Rylee's POV
So began the tale of our unforeseen friendship. I couldn't fathom that I would find a friend once more, let alone trust someone again.
"Dylan!" malakas kong sigaw nang maramdaman ang pagputok ng panubigan ko.
"What?!"
Natatarantang tumakbo palapit sa akin si Dylan. Hindi rin siya magkandaugaga nang makita ang tubig na umaagos sa mga binti ko. Nanlalaki ang mata niya nang tumakbo siya palabas sa private room ng hospital.
Dinala niya ako rito nang sinabi ko sa kaniyang sumasakit na ang tiyan ko at pakiramdam ko lalabas na ang kambal. Dalawang araw na ata akong narito at ngayon pa lang pumutok ang panubigan ko.
"Lalabas na!" narinig kong tili ni Dylan na animo'y siya pa ang manganganak.
Mabilis akong dinaluhan ng ilang nurse. Kinausap pa nila si Dylan na sobrang putla habang nakatingin sa ginagawa sa akin. Bakas ang kaba sa mukha niya.
Sa sobrang sakit ay inabot ko ang kamay ni Dylan. Hindi ko nga lang alam kung matatawa ba ako gayong ako naman itong nahihirapan pero kung makaiyak siya ay parang siya ang nasasaktan.
"Is it masakit? Too much ba?" tanong niya habang nakatitig sa akin.
Mahigpit ang naging hawak ko sa kamay niya. Pakiramdam ko nga lahat ng sakit ay ibinigay ko na sa kaniya. Kahit na ganoo'y hindi siya nagreklamo. Hindi rin niya inilayo ang kamay niya sa akin.
Isang malakas na sigaw ang inilabas ko at ramdam ko na agad ang pagod. Narinig ko ang pag-iyak ng isang bata. Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Ibang ginhawa ang naramdaman ko nang marinig ang pag-iyak niya.
"Lalaki po ang nauna," saad ng isang nurse kay Dylan.
His cries echoed, prompting tears to well up in my eyes. My child had entered the world, giving me another reason to embrace and live my life.
Nakita ko rin ang naluluhang mga mata ni Dylan. Nakangiti siyang tinitignan ang bata habang hawak ng mga doktor. Bumaling siya sa akin at tumatango.
"Don't ngiti muna ah, may one pa!" saad niya.
Pagod na ako pero pinilit ko pa ring ilabas ang lakas ko. Hindi ko alam na ganito kasakit ang panganganak. Yet, as their cries harmonized, a soothing calm washed over my heart. They're here. My twins had arrived, marking the beginning of a new chapter in my life. In that moment, I found solace and a sense of completeness.
Nang masiguradong ligtas ko silang nailabas ay pumikit ako. Pagod na pagod ang katawan ko. Pakiramdam ko lumulutang ako.
"Anak."
Narinig kong bulong ng babae. Kahit hindi ko pa nakikita ay alam ko na kung sino iyon. Kilalang kilala ko ang boses na iyon.
"Mama!" sigaw ko.
Umikot ako ngunit wala akong ibang makita kung hindi liwanag.
"Anak," saad niyang muli ngunit ngayon, mas malakas.
"Mama!" pagtawag ko.
Nang umikot ako ay nakita ko ang anino ng isang babae. Agad na tumulo ang luha sa mga mata ko. I know that silhouette all too well. I recognize that stance very well.
Nakita ko ang ngiti niya nang lapitan ko siya. It's a contented smile. A smile that comforts the corner of my heart. The kind of smile that heals my inner trauma.
"Matagal kong hinintay ang araw na ito, anak," saad niya.
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya upang yumakap at umiyak. Miss na miss ko siya. Miss na miss ko ang mama ko.
BINABASA MO ANG
Risk it, Lose it (Remington Series 3)
RomanceRyah Lylee Solares harbored a lifelong resentment toward the Remingtons. Fueled by a burning desire for revenge, her world takes an unexpected turn when Tristan Remington, the very embodiment of her disgust, declares his love for her. As the lines b...