DANCE

22 3 0
                                    

Kasalukuyan kami ngayong kumakain na dito sa bahay at patingin tingin ako sa orasan ko dahil sa manonood kami ng fireworks mamaya.

“Are you alright?” tanong ni Adam habang kumakain at napatango naman ako at napatingin sa orasan ko ulit.

“Mamaya pa ang inaantay mo, kumain ka muna ng maayos,” ani ni Adam kaya naman ay napatigil ako at ibinaling na lang ang atensyon ko sa pagkain.

“Sorry naman, excited lang,” ani ko dahil ito ang first time ko na makakapanood ako ng fireworks.

Noong natapos kaming kumain ay pinasama kami ni Mrs. Donovan sa isang covered court dito sa kanila dahil may sayawan daw na mangyayari.

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papunta sa covered court at katabi ko si Adam na seryoso lang.

“Ngiti ka naman,” ani ko kay Adam kaya napatingin siya sa akin.

“I don't have any reasons to smile,” aniya kaya naman ay napabusangot ako.

“Basta ngumiti ka na lang, pwede naman iyon. Baka naman gusto mo ng isang magandang babae para ngumiti?” ani ko at napailing-iling naman siya at napilitang ngumiti pero talagang hindi siya masaya.

“Ang pangit mo talagang kabonding,” ani ko dahil para lang kaming magtropa na naglalakad at nagkwekwentuhan.

Mahina naman siyang natawa dahil sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.

Komportable na akong kasama siya at sana naman ay ganoon din siya sa akin.

Nakarating kami doon sa covered court at marami ng tao. May mga upuan at tables din at may malaking espasyo sa gitna.

“Dito tayo,” ani ni Mrs. Donovan at naupo naman kami sa isang mahabang upuan na may mahaba ding mesa sa harap. Magkabilaan kami nina Jai at nasa kabilang dulo nung lamesa si Mrs. Donovan.

Wala si Mrs. Ross dahil may aasikasuhin daw sila ni Mr. Ross kaya hindi na siya sumama.

Napasapo ako sa noo ko dahil ramdam kong hindi komportable si Adam sa surroundings dahil ayaw niya sa maraming tao.

“Dapat hindi ka na pala sumama,” ani ko kay Adam na katabi ko lang.

“Why not?” tanong niya.

“Kasi hindi ka naman komportable sa maraming tao,” ani ko at napatingin sa kanya na nakatingin na rin pala sa akin.

“I'm fine. Just enjoy yourself,” aniya kaya naman ay napabusangot ako at inabot ang buhok niya at ginulo.

Sabagay, kung hindi siya sumama ay malamang baka hindi rin ako naging komportable dahil wala naman akong ka-close dito maliban kina Jai na meron ding mga sariling mundo.

Male-left out pa ako kapag nagkataon. Pero okay lang ba talaga siya?

“Sure ka na jan? Pwede naman tayong umuwi,” ani ko at umiling-iling naman siya.

“Stop thinking about me, just enjoy yourself,” aniya kaya napatango ako at nginitian siya bago tumingin sa mga tao.

“Magandang, magandang gabi sa inyong lahat! Pista na naman at nagbabalik ako!” ani sa palagay ko nung host at natawa naman yung mga nandito.

“Pero dahil may mga bagong dating sa lungga ni Mrs. Donovan, may ibang magaganap ngayon!” ani pa nito at bahagya akong natawa sa lungga na sinabi nung host.

Nagsimula ang mga palaro sa mga bata at nakita ko si Selina na naglaro. Nanalo siya ng isang libong peso at nakita kong inabot niya yun sa mama niya.

“Anong gagawin mo sa pera na yan Selina?” pahabol na tanong nung host na sa tingin ko ay lalaking baliko.

You know what I mean.

“Itutulong ko po sa mga bayarin sa bahay,” aniya kaya napangiti ako dahil sa pag-iisip niya.

“Cute niya talaga,” ani ko at napatingin kay Adam na nakatingin doon sa host at parang hindi siya satisfied sa papremyo nung host.

Nagulat ako dahil tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad papunta doon sa host at may mga babaeng napatili dahil nga malakas ang dating niya pero parang wala namang pakialam si Adam doon at bumulong sa host.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero bigla silang pumunta ng backstage.

“Shesshhh anong balak ni boss?” ani ni Yin kaya naman ay natawa yung iba.

“Hindi satisfied si Adam sa papremyo,” ani ni Mrs. Donovan kaya napatingin ako sa kanya.

“Alam niya ang buhay dito at kung gaano kahirap kumita ng pera at yung isang libo ay alam niyang hindi sapat,” ani ni Mrs. Donovan kaya napangiti ako at napatingin kay Adam na seryoso lang na naglalakad at halos lahat ng babae ay nakatingin sa kanya.

“May nag-sponsor para sa gabing ito!” ani nung host at napapadyak pa at parang kinikilig.

“Pogi mo sir,” ani nung Host at nagfinger heart pa kaya napatawa ako ng medyo malakas kaya natawa din sina Jai.

“Kahit sino na lang gusto ka na,” ani ko at napatingin sa kanya at lalong natawa dahil sa itsura niya. Nakakunot na ang noo niya at hindi na niya gusto ang nangyayari.

“So yun na nga. Participate lang kayo at mananalo kayo ng… dun dun! 20,000 pesos! At lahat ng sasali ay makakatanggap din ng 8,000 pesos! Hindi ka na nanalo niyan ah, pero malaking pera na yan!” ani nung host kaya gulat akong napatingin kay Adam na seryoso lang na pinagmamasdan ang mga tao at yung mga tao ay napatingin sa kanya.

Lalo silang naghiyawan at nagpalakpakan.

“Adam? Magkano ang binigay mong pera?” tanong ko at napatingin sa kanya at tumingin naman siya sa'kin at uminom ng tubig.

“One million cash,” simpleng aniya na parang namigay lang siya ng candy kaya nanlaki ang mata ko.

“So, ang magiging susunod na competition ay, pagalingan sa pagkanta! Kasama ang mga magagaling nating musikero, The Thugz!” ani nung host at umilaw yung bandang mini stage nitong court at may banda nga doon sa stage.

Barya lang sa kanya ang one million? Napailing-iling na lang ako at wala ng iba pang sinabi. Wala naman akong karapatan.

“Kailangan ng limang candidates na kakanta at ang mananalo ay syempre may pera!” ani nung host kaya naman ay natawa ang mga tao at tatlong babae ang lumapit at dalawang lalaki.

Naglaban silang lima at yung isang lalaki yung nanalo, at kagaya nung sinabi nung host kanina ay may pera pa rin na natanggap yung natalo.

Yung iba ay bukas na ipagpapatuloy at ngayon ay iba naman ang tema.

“Ngayon ay sayawan na!” ani nung host kaya nagulat ako dahil biglang paiba iba ng pwesto yung ilaw. Para siyang spotlight.

“Ang dalawang matapatan nito ay sasayaw dito sa gitna!” ani nung host at tumugtog na yung sweet song.

Gulat ako dahil biglang natapat kay Adam yung ilaw at isa isang babae.

“Mr. Pogi and Ms. Maridel!” sigaw nung host kaya gulat akong napatingin kay Maridel na nakaupo sa kabila.

Isasayaw niya si Maridel?

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now