Nagising ako na tanghali na. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama at medyo masakit pa ang ulo.
Bakit naman kasi ako nagkasakit? Maayos naman ako noong nakaraan.
Napabuntong hininga ako at akmang tatayo na sana sa higaan ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Adam na may bitbit na isang tray na merong mga pagkain.
“You’re awake, it's almost afternoon, are you now okay?” tanong niya at naglakad papunta sa akin.
“Ayos naman na, medyo nahihilo lang ako ng kunti,” pagsasabi ko ng totoo at napabuntong hininga naman siya at inilapag ang tray sa side table.
Inilagay niya ang palad niya sa noo ko at napabuntong hininga naman siya.
“Eat your food and drink your medicine,” aniya at inusog yung table sa harap ko. May gulong pala sa baba yung table.
“Kumain ka na?” tanong ko habang nakatingin sa pagkain ko na hindi ko alam ang tawag. Basta para siyang lugaw pero hindi.
“Not yet,” aniya habang kinukuha ang isang maliit na upuan sa ilalim ng higaan namin at naupo doon katapat ko.
“Sabay na tayo,” ani ko at ngumiti sa kanya, dahil siya naman ngayon ang mukhang di okay.
“I’ll just eat downstairs after you finish eating this. Now, eat,” strikto niyang sabi kaya napangiwi naman ako.
Nagsimula na akong kumain at Isa lang ang masasabi ko. Napakasarap.
Sunod-sunod ang naging pagsubo ko at napatingin kay Adam.
“Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong ko at napatango naman siya at kinuha ang tissue sa gilid nung tray at hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Binitawan niya rin ang mukha ko pagkatapos at may naramdaman ako sa katawan ko na hindi ko maintindihan.
Para akong tinitulak ng katawan ko na yakapin siya ng mahigpit at halika—
Ano bang iniisip ko? Dahil pa ba to sa sakit ko?
“Are you okay?” tanong ni Adam na nagpabalik sa akin sa ulirat at napatango na lang ako pagkatapos ay kumain na ulit.
Noong naubos ko na ang pagkain ay inabot niya sa akin ang gamot ko na agad ko namang ininom at uminom ako ng tubig pagkatapos.
Niligpit niya ang pinagkainan ko at ibinalik yung table kung sana ito nakalagay.
Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil mukhang stress si Adam at maraming iniisip, pagkatapos ay dumagdag pa ako.
“What are you thinking?” tanong niya at tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
Hindi niya pa hawak yung tray kaya naman ay agad akong dumikit sa kanya at niyakap siya.
“Are you sure you're alright?” tanong niya at niyakap din ako pabalik.
“How about you? Are you alright?” tanong ko at natigilan naman siya pagkatapos ay bigla akong niyakap ng mahigpit.
“Magpagaling ka lang Aryn, I'll be alright,” aniya sa mahinang boses na siyang ikinatigil ko.
“Sorry,” aniya ko at kumalas sa yakap.
“For what?” tanong niya.
“Kasi dumagdag ako sa problema mo,” ani ko at umiling iling naman siya at inayos ang buhok ko.
“You’re not my problem, just rest, and you'll be alright,” aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
“Kumain ka na, baka ikaw naman ang magkasakit,” ani ko at tumango naman siya.
“You can rest now, I'll just wake you up when you need to drink your medicine, so that tomorrow, you're no longer sick,” aniya kaya naman ay tumango ako at naglakad na pabalik sa higaan.
“Sleep tight,” aniya at kinuha na yung tray at lumabas na ng kwarto.
Pagkasara nung pinto ay napatingin ako glass door at pinanood ang mga halaman na sumasabay sa ihip ng hangin.
Noong mga nakaraang araw may gumugulo sa isip at nararamdaman ko. Pero ngayon ay unti-unti na silang nagiging malinaw.
Sa tingin ko ay hindi ko pala lubusang masusunod ang mga bagay na nakasulat doon kontrata.
Kinabukasan ay magaling na ako, umalis kaninang umaga si Adam dahil makikipagkita na siya kina Nulan at pag-uusapan na nila ang dapat daw nilang pag-usapan.
Samantala, nag-aayos na ako ngayon dahil kikitain ko si Carmilla dahil may mga itatanong ako sa kanya na alam kong siya lang ang makakasagot dahil kami pa lang parehas ang kasal.
“Tama kaya itong ginagawa ko?” napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin.
Matapos ang ilang minuto kong pagtingin sa sarili ay napagpasyahan ko ng lumabas ng kwarto at dumiretso na pababa.
“Aalis po kayo ma'am?” tanong ni Adelaida at napatango naman ako.
“Kayo na po muna ang bahala dito sa bahay, babalik din po ako maya-maya,” ani ko at nakangiting nagpaalam sa kanya.
Lumabas ako ng bahay at hinanap ng mata ko si Vernon, nakita ko naman siya na nakatayo sa may gate at kausap ang isa sa security guard dito sa mansyon.
Napansin naman ako ni Vernon na nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa akin at naglakad papunta sa pwesto ko.
“Ayos na,” ani ko at tumango naman siya at naglakad kami palabas ng gate at sumakay sa itim na kotse na pagmamay-ari ni Adam.
Sinabihan ko na si Vernon kanina at pumayag naman siya. Wala kasi ang driver namin, dahil umuwi ng probinsya, dahil daw kailangan siya doon.
Sa backseat ako sumakay at sumakay naman si Vernon sa driver seat at pinaandar na agad ang sasakyan.
Papunta kami ngayon sa isang sikat na café na pagmamay-ari naman ni Floryn, kaso si Floryn ay out of town dahil sa parents niya na miss na raw siya. Sinabi niya iyon sa amin bago siya umalis.
Hindi naman kami inabot ng isang oras at nakarating na kami kaagad ni Vernon sa café at natawan ko na si Carmilla dahil nakaupo siya katabi ang salaming pader.
Nagpark si Vernon at agad naman akong bumaba pagkatapos ay dire-diretso lang na naglakad papasok sa café.
Kinawayan pa ako ni Carmilla kaya naglakad na ako papunta sa table niya.
“I heard you got sick? Okay ka na?” tanong niya at napatango naman ako at naupo na.
“I order a chocolate drink cause as far as I can remember, you like chocolate more than coffee,” aniya kaya napatingin ako sa inuming nasa harap ko at napangiti.
“Salamat,” ani ko.
“Anyways, I would love to help you, alam ko na ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito,” aniya kaya naman ay natigilan ako at napatingin sa kanya.
“Tungkol ito sa feelings mo hindi ba?” aniya na ikinagitla ko.
Paano niya nalaman?
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...