“Okay ka na?” tanong ko kay Adam pagkagising ko at nakita ko siyang umiinom ng kape habang may d'yaryong hawak.
“Hindi ka kumain kagabi,” ani ni Adam at ibinaba yung d'yaryo.
“Hindi pa naman ako gutom,” ani ko na lang at tumayo na sa pagkakahiga at naglakad papunta sa maleta ko dahil may tinapay ako doon at naglakad papunta sa ref na meron pala sa kwarto na ito at kinuha ang chocolate drink ko doon.
“That will be your breakfast?” tanong ni Adam at tumango naman ako at inilapag muna ako pagkain ko sa lamesang malapit sa higaan at naglakad papunta sa CR para magmumog.
Lumabas ako at nakita si Adam na umiinom pa rin ng kape ngunit laptop niya na yung hawak niya at may salamin na siyang suot.
“Baka nasaktan mo, feelings nung nagluto. Wala ka man lang nagustuhan doon kahit isa,” ani ko at kumagat sa tinapay at binuksan na yung chocolate drink ko.
“Mom should say apologies to them. It's not my fault that their cooking skills did not met my expectations,” aniya kaya napabusangot ako.
“Kawawa pa rin,” ani ko at para lang kaming magkaibigan na nag-uusap.
“Stop thinking about that,” aniya na parang iritado na kaya hindi na ako nagsalita at kumagat na lang sa tinapay.
Noong natapos na akong mag-almusal ay sabay kaming bumaba ni Adam dahil nagugutom na daw siya. Siya na din daw ang magluluto ng pagkain niya.
Ngunit napatigil din kami sa paglalakad papunta sa kusina nang may lumapit sa aming maid at sinabing nanjan ang papa at lolo ni Adam kaya doon kami pumunta sa sala.
“Nandito ka pala, Maridel. Akala ko lumipat na kayo,” dinig kong ani ng isang boses at nakitang si Mr. Ross yung nagsalita.
“Naloko po si mama eh, kaya kami yung kawawa,” ani nung Maridel at napatigil naman sila sa pag-uusap ng biglang tumikhim si Adam.
Nagbow naman ako kaagad dahil napatingin sa akin si Mr. Ross at nagulat ako dahil lumapit siya sa amin kaya agad kong inangat ang ulo ko.
“Nandito rin pala kayo,” ani ni Mr. Ross at sabay kaming niyakap ni Adam. Gumanti naman ako ng yakap habang si Adam ay naka-cross arm.
Kumalas naman si Mr. Ross sa yakap at tinapik ang balikat ni Adam at napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako.
“Such a perfect match,” ani ni Mr. Ross at bahagyang tumawa kaya napangiwi ako dahil ang awkward.
“Samahan mo kami Adam, bibili kami sa bayan ng baboy para gawing lechon,” ani ng isang boses na sa palagay ko ay si Mr. Donovan ang nagsabi dahil sa boses nito na medyo matanda na.
“I'm hungry,” kontra ni Adam at natawa naman ang mama niya.
“Sa daan tayo bibili ng pagkain, baka maubusan pa tayo ng baboy,” ani ni Mr. Ross at tinalikuran na kami at nagsimula na silang maglakad paalis.
Napatingin ako kay Adam at ngumiti sa kanya bago ginulo ang buhok niya.
“Sama ka na doon,” ani ko dahil mukha pa siyang balak na sumama.
“Make sure that you'll cook some food for me,” aniya habang masama na ang timpla kaya natatawang tumango naman ako kaya napabuntong hininga na lang siya at sumama na rin.
Noong nakaalis na sila ay napatingin ako kina Jai na nakabihis na bihis maging sina Mrs. Ross at Mrs. Donovan.
“Let's go. Wala sila kaya bibili na rin tayo sa bayan para sa mga ihahandang pagkain para sa nalalapit na fiesta,” ani ni Mrs. Donovan kaya naman ay napatigil ako.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
Lãng mạnD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...