Chapter 32 - A Storm of Truths

5.1K 110 142
                                        

Rylee's POV

Kinagabihan ay nauna nang matulog ang kambal. Naroon pa rin sa loob si Tristan at pinapanood sila.

"Matulog ka na," sabi ko.

Lumingon sa akin si Tristan at huminga nang malalim. Alam kong hindi siya makatulog dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon siyang anak.

"Kailangan mong matulog, Tristan."

Tumango siya at lumapit sa akin.

"I know," bulong niya. "Saan ka matutulog?"

Tinitigan ko siya nang tanungin niya iyon. Hindi ko pala nasabi sa kaniya kung saan ako natutulog. Akala niya nga kahapon ay magkatabi kami ni Dylan.

Baka iniisip niya na may namamagitan saming dalawa ngayong ilang beses niya na kaming naaabutan na naghaharutan ni Dylan.

"Sa ibaba, maid's quarter," sagot ko.

Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin.

"You can sleep in my room, I'll sleep here."

Umiling ako agad. Choice kong matulog sa maid's quarter. Ayaw kong pagmukhaing masama si Dylan gayong ako naman ang pumili non.

"Ako ang pumili ng kwarto ko," sabi ko. "Matulog ka na, maaga pa tayo bukas."

Matagal siyang tumitig sa akin bago niya binuksan ang pintuan. Hinintay niya muna akong makalabas bago siya sumunod.

Nang bumaba ako ng hagdan ay naramdaman ko ang presensya niyang sumusunod pa rin. Nilingon ko siya nang nagtataka.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Ihahatid ka," sagot niya.

Halos matawa ako sa sinabi niya. Ihahatid saan? Sa baba?

"Parang isang kanto ang layo ng kwarto ko ah? Diyan lang sa tabi ng hagdan," natatawa kong sabi.

"Yeah, I'll walk with you."

Kaya para akong lumulutang habang naglalakad pababa ng hagdan. I can't walk straight now that he's beside me. Sobrang tahimik na sa bahay at patay na rin ang mga ilaw. Rinig na rinig ko tuloy ang paggalaw naming dalawa.

"Ah!" sigaw ko.

Kinagat ko ang labi ko nang matapilok ako sa huling bahagdan. Masyado akong naging kabado dahil sa kaniya. Hindi ko natantya ang hakbang ko.

Mabilis na humawak sa bewang ko si Tristan kahit na nakatayo naman na ako. Uminit ang pisngi ko dahil halos magkalapit na ang mukha naming dalawa.

Madilim na pero parang nagliliwanag siya. His face, untouched by time, aged like a bottle of exquisite wine. Mabilis ang naging tibok ng puso ko dahil doon.

Lumunok siya nang isang beses habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi ako nagsalita. Just this once, I want to explore the galaxies hidden within his eyes.

As if his eyes possessed a gravitational force, I felt myself being drawn into them. Para akong mababaliw sa paraan ng pagtitig niya. He's always been like this.

"We can talk about our past, now," sabi ko.

Umawang ang labi niya habang nakatitig sa labi ko.

"Tristan," bulong ko.

He held my gaze for what felt like an eternity before finally releasing me, allowing me to breathe freely once more.

Perhaps his eyes served as a gateway to expressing one's true desires, a direct link to the subconscious. Kaya siguro madali niyang mapaibig ang mga businessman.

Risk it, Lose it (Remington Series 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon