PICTURE

29 3 0
                                    

Nagsimula ang pista dito at lahat ng tao ay masaya kaya masaya din ako. Palakaibigan din ang mga tao dito at lahat sila ay mababait.

Hindi na namin napuntahan si Selina dahil may pinuntahan daw sila sa bayan. Yung ibang bata naman ay masaya ng kumakain at naglalaro naman yung iba kaya hindi na namin sila pinakialaman.

Ngayon ay kumakain na ang mga tao. Akala ko ay dito lang may handaan pero meron din pala sa ibang mga bahay. Welcome ang lahat na kumain sa kahit na anong bahay na magustuhan nila at pakakainin sila nung may-ari.

“Kain po, pasok,” ani ko doon sa mga bagong dating at nginitian sila habang itong lalaking katabi ko ay nakatayo nga pero tinatakot yung mga pumapasok.

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa pinto at binabati ang mga bisitang papasok.

“Umayos ka na nga, nahihiya na sila pumasok tuloy,” ani ko kay Adam na seryoso lang na nakasandal sa may pinto habang pinagmamasdan yung mga taong kumakain.

Hindi naman niya ko sinagot at hinawakan na lang ang dalawa kong balikat at pinaglakad bigla papunta sa kusina at nakita ko silang lahat doon.

“Marami na bang tao?” tanong ni Mrs. Donovan habang nakahawak si Adam sa balikat ko at nasa likod ko siya.

“Opo, dumarami na po sila,” ani ko at ngumiti.

“Ubos na po yung nasa isang lagayan,” biglang singit ng isang kasambahay kaya inasikaso naman sila kaagad ni Mrs. Donovan.

“Alis kaya tayo? May alam kayong lugar?” biglang sabi ni Floryn at katabi niya si Atlas.

“Tama, kaya na namin to, maglibang na muna kayo,” ani ni Mrs. Ross kaya naman ay napatango ang iba.

“May alam akong lugar,” singit ni Maridel kaya napatingin kami sa kanya na may apron pa.

“Baka lang gusto niyo,” aniya kaya naman ay ngumiti ako at tumango.

“Gusto,” ani ko at tumingin sa iba.

“Sige, sama na rin ako,” ani ni Hanabi at sumang-ayon na rin yung iba.

“Ikaw ho, sasama ka ba?” tanong ni Maridel habang nakatingin kay Adam kaya napatingin din ako kay Adam.

“Sumama ka na,” ani ko pagkaharap ko sa kanya at nakatingin din pala siya sa akin.

“Huwag kang kj dre,” ani ni Yin kaya natawa ako at napatingin sa kanila.

“Alright,” ani naman ni Adam at bumitaw na sa balikat ko at sabay sabay na kaming naglakad palabas ng bahay.

Napangiti ako habang naglalakad kami palabas ng hacienda at nginitian ko rin yung mga batang nakikita ko.

“Kain kayo sa loob,” ani ko sa kanila at ngumiti naman sila at pumasok, kasunod din nila yung mga magulang nila.

“Stop smiling,” ani ni Adam kaya biglang nawala ang ngiti ko.

“Bakit? Pangit ba?” tanong ko at tumingin sa kanya na nakatingin lang sa harap.

“No. Its just that, aren't you tired of smiling?” ani kaya naman ay umiling ako.

“Ikaw? Hindi ka ba napapagod bumusangot?” tanong ko at nangunot naman ang noo niya at tumingin sa akin.

“Ngumiti ka kasi,” ani ko at ngumiti sa kanya.

“Ganto, gayahin mo ko,” ani ko sa kanya at napailing-iling na lang siya at ibinaling na ulit ang tingin sa nilalakaran namin.

“Stop it,” aniya sa baritono niyang boses kaya tumigil na ako at naglakad na lang din ng tahimik.

Habang naglalakad kami ay sobrang aliwalas ng paligid at masaya lahat ng tao. Alas dos pa lang nang hapon at sobrang ganda talaga sa lugar na ito. Bukod sa masasaya ang tao ay maganda rin ang mga nakikita ko.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now