HIS WIFE ( RUTHLESS MEN SERIES 1 )

224 5 0
                                    

P R O L O G U E

Kasalukuyan kami ngayong nasa isang party kasama ang lalaking ipinakasal sa akin. Kinuha ako ng mag-asawang Ross sa isang ampunan at ipinakasal sa anak nila dahil kailangan na raw nila ng apo.

“Aryn, samahan mo ako sa CR,” ani ni Jai na girlfriend ng kaibigan ng asawa ko kaya napatango naman ako at binalingan si Adam.

“Sasamahan ko si Jai mag-cr,” ani ko at tumingin naman siya sa'kin at tumango.

Nginitian ko naman siya bago naglakad paalis kasama si Jai.

Nag-cr na rin ako dahil naihi na rin ako. Naunang natapos si Jai kaya binilisan ko na. Pabalik na sana kami sa table namin nung makita naming parang nagkakagulo na.

“Bakit Adam? Totoo naman ang sinasabi ko ah,” ani ng isang boses kaya naglakad kami ni Jai papalapit sa nagkukumpulang mga tao.

“Feeling mo, lahat ng babae papatol sa'yo kaya pati ang girlfriend ko balak mo na ring kunin,” ani pa nito hanggang sa nakita ko na kung ano ang nangyayari.

Nakatayo si Adam habang may isang maliit na lalaking nakatayo sa harap niya at may babae sa likod nun. Nangunot naman ang noo ko dahil wala akong alam sa nangyayari.

“Babe tama na,” ani nung babaeng nasa likod nung lalaki maliit.

“I told you, Clifford. Hindi ko siya hinawakan. She touched me and I avoid her,” ani ni Adam sa kalmado niya pang boses ngunit malamig iyon at seryoso.

“Huwag kang magsinungaling, Ross! Ganyan naman kayo!” sigaw nito at kinuwelyuhan ang asawa ko. Bigla namang naging alerto ang mga bodyguards niya ngunit sumignal si Adam kaya wala silang ginawa.

“I'm married, Clifford,” ani ni Adam kaya bigla akong natigilan.

“As if loyal ka!” sigaw pa nung Clifford at binitawan siya.

Adam chuckled at lahat ng tao ay napaatras.

“You can say that,” ani ni Adam at binasa ang labi niya.

Sobrang kalmado lang ni Adam habang yung Clifford ay halatang galit na galit.

Biglang kumuha ng basong may lamang alak si Clifford at bago niya pa mabuhos yung alak kay Adam ay pumagitna ako kaya ako yung nabasá.

“What the hell!” ani nung Clifford at tumingin sa akin.

“We can talk about this matter privately, I'm sorry if my husband did something that piss you off. Just like what I said earlier, we can talk about this matter privately,” ani ko sa kalmadong boses at hinawakan ang kamay ni Adam at tinakpan ko siya. Just in case may gawin yung Clifford na ikapapahamak ni Adam.

“Is this your wife?” tanong nung Clifford.

“Yes, Mr. Clifford,” ani ko at biglang ngumisi yung Clifford.

“Pwede naman nating pag-usapan Adam. Palit tayo gusto mo?” biglang ani nung Clifford at nagulat ako ng nasa harap ko na si Adam habang hawak ang kamay ko.

“What did you just said?” ani ni Adam na halatang galit na.

“Palit—” hindi na natapos nung Clifford yung sasabihin niya nung tutukan siya ni Adam ng baril sa ulo.

Naalerto naman ang lahat kaya hinila ko ang laylayan ng damit ni Adam.

“Hey,” ani ko ngunit iba na ang aura niya.

“You can disrespect me, insult me and do whatever you want, but what you did to my wife made me lose my temper,” ani ni Adam at nakita ko ang paglunok ni Clifford.

“Adam, we can settle this matter privately,” I said calmly and he look at me.

Tinanggal niya ang coat niya at iniligay niya iyon sa akin dahil basa na ang damit ko.

Tumingin siya ulit kay Clifford kaya humarang ulit ako ngunit ngayon ay nakatingin na ako kay Adam.

“Don't,” ani ko at napatingin siya sa akin habang hawak ko ang kamay niyang may baril.

“So this is your wife?” ani ni Clifford at tumawa.

“Shut up or I'll—”

“Adam,” ani ko sa mababang boses at hinimas ang kamay niya.

Ibinaba niya naman ang baril at inilikod ako ulit at hinila niya si Clifford palapit sa kanya.

“You're lucky because she's here, pero kung wala. Hindi ko alam kung saan ka pupulutin,” ani ni Adam na hindi ko narinig.

“Let's go, before I do something,” ani ni Adam at naglakad na kami paalis.

His indeed the most scary person who can kill you once he lose his temper, and I'm — his wife.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now