WELCOME

30 3 0
                                    

Nagising ako sa pangalawang pagkakataon at nasa kotse pa rin kami, ang pinagkaibahan lang ay nasa isa kaming bundok at natatanaw ko ang malawak na karagatan sa baba.

“W-wow,” ani ko pagsilip ko sa bintana pagkagising ko at nakita si Adam na seryoso pa ring nagda-drive at maayos pa rin ang itsura kahit puyat.

2nd day na pala 'to na nasa kotse kami. Ang layo pala talaga.

“Okay ka lang kahit wala kang tulog?” tanong ko kay Adam at kumuha ng tubig sa backseat at ininom iyon.

“Yes,” simpleng aniya habang nakatingin pa rin sa daan.

Bigla ay may pumasok sa isip ko dahil naalala kong hindi pa siya nagka-girlfriend. Mas maganda rin na magsalita ako dahil sobrang tahimik namin.

“Kung hindi ka pala nagka-girlfriend, baka boyfriend meron?” mahinang tanong ko at ngumiti sa kanya.

Nangunot naman ang noo ni Adam at napatingin sa akin.

“What kind of question is that?” tanong ni Adam kaya bahagya akong natawa.

“Malay ko ba,” ani ko at nagtaas ng dalawang kamay at natawa ulit.

“I just don't like girls. I just want to work, that's all,” aniya kaya naman ay napatango-tango ako.

“Sige,” ani ko at sumilip na ulit sa bintana.

“How about you?” biglang tanong ni Adam kaya napatingin ulit ako sa kanya.

“Hindi ako nagkaroon ng boyfriend,” sagot ko at napatango naman siya.

“Why?” tanong niya ulit.

“Kasi wala naman iyon sa isip ko noon hanggang sa naging asawa na lang kita,” pagsasabi ko ng totoo at napatango naman siya.

Naging tahimik na ang byahe pagkatapos noon at wala nang nagsalita sa amin. Wala naman na akong masabi kaya tumingin na lang ako sa labas.

“Excited ako,” pagsasabi ko kay Adam habang nakatingin sa bintana.

“Because it's your first time,” aniya kaya naman ay napatango ako dahil mukhang ignorante na ako.

“Don't think to much. You'll like that place just like my mom,” aniya kaya naman ay napatingin ako sa kanya at nakatingin pa rin siya sa daan.

Makalipas ang ilang oras, siguro ay mga tanghali, sinabi ni Adam na malapit na kami kaya naisipan kong iipit ang buhok ko at pinunasan ko ang mukha ko ng basang bimpo. Tumigil kasi kami sandali kanina dahil naubusan na ng gas yung kotse.

Hindi ako nag-make up o ano at tanging pagpupunas lang ng mukha ang ginawa ko, hindi rin naman kasi talaga ako naglalagay ng gano'n.

Napatingin na din ako sa daan at nakitang pumasok kami sa isang Barangay na malawak. Maraming bahay at mga batang naglalaro sa daan.

Napangiti naman ako dahil ang mga ngiti nung mga batang iyon ay nagpasaya din sa akin.

“Ang saya nila,” ani ko kay Adam at itinuro yung mga bata at tiningnan siya.

“Hmm..” aniya kaya naman ay napangiti ako habang pinagmamasdan yung masayang mga tao na parang wala silang problema.

Nagulat ako dahil biglang tumigil ang kotse at inaantay ni Adam na pagbuksan siya ng gate. Bumusina pa siya bago tuluyang binuksan yung gate.

Pumasok kami doon at malawak na hardin ang nakita ko habang papunta kami sa garahe raw.

“Ang ganda nga,” ani ko at ngumiti kay Adam.

“See? I told you, you'll like it,” aniya kaya napangiti ako lalo hanggang sa tuluyan ng huminto yung kotse at nakita ko sina Jai kasama yung iba na nag-aantay sa'min.

Bumaba naman ako ng kotse at kaagad naman akong dinambahan ng yakap ni Jai.

“Tagal mo beshhyy,” ani ni Jai kaya natawa ako at kumalas muna sa yakap niya para sana tulungan si Adam pero parang wala lang sa kanya yung dalawa naming maleta at yung pasalubong pa namin sa lola niya.

“Ako na jan sa isa,” ani ko doon sa maleta ko ngunit hindi niya ko hinayaan.

“Just continue walking,” ani ni Adam kaya sinabayan ko na lang siya sa paglalakad dahil nahihiya ako.

Sabay kaming nakapasok sa loob ng bahay at inilibot ko ang paningin ko at masasabi kong maganda ang interior design.

Inilapag ni Adam ang mga maleta at yung pasalubong at nagulat ako dahil biglang sumulpot si Von na siyang personal bodyguard ni Adam.

Si Von ang nagdala noon sa taas at halatang kabisado na rin niya yung buong bahay.

“Welcome!” ani bigla ng isang matandang babae na sigurado akong lola ni Adam.

Nagulat ako ng hilain ako ni Adam gamit ang bewang ko palapit sa kanya.

“Hindi mo ba bibigyan ng yakap si lola?” tanong nung lola ni Adam kaya tiningnan ko naman si Adam na seryoso lang na nakatingin sa lola niya habang nakahawak sa bewang ko.

“Shake hands will do,” ani ni Adam kaya natawa ang lola niya at nakipag-shake hands nga kay Adam, sabay tingin sa akin.

“Welcome, ihja,” ani nito sa akin kaya naman nawala ang kaba sa dibdib ko.

“Salamat po,” ani ko at inilahad niya ang kamay niya, senyales na gusto niya ng yakap.

Akmang yayakap na ako ng hapitin ako pabalik ni Adam kaya tiningnan ko siya.

“Yakap lang, ang damot mo naman,” ani nung lola ni Adam kaya ginamit ko ang buong lakas ko para makawala kay Adam at tuluyang niyaka ang lola niya.

Grabe naman 'to si Adam. Yakap lang ayaw pa ibigay.

Niyakap naman ako pabalik ng lola niya kaya napangiti ako at kumalas.

“Napakalambing naman pala nitong asawa mo, kukunin ko 'to,” ani ng lola ni Adam kaya natawa ako at pinisil naman ng lola ni Adam ang pisngi ko.

“I like you, for him,” ani bigla nung lola ni Adam kaya natigilan ako at napatingin kay Adam na seryoso lang. Palagi naman.

“Welcome, again,” ani ni Mrs. Donovan na siyang mama ng mama ni Adam.

Siniko ko naman si Adam at napatingin siya sa'kin at tiningnan ko siya na nagsasabing nginitian niya ang lola niya, nagulat ako dahil ngumiti siya ng maliit sabay lapit sa lola niya.

“I miss you, lola,” ani bigla ni Adam habang nakayakap sa lola niya kaya naman ay napangiti ang lola niya at hinalikan ang noo ni Adam.

“Yayakap ka naman pala, kailangan lang tingnan ng asawa mo,” ani nito kaya napangiwi ako. Baka nagpapabebe lang kanina.

“Let's go, tanghali na. Kakaluto lang din ng mama mo,” ani ni Mrs. Donovan kaya naman ay napatango kami at sabay nang naglakad papunta sa dining area at sobrang daming tao.

“Welcome,” sabay sabay nilang sabi at maging sila Carmilla ay nakisabay.

Nginitian ko naman silang lahat at nagbow.

“So formal,” ani ni Adam na katabi ko lang at umupo na kami.

“Pabebe ka,” pang-aasar ko at kumunot naman ang noo niya.

“No I'm not,” aniya.

“Yes you are,” ani ko at napailing-iling na lang siya bago kumuha ng kanin at sabay sabay na kaming kumain.

Masaya naman ang lahat pagdating namin, salamat naman.

Itatanong ko na lang kay Adam kung bakit siya nagpabebe kanina at maging ako ay pinigilan.

Ang ganda dito.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now