JESSICA

65 3 2
                                    

“It is clear now, Aryn,” ani ni Carmilla na siyang ikinatigil ko at ikinatango.

“You really do feel that way, now,” ani ni Carmilla at napasandal sa upuan, halos isang oras na rin kami dito sa café nag-uusap patungkol sa isang bagay na napaka importante para sa akin.

Bigla ay naalala ko ang sinabi ni mamang sa akin noong nabubuhay pa siya.

“Kapag ang isang tao, sigurado na sayo. Ang katagang, mahal kita o sa ingles ay I love you ang sasabihin niya sa'yo, tanda iyon na gusto ka niyang makasama habang buhay, at importante ka, sa taong iyon na tipong handa niyang ibuwis ang buhay niya, para sa'yo.”

Napabuntong hininga ako at napatingin sa inumin kong paubos na.

“But, I want you to do something for me, Aryn,” aniya na siyang ikinagitla ko.

Umuwi kami ni Von matapos ang ilan pang minuto at naabutan ko sina manang na gumagawa ng meryenda.

“Oh, nakabalik din po kayo agad,” ani ni Adelaida kaya naman ay napatango ako at ngumiti.

“Ano pong niluluto niyo?” tanong ko at tumingin sa ginagawa nila.

“Ah, simpleng turon lang po at palamig, para sa bisitang darating daw po sabi ni sir,” ani ni Teresita kaya naman ay nagtaka ako.

“Hindi ka raw po matawagan ni sir kaya siguro po ay hindi niyo alam,” ani ni Adelaida kaya naman ay natigilan ako at agad na kinuha ang cellphone ko sa bag.

Nakapatay ito. Lowbat? Hindi ko napansin na lowbat na pala ito.

“Sino raw po ang bisita?” tanong ko at ibinalik sa bag ko at cellphone ko.

“Sina madam po, tapos may kasama rin daw po sila, galing daw po sa malayong lugar at dito muna mamamahinga,” ani ni Teresita kaya naman ay napatango-tango ako.

“Sige, palit lang ako ng damit,” ani ko at naglakad na paakyat sa taas at agad na pumasok sa kwarto namin pagkatapos.

Bisita? Agad kong isinaksak ang cellphone ko sa charger at naglakad papasok sa walk in closet.

Mabilis akong nagpalit ng damit at agad na nagtungo sa cellphone kong naka-charge. Binuksan ko ang cellphone ko at agad na bumungad sa akin ang pangalan ni Adam.

Missed calls: 57

From: Adam
Where are you?

From: Adam
Why aren't you answering my calls?

From: Adam
I'm here at my office right now, because of an emergency meeting.

At marami pang iba. Ang nakalagay dito ay 96 unread messages at ang huling message ay…

From: Adam
I'm on my way. Mom's gonna visit the house. Why can't I contact you? Are you alright? Please reply if you read one of my message.

Napabuntong hininga ako at agad na nagtipa ng pwedeng i-reply sa kanya, ang kaso ay bago ko pa matapos ang isang sentence ay biglang tumunog ang cellphone ko at dahil sa gulat ay muntik ko itong maibagsak.

Adam calling…

Napatikhim muna ako bago ko sinagot yung tawaga.

“Hello?” ani ko sa mababang boses.

[“Hey, are you now at home?”] tanong niya na ikinatango ko kahit hindi niya ko nakikita.

“Yes,” ani ko at lumunok.

“Nagmamaneho ka ba?” tanong ko dahil ang huling message niya sa akin ay on the way na siya dito sa bahay.

[“Yes. I call you because I saw that you're typing, I thought something might had happened to you,”] aniya kaya naman ay napasapo ako sa noo.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now