FIESTA

29 3 0
                                    

“Good morning couple!” sigaw na gumising sa buong sistema ko.

“What is your problem?” dinig kong ani ni Adam kaya napamulat naman ako.

“Maghahanda na raw para sa fiesta kaya dapat gising na kayo. Pinapagising na kayo ni Mr. Donovan,” ani ni Jai na nakatayo habang nakapameywang sa harap namin kaya napaupo naman ako sa higaan at napakusot-kusot ng mata.

“Good morning,” bati ko kay Jai at napatingin kay Adam na nakadapa na at natatabunan ng unan sa ulo.

“Shut up Herera,” ani ni Adam na sa palagay ko ay si Jai ang tinutukoy niya.

“Soon to be Mrs. Verizon,” ani ko at namula naman si Jai at tumalikod na.

“Tayo na, kumilos na kayo,” ani ni Jai kaya natawa na lang ako at lumabas na siya.

“Di ka pa tatayo?” tanong ko kay Adam at inalis niya naman ang unan na tumatabon sa mukha niya.

“What time is it?” tanong niya habang nakatingin sa akin kaya kinuha ko ang cellphone ko sa gild ng higaan.

“8:30,” ani ko at tumingin sa kanya na nakasubsob na sa unan.

“10 more minutes,” aniya kaya tumayo na ako sa higaan at inilapag yung cellphone sa side table at dumiretso sa banyo para maghilamos at magmumog.

Pagkalabas ko ay nakahiga pa rin si Adam at mukhang wala talagang balak tumayo.

Hindi ko naman siya pinakialaman at kumuha na lang ng panibagong damit sa kabinet at dumiretso ulit sa banyo para magpalit.

Baka kailangan na talaga kami doon, gusto ko ding tumulong sa pagluluto.

Noong nakapagpalit na ako ay lumabas na ako sa banyo at nakita si Adam na nakasandal sa higaan at mukhang pagod talaga.

Maaga kasi akong natulog kahapon habang siya ay may kausap pa sa laptop. Ka-meeting niya raw yung ibang investors nila sa ibang bansa. Mukhang puyat na puyat ang lalaking 'to.

“Coffee?” tanong ko at kinuha yung coffee niya sa ref at lumapit ako sa kanya.

“Yes,” aniya kaya inabot ko sa kanya yung coffee na hawak ko at kinuha niya naman iyon.

“Okay ka pa?” tanong ko at tumango naman siya at binuksan yung can coffee at ininom iyon.

Naglakad naman ako papalapit sa ref at kinuha yung chocolate drink ko sa ref at ininom din iyon.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na malapit lang sa higaan namin at nagulat dahil nakatayo na si Adam at nag-uunat.

“Baba na tayo?” ani ko at kinuha yung cellphone ko sa side table at ibinulsa iyon.

Simpleng dress na kulay white na ang design ay maraming bulaklak at may bulsa iyon. Hindi ko na matandaan kung saan namin ito binili.

Medyo maganda ang design at hindi talaga halatang may bulsa siya. Cute.

“Alright, let's go,” aniya at inubos yung kape at ibinulsa niya na naman.

Simpleng short at V neck shirt lang ang suot niya.

Noong nasa hagdan kami ay nakikita na namin yung mga kasambahay na may bitbit na maraming lagayan.

“Nagluluto na sila?” tanong ko at napatingin kay Adam na chill lang kung bumaba.

“Probably,” ani nito kaya dumiretso kami kaagad sa kusina at naabutan namin sina Jai at maging yung iba na nanonood sa nagluluto.

“Mabuti naman at nandito na kayo,” ani ni Mrs. Ross kaya nahihiya namang ngumiti ako.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now