Hindi rin naman nagtagal sina Jai, Carmilla, Floryn at Hanabi dito sa bahay dahil pinauuwi na sila ng mga nobyo/asawa nila.
“Welcome Home,” pagbati ko kay Adam kagaya ng palagi kong ginagawa tuwing galing siya sa labas.
“Kumain ka na ba?” tanong ko at tumango naman siya at nakatayo lang habang nakatingin sa akin.
“Okay ka lang?” tanong ko at bahagya lang siya tumango at hinubad ang coat niya na agad ko namang kinuha at marahang tinupi.
“How about you?” tanong niya.
“Have you eaten?” aniya pa kaya naman ay napailing-iling ako.
“Inantay kasi kita, pero kumain ka na pala, kaya kakain na lang ako ngayon,” ani ko at ngumiti sa kanya.
“Ilalagay ko lang to sa laundry para malabhan ko bukas,” ani ko at akmang maglalakad na sana nang hawakan niya ang kamay ko.
“Bakit?” tanong ko at bigla niya namang binitawan ang kamay ko.
“Nothing,” aniya at niluwagan ang necktie niya kaya bahagya akong napatango-tango na lang.
May problema ba siyang di niya masabi?
Nagkibit-balikat na lang ako at tinungo na ang dapat kong puntahan pagkatapos ay bumaba na ulit para kumain. Medyo nagugutom na rin ako.
Pagkababa ko ay wala si Adam sa sala. Nasaan na siya?
Napatingin naman ako sa office niya at pumunta doon ngunit wala rin siya doon.
Pumunta ako sa dining area na malapit sa sliding door na kapag binuksan mo ay makikita mo doon ang hardin. Nakabukas ang sliding door at nakita ko si Adam na naninigarilyo at may kausap na men in black na napakalaki ng katawan.
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na maglakad papunta sa kanila at hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila.
“Wala pa naman akong napapansin na kakaiba,” ani nung lalaking naka men in black.
Parehas silang nakatalikod at medyo malayo pa ako sa kanila pero naririnig ko na ang pinag-uusapan nila.
“You sure? I saw someone on CCTV before I got home. You know that Nulan's laptop is connected to the CCTV cameras in the house,” ani ni Adam at hindi ko alam ngunit napatigil ako.
“Nagmamasid naman kaming mabuti dito sa bahay, boss. Kung may makakapasok man ay paniguradong hindi naming hahayaang makalapit kay madam,” ani nung lalaking men in black.
“At siya nga pala boss, yung apat na babae nung mga kaibigan niyo ay pumunta rito kanina at umalis makalipas ang tatlong oras,” pagpapa-alam niya kay Adam.
“I know. I saw it,” ani ni Adam hanggang sa naubos niya na yung sigarilyo niya.
“Alam ko kung bakit ka naninigurado ngayon boss,” ani nung lalaki at napatingin si Adam sa kanya.
“Nagbabanta si Halucart,” ani nung lalaking men in black at nakita kong kumuha ulit ng sigarilyo si Adam.
“How did you know about that?” tanong ni Adam sa seryosong boses.
“May isa sa mga pinamamahalaan ko ang nagtangkang kumilos laban sa atin, boss. Pinaamin ko at sinabi niyang tauhan siya ni Halucart,” ani nung lalaking men in black sa seryosong boses at inayos ang tayo niya.
“Bakit hindi nakarating sa'kin 'to?” tanong ni Adam kaya gumalaw ako at nagpunta sa part na di nila ako makikita.
Curious ako. Sino si Halucart?
“Sabi ni Sir Nulan na huwag na munang ipaalam sa sa'yo at sila na ang bahala. Last month pa nangyari yun, nagpalit na rin ng mga tauhan, yung matagal na,” ani nung men in black.
“Good to know that,” ani ni Adam.
Nagulat ako ng biglang may isa pang lalaki ang dumating at hinihingal siya.
“Boss, may nagpadala ng sulat sa may gate,” ani nito kaya bahagya akong napaatras dahil mukhang nararamdaman na ako nina Adam.
“F*ck it!” aniya na parang pinipigilan niyang sumigaw.
Nagtungo na ako ulit sa dining area at pagmamasdan ko na lang sila sa malayo.
Hindi magandang nakinig ako sa usapan nila, sana naman ay maayos nila yung problema. Pero ano bang balak nung Halucart? Sino ba siya?
Kinuha ko ang orange juice sa ref at tinanggal ang takip nung niluto ko at nagsimula nang kumain.
I should stop thinking about that matter. Hindi magandang makialam ako sa kanila.
Noong natapos akong kumain ay nakita ko si Adam na iba na ang aura. Kasalukuyan siya ngayong nasa sala at katatapos ko lang hugasan ang pinagkainan ko.
“Adam?” ani ko at napatingin naman siya akin. Ngumiti ako at naglakad palapit sa kanya. Nanonood siya.
“Uupo ako, ha?” ani ko at tumango naman siya.
Tahimik lang akong nanonood kasama siya kaso biglang nagpatalastas at may sumingit pang news flash.
BREAKING NEWS | May natagpuang sampung lalaking sa isang abandonadong building at lahat sila ay wala ng buhay. Suspetsa ng mga pulis ay kasama sila sa isang gang o organisasyon na kumakalaban sa pulisya. Pinag-iingat ang lahat dahil kamakailan din ay may natagpuang mga babaeng nakakulong sa isang abandonadong bahay din kalayuan sa abandonadong gusali.
Bahagya naman akong natigilan dahil doon at nakita ko si Adam na seryoso lang na nanonood at biglang may inilabas sa bulsa niya.
“Here,” aniya at inabot sa akin ang isang cellphone.
“Use it in case of emergency,” aniya kaya naman ay napatango ako at kinuha ang cellphone at pinakatitigang mabuti iyon.
“Salamat,” ani ko at ngitian siya, habang siya ay nakatingin lang sa akin at biglang napatikhim at umiwas ng tingin.
Noong natapos yung pelikula na pinapanood namin ay antok na akong umakyat sa taas, samantalang si Adam ay pumasok sa banyo para raw maligo dahil nakapagpahinga naman na siya.
Akmang hihiga na ako sa sofa ng biglang bumukas ang pintuan ng CR at iniluwa nito si Adam na nakapantulog na.
“Matulog ka sa kama,” aniya ngunit napailing-iling naman ako.
“Sanay na akong matulog dito,” ani ko at humiga, ngunit pinilit ni Adam na doon na ako dahil babae ako at mas makakatulog ako doon ng maayos. Wala akong laban sa kanya kaya humiga na lang ako.
“Now, sleep,” aniya kaya naman ay napabuga na lang ako ng hangin at pumikit na.
Naramdaman ko siyang humiga na rin ngunit malayo ang distansya namin sa isa't isa dahil malaki yung kama. Hindi naman ako malikot matulog kaya okay lang.
Makalipas naman ang ilang minuto ay nakatulog na ako.
Naalimpungatan ako dahil sa may naririnig akong boses at pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko si Adam na may kausap sa phone at nakatayo.
“D*mn it. I told you to be careful,” aniya at halatang gálït na gàlït.
“He'll know about it sooner or later because of you, f*cker,” aniya pa habang ang kamay ay nasa bewang niya at lumalabas na ang mga ugat niya at halatang nagtitimpi na siya.
“He cannot touch what's mine. I'll do everything to keep her safe so do what I say,” aniya at naglakad papunta sa balcony.
“She's in danger? Nah-uh. Sila ang mag-ingat because by the time I find out who they are and what they are up to, wala akong ititira,” aniya bago siya tuluyang makapunta sa balcony.
Sino ang kausap niya?
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
عاطفيةD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...