Hindi ako makakibo at iniisip kung saan ko nga ba nakita itong babae na ito.
Ah! Siya yung babaeng lumapit kay Adam doon sa Art gallery. Napakaganda niya sa personal.
“So, how's your life?” biglang ani nito kaya naman ay napailing-iling ako dahil matagal na pala akong nakatingin sa kanya.
Narinig kong bumuntong hininga si Adam na para bang tinatamad siyang magsalita.
“Great. My life is great,” ani ni Adam sa walang emosyong boses kaya bahagya ko siyang nasiko.
Dapat ay may manners pa rin siya. Napakasigla nitong kausap niya pero siya parang walang pake.
“Good to hear that,” ani nung babae at biglang napatingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay na siyang nagpawala sa ngiti ko.
“And she is?” aniya habang nakaturo sa akin kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. Bakit parang nahihiya na ako kahit tinitingnan niya lang ako?
“My wife,” mabilis na sagot ni Adam at inalis ang kamay niya sa bewang ko at hinaplos pa ang buhok ko.
Natahimik yung babae kaya bigla akong nailang. Habang itong lalaki sa likod ko ay inaayos ang buhok ko? Ginagalaw niya kasi.
“W-wow. I didn't expect na may asawa ka na pala, naalala ko tuloy bigla yung plano ng parents natin para sa ati—” aniya ngunit bigla siyang pinutol ni Adam at sabay namin siyang tinalikuran dahil si Adam na ang gumalaw sa akin.
“We're done. We gotta go,” ani ni Adam at wala naman akong nagawa at sumunod na lang sa mga gagawin niya.
Akmang maglalakad na kami ay biglang nagsalita ulit yung babae.
“Kung hindi mo mamasamain, pwede ka bang pumunta sa restaurant na palagi nating kinakainan?” ani nito kaya nangunot ang noo ko. Restaurant na palagi nilang kinakainan?
“No. We already had a plan for today,” ani ni Adam kahit na ang plano lang talaga namin ay maggrocery ngayong araw.
Akmang maglalakad na naman kami ulit ng biglang magsalita ulit yung babae kaya napasapo na lang ako sa noo.
“Adam,” ani nito ngunit nagulat ako ng hindi na ito pansinin ni Adam at naglakad na kami papasok sa savemore.
“What should we buy first?” ani ni Adam at pinakawalan na ako ngunit ang kanang kamay niya ay nakaalalay pa rin sa akin.
“Adam,” ani ko kaya napatingin naman siya sa akin habang naglalakad na kami papunta sa mga prutas.
“Kinakausap ka niya,” ani ko at akmang lilingon na nung pigilan niya ako.
“Don't mind her, act like she's just a mosquito roaming around,” ani ni Adam na ikinagulat ko.
Hinayaan ko na lang dahil si Adam lang naman ang gustong kausapin nung babae. Pero may connection pala sila? Ang sabi nung babae ay may plano ang parents nila.
Ga'no kaya nila kakilala ang isa't isa? Kilala din yung babae nina Mr. and Mrs. Ross?
“Aryn,” tawag ni Adam kaya bigla akong napatingin sa kanya na may hawak na palang apple.
“H-huh?” ani ko habang nakatingin sa kanya. Ginulo niya naman ang buhok ko at ibinigay niya sa akin ang apple na hawak niya.
“I said, should we buy some apple?” ani nito kaya naman ay napatango na lang ako dahil wala ng prutas sa ref.
Ngayon ko lang narealize na wala pa pala kaming cart o basket man lang. Agad akong umalis sa harap ni Adam at pumunta sa lagayan ng mga cart dahil alam ko namang marami-rami ang bibilhin namin.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...