Dumating kami sa club mga bandang 3:30 na ng hapon. Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ako sanay sa mga ganitong lugar.
I'm wearing a skirt above my knee na kulay itim and a white sando na napapatungan ng brown cardigan. Pinasuot sa akin ito ni Jai para di raw masyadong revealing. Maging sila ay hindi masyadong nagpapakita ng skin.
“Alam mo, para kang model na rarampa. Napakaganda mo, yung tayo mo, tapos the way na maglakad ka. Shesshh. Nakaka in love ka,” ani ni Jai kaya natawa ako.
“Grabe ka,” ani ni Floryn kaya naman ay lalo akong natawa.
Mga ilang minuto bago namin napagpasyahan na pumasok na sa club.
Sobrang ingay at maraming usok sa paligid. Napaubo pa ako dahil doon at tinakpan ko ang ilong ko gamit ang kamay ko.
“Sheeshh. Ang classy pa,” ani pa ni Jai kaya napatawa ako ng mahina.
Puro papuri naman ang isang 'to.
“You're making her uncomfortable,” ani ni Carmilla kaya naman ay nagpeace sign siya.
“Sorry, ganda mo lang kasi,” ani nito kaya nginitian ko siya.
Am I really that beautiful? Noong nasa orphanage ako ay madalas nila akong tawaging pangit at walang mararating sa buhay. I wonder kung ano ba talaga ako sa paningin ng iba.
Ngunit kaagad din kaming napatigil dahil papalabas na sina Adam, Atlas, Saber, Yin at Nulan at may mga babaeng sumusunod sa kanila.
Kaagad naman akong lumapit kay Adam dahil mukhang hindi na niya kaya at sobrang dami na niyang nainom.
He's drunk.
“Don't touch me,” aniya kaya kaagad akong napabitaw at kamuntikan na siyang matumba kaya kaaga ko naman siyang ulit inalalayan.
“I'm married so back off,” ani nito kaya naman ay napatigil ako.
“Kami na po ma'am,” ani nung isang babaeng halos hubad na ngunit pinigilan ko siya.
“Ako na. Asawa niya ako,” ani ko at nginitian siya. Hindi ko alam ngunit mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at inirapan ako.
“Lasing kasi nang lasing di naman kaya,” dinig kong ani ni Jai habang nakasubsob si Yin sa may leeg niya.
Samantalang si Adam ay iniisip na ibang tao ako.
“Si Aryn ako. Uuwi na tayo,” ani ko sa mahinang boses at napatingin naman siya sa akin at napatayo ng maayos at lumapit naman ako sa kanya para alalayan siya.
“You're Aryn?” tanong niya habang mapungay ang mga mata at halatang lasing na.
“Yes,” ani ko at ngumiti sa kanya pagkatapos ay hinawakan siya sa braso at sabay na kaming lumabas nung bar.
Wala siyang imik habang papunta kami sa Van na dala ni Carmilla.
Mabuti na lang pala at Van ang dinala ni Carmilla kung hindi ay baka hirap na hirap kami ngayon.
Hinatid kami ni Carmilla sa bahay at pagkatapos ay umalis na. Idadaan niya rin sina Floryn sa mga bahay nila at pagkatapos ay didiretso na rin sila sa bahay nila.
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok ni Adam at tinulungan na rin ako nung mga guards na maipasok si Adam sa bahay.
“Salamat, Vernon,” ani ko sa personal bodyguard ni Adam at tumango naman siya sa akin at nag bow bago umalis.
“Come,” ani bigla ni Adam habang nakaupo siya sa kama at nakalahad ang mga kamay.
Lumapit naman ako at ibinuka ko rin ang mga kamay ko pagkatapos ay bigla niya akong hinila kaya parehas kaming napahiga sa higaan pero nakapatong ako sa kanya.
“Hindi ka ba magpapalit ng damit?” tanong ko habang nakatingin sa mukha niya.
Nakapikit na siya at nagulat ako dahil bigla niyang ipinatong ang mga kamay niya sa bewang ko.
“Matutulog ka na ba diretso?” ani ko at sinubukang iaayos ang pagkakahiga ni Adam.
“My head is spinning,” ani ni Adam kaya napatayo naman ako bigla at inayos ang pagkakahiga niya.
Lasing na nga.
“Umayos ka muna, Adam. Baka masuka ka,” ani ko at naglakad papunta sa walk in closet at kumuha doon ng pamalit niya.
Hindi naman kasi siya makakatulog ng maayos kung hindi siya magpapalit.
“Palit ka muna,” ani ko at inabot sa kanya ang damit niya.
“Gusto mo ba ng maligamgam na tubig?” tanong ko at napatango naman siya.
Iniwan ko ang damit niya sa higaan at naglakad pababa at nag-init ng tubig. Noong kumulo na ay naglagay ako ng kalahati sa baso at kalahating hindi mainit.
Naglakad ulit ako papunta sa taas at nakitang nakapantulog na si Adam at nakaupo pa rin sa higaan. Yung mga damit naman na suot niya kanina ay napunta sa lapag.
“Inom ka muna nito,” ani ko at inabot sa kanya ang maligamgam na tubig bago kinuha ang mga damit niyang nakakalat sa lapag at inilagay sa laundry.
“Okay ka na?” tanong ko at napatango naman siya at nakita kong medyo umayos na ang mukha niya at nahiga na siya.
“Doon ka sa gilid, ako jan,” ani ko at bahagya siyang inusog ngunit ayaw niya.
“Sige, jan ka na lang, dito na lang ako sa kabila,” ani ko at napabuga ng hangin.
5:30 na pala kaya naman ay nagtungo na ako sa baba para kumain ng hapunan. Wala naman na akong gagawin bukod doon dahil natapos ko na ang mga gawain ko kanina.
Hindi pa ako inaantok kaya nanood muna ako ng TV habang si Adam ay paniguradong tulog na ngayon.
BALITANG SHOWBIZ : Sikat na Model na si Veronica Lattier ay nagbalik pilipinas na. Sinabing dito na siya muna sa Pilipinas dahil nandito ang business niya.
Wow. Ang ganda naman ng babaeng 'to. Sikat pa siya globally at napaka sexy niya pa.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan yung babaeng nasa TV. Sikat na modelo, at business woman.
Tahimik lang akong nanonood at noong magsawa ako ay pinatay ko na yung TV at dumiretso na sa taas. Mga 6:42 na nung dinalaw ako ng antok.
Pagpasok ko sa loob at nakita ko si Adam na mahimbing nang natutulog kaya nahiga na rin ako.
Pinatay ko na yung ilaw at matutulog na sana ako ng biglang may humila sa bewang ko.
Napatingin ako kay Adam na tulog na tulog at walang kamalay malay sa nagawa niya. Isiniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko habang yakap yakap ako ng mahigpit.
Hinawakan ko naman ang ulo niya at hinimas himas ito ng dahan-dahan hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Sweet dreams, Adam.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
Roman d'amourD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...