being of my family. Nakita ko ang pagngisi niya, alam niya na papayag ako.

"Okay! Isama mo ang kambal sa party, magtatrabaho ako."

Malawak na ngumiti si Dylan at tumango sa akin.

"I'll be the babysitter, you be the waiter. Ikaw talaga, you're so mahirap to convince."

Tumawa ako at nagpatuloy na sa paglalaba.

"Just like how you always inarte when you were pregnant, you say thank you to me I became understanding ha!"

"Thank you, master," pang-aasar ko naman.

Dylan was persistent when I first came in his house.

"Saan po ako matutulog?" tanong ko nang makapasok sa malaki niyang bahay.

Nagkibit-balikat si Dylan at itinuro sa akin ang kwarto sa taas. Kumunot naman ang noo ko nang mapansin na may mga kwarto naman sa first floor na sigurado akong para sa mga katulong pero itinuro niya pa rin sa akin ang nasa itaas.

"Papasok po akong housekeeper, hindi po ba dapat sa ilalim ang kwarto ko?"

Nilingon niya ako.

"I'm giving you a nice room na nga, ayaw mo pa?"

"Nakakahiya naman po, housekeeper lang naman po ako,"

Nanlaki ang mga mata ni Dylan habang nakatitig sa akin. OA siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"You're not a housekeeper lang, you're more than that! You are my housekeeper," saad niya.

"Ano pong pinagkaiba nun?" tanong ko naman.

"Wala naman, don't maliit yourself lang. Sige na, just go in that room"

"Sir, kung pipilitin niyo pong diyan ako magkwarto ay babalik na lang ako sa Valley of Colors"

"Oh, sige na!" sigaw niya at itinuro sa akin ang kwarto sa ibaba. "My gosh, ang hirap mo i-please."

Natawa ako nang maalala ang pagsusungit ko noon kay Dylan. Akala mo nga'y ako pa ang nagbibigay ng pabor sa kaniya kung makapag-inarte ako. And he never said anything bad, even though I did so many naughty things back then.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon