Chapter 18 - Lament of the Beast

1.5K 69 80
                                    

Rylee's POV

Draped in a sleek, fitted black gown that accentuated every curve, I glided down the red carpet with Tristan by my side. Hinawakan ni Tristan ang bewang ko habang naglalakad kami.

Para akong mabubulag sa dami ng flash na tumatama sa mata ko. Naramdaman ko ang marahang haplos ni Tristan sa braso ko, tila ba pinapakalma ako. Ngumiti ako sa kaniya upang ipakita na ayos lang ako. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na kami sa loob.

Huminga ako nang malalim at agad na pinagmasdan ang venue. The venue was every bit as big and grand as the rumors suggested. The media was kept outside, only able to catch glimpses of the luxury inside.

I stepped into the venue, overwhelmed by its surroundings. The luxurious interior radiated elegance, making me feel small and out of place.

Hinila ako ni Tristan palapit sa isang lamesa sa gitna. Nakaupo roon ang dalawa niyang pinsan, Rhys and Bryce. Matalim na tingin ang ibinigay ko kay Rhys nang magtagpo ang mga mata namin.

"Do you want anything?" bulong ni Tristan sa akin.

Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya. I couldn't help but notice the curious glances from other attendees, their eyes fixated on us as if we were the evening's entertainment. The weight of their stares bore down on me, and suddenly, every step felt like it should be calculated, every gesture measured.

Nang hindi na ako makahinga dahil sa mga titig nila ay nagpaalam ako kay Tristan upang pumunta sa comfort room. Tumayo siya upang samahan ako, gusto ko pa sana siyang tanggihan pero mukhang determinado siya sa desisyon niya.

Para akong sinasakal sa paraan kung paano ako tignan ng mga nakapaligid sa amin dahil lang kasama ko sa iisang table ang mga Remington.

Nauna akong maglakad kay Tristan patungo sa comfort room. Naghintay lang siya sa labas at ako naman ay pumasok na sa loob upang kumalma. Inayos ko ang make up ko habang nakatitig sa salamin.

Napatabi ako sa gilid nang may biglaang pumasok na dalawang babae, hindi manlang ako tinignan ng mga ito at nagchismisan pa sa tabi ko gamit ang malalakas na boses.

"Did you hear what Claudette said? 'Wag lang talagang magkakamali ang ex ni Rhys na sumama sa ibang lalaki ngayon. Nakakahiya siya."

"Gold digger nga raw, sino ba kasi siya para pumapel sa mga Remington? Her name sounds so old kaya," sabi pa ng isa.

Para akong nagkaideya sa kung sinong pinag-uusapan nila. Napalingon ako sa kanila, tinignan din nila ako mula ulo hanggang paa. They scoffed at me and continued fixing their make ups.

"Who would name their child Annaliese? That's so lame," saad ng isa.

Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya. What the fuck are they talking about? Anong gold digger? Anong sinabi ni Claudette? Gigil na gigil ako pero hindi ko iyon pinahalata hanggang sa makalabas na sila.

The glances turned into whispers, and I felt a surge of anger rising within me. It was tempting to slap those judgmental gazes away, to confront the insulting comments head-on. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong sirain ang pangalan ni Tristan dahil lang sa galit ko.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang sarili ko sa salamin. I need to control myself. Inilabas ko mula sa bag ko ang cellphone ko at mabilis na tinignan ang news. Unang pahina pa lang ay nakita ko na agad ang mukha ni Liese at ang mga pinagsasabi ni Claudette sa interviewer.

Nanlalaki ang mata kong binasa ang mga sinasabi ng media. The injustice seared through me like a wildfire as I witnessed the unjust judgment being hurled at Annaliese. How could they condemn a person based on a mere snippet of false information?

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon