SICK

23 3 1
                                    

Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila Adam. Nandito ako ngayon sa sala at kumakain ng pagkain. Nagulat ako ng biglang may sumulpot sa gilid ko.

“Good evening po ma'am,” ani ni Adelaida na naka gloves pa.

Ngayon ko lang ulit sila nakita. Halos makalimutan ko na nga sila.

“Kadarating lang po namin kaninang hapon, namatayan po kasi kami, nung first day po namin dito, nagpaalam naman po kami kay sir at umuwi ng probinsya. Pasensya na po at ngayon lang,” ani nilang dalawa na ikinailing ko naman.

“Okay lang, walang problema. Salamat sa pagsabi,” ani ko at ngumiti sa kanila.

“Kumain na ba kayo? Ito pagkain,” ani ko at inalok sila pero tumanggi na.

“Okay lang po, kumain na po kami kanina,” ani ni Teresita kaya napatango ako.

Sabagay, anong oras na din.

Hanggang sa matapos akong kumain ay kakwentuhan ko sila. Nagtabas pala ng damo si Adelaida dahil napansin niyang medyo mahaba na ang mga ito at dahil hindi pa siya inaantok, tinabas niya na, kaya may gloves pa siya. Nagpaalam na ako at sinabing didiretso na sa taas.

Noong nakapasok na ako sa kwarto namin ni Adam at nakasandal sa higaan habang nagbabasa ng libro kaya nagulat ako.

“Tapos na kayo mag-usap?” tanong ko at naglakad papunta sa walk in closet para kumuha ng pamalit na damit.

“I told them to discuss the matter tomorrow,” sagot ni Adam na ikinatango ko naman habang naghahanap ng damit at noong nakakuha na ako ay lumabas na ako at napatingin sa wall clock.

Mag-a-alas dose na pala.

“Hindi ka na kakain?” tanong ko bago pumasok sa banyo para magpalit.

“I lost my appetite because of them,” sagot naman niya kaya ay napatango na lang ulit ako bago tuluyang pumasok sa cr para magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay nakita kong nakahiga na si Adam at nakapikit. Napabuntong hininga naman ako dahil parang hindi maganda ang pakiramdam ko. Siguro sa sobrang pagod.

Napapikit pikit ako bago humiga sa higaan at nagkumot. Ipinikit ko na ang mata ko at makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na ako.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa pagkauhaw. Napamulat ako ng mata at naramdaman kong wala akong katabi sa higaan.

Napaupo ako sa kama habang kinukusot ang mga mata. Nakabukas ang ilaw dahil ayoko sa dilim, at wala si Adam sa higaan niya. Bahagyang napakunot ang noo ko at napatayo sa higaan.

Napatingin ako sa balkonahe at nakita si Adam na nakatalikod at mukhang may kausap sa cellphone. Napabuga na lang ako ng hangin at napagpasyahan na bumaba para uminom ng tubig.

Habang pababa sa hagdan ay para ng umaalon ang paligid ngunit napailing-iling lang ako at napahawak sa leeg.

“I'm okay, I'm okay,” ani ko sa sarili at binuksan ang ilaw sa kusina at naglakad papunta sa ref at kumuha ng isang malamig na tubig.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Uminom ako at napabuntong hininga. Ibinalik ko ang tubig sa ref at inilagay sa lababo ang baso. Bukas ko na huhugasan.

Pinatay ko ang ilaw sa kusina at naglakad na pabalik sa taas, kaso bago pa ako makatapak sa unang hagdan ay bigla akong nawalan ng balanse, mabuti na lang at nakahawak ako sa isang table na malapit sa hagdan.

Napabuntong hininga ako bago kumapit sa railings ng hagdan at naglakad paunti-unti, kaso ay parang sobrang umaalon ang lahat para sa akin. Napahawak ako sa ulo at tumigil sa paglalakad.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now