Chapter 8 - Fading Facades

4.3K 89 73
                                        

Rylee's POV

Hinihingal akong naupo sa tabi ni Sister Anne nang maghapon. Hindi pa rin nauubos ang energy ng mga bata at gusto pa rin nilang maglaro. Pinanood ko si Tristan na nakikipaghabulan sa playground, marahan akong tumawa nang makitang hindi manlang siya maabutan ng mga bata.

"Alam mo, mabait na bata si Tristan. Isa nga siya sa dahilan kung bakit lumakas ang pundasyon ng Serene Smiles."

Nilingon ko si Sister Anne na busy rin panoorin si Tristan. Isa siya sa dahilan? Bakit? Did he do something that affected Serene Smiles? Sumulyap sa akin si Sister Anne nang mapansin niyang tahimik ako.

"Siya ang unang apo ng mga Remington, lahat ng gusto niya nasusunod. Mula sa kayamanan, hanggang sa mga bagay na gusto niyang makuha," huminto si Sister Anne para ngitian si Tristan. "Maraming beses siyang pwedeng tumuro sa mapa ng lugar kung saan niya gaganapin ang birthday niya pero lagi siyang dito pumupunta."

Yumuko ako sa bagong impormasyong nakalap. He throws his birthday party here?

"Gustong-gusto niyang makasama ang mga bata, na pipiliin niyang dito na lang magparty kaysa sa ibang bansa."

I didn't come across that on the internet. Walang ganoong impormasyon na nakalagay sa ilalim ng pangalan niya. All I know is his birthdays when he was a kid was private, 'yun bang sila-sila lang ang makakapasok. Mayayaman lang ang nakakaalam.

And here I am thinking that maybe he doesn't want the poor rats to be at his birthday when in reality, he celebrates it with the kids. Ngumuso ako, he's not that bad after all.

Tinignan kong muli si Tristan, he's now staring straight at me. With his hair a bit damp, he jogged his way to me. Narinig ko ang mahinang paghagikgik ni Sister Anne.

"Alam mo, Rylee. Bagay kayo, pareho kayong mabait."

Para akong kinain ng hiya sa sinabi ni Sister Anne. In the depths of my heart, I harbored hatred for the Remingtons and an unexpected forgiveness for my father. I meticulously plotted their downfall. Hindi ako ang taong inaakala niyo.

Tiningala ko si Tristan na nakangiti sa harap ko.

"Are you tired? You wanna go home?"

Si Sister Anne ang sumagot sa tanong ni Tristan.

"Ay oo, hapon na at oras na ng uwi ni Rylee."

Tristan licked his lips before nodding to Sister Anne. Nagpaalam pa siya kung pwede bang makiligo, puno na rin kasi siya ng pawis. I bit my lip, not wanting to speak. Natatalo na ng impormasyong nakakalap ko ang kasamaan ni Tristan sa utak ko. Think, Rylee. Hindi porket dito siya nagbibirthday, mabuti na siyang tao. He may want his birthdays here so he'll look good in front of other people.

Pero kung gusto niyang magpabango ng pangalan, dapat ay ibinalita na na dito siya nagbibirthday.

Lumapit sa akin si Tristan nang mapansin niyang naiwan akong naglalakad sa dulo.

"Okay ka lang?"

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. You're mad at him, Rylee. This guy standing in front of you was the reason your family had crumbled. His father, Tyler Remington, was the architect of your dad's downfall.

We shared a common enemy, a shared hatred that ran in our veins. Like my father, I despised everything about their family. Para akong nagriritwal habang inuulit ko sa utak ko 'yon.

His smile held a magical power, instantly soothing the chaos within my heart. It was ironic, the way his presence brought peace to my restless soul. Yet, the contradiction lingered, while my heart found solace, my mind, skeptical and guarded, painted him in shades of doubt. I will always think the worst of him.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon