Kinabukasan ay balik trabaho na kami. Kakatapos ko lang asikasuhin si Adam at sabay din kaming papasok. Pinalitan na kasi ni Carmilla ang schedule ng restaurant at pinaaga niya na yung uwian namin ay medyo, hating gabi na kumpara sa dati.
Masyado na kasing sikat ang restaurant ni Carmilla kaya may ilang pagbabago na.
Kasalukuyan na kami ngayong papunta sa kotse at panay ang tingin ni Adam sa relo niya. Tumigil din si Adam noong nakita niyang nakatingin ako sa kanya.
“Okay ka lang?” tanong ko at napatango naman si Adam at napabuntong hininga bago kami sabay na pumasok sa sasakyan.
Pinaandar na iyon ni Adam at bumukas naman yung garahe ng kusa at tuloy tuloy lang kaming nakalabas.
Napatingin ako sa cellphone niya na nagba-vibrate at nakita kong focus lang si Adam sa daan.
“Can you answer it for me?” ani ni Adam kaya kinuha ko ang cellphone niya at nakita ang pangalan ng secretary niya sa screen.
Sinagot ko naman iyon at tinapat kay Adam.
“Secretary Lim,” ani ko kay Adam kaya napatango naman siya.
“Loud speaker,” ani ni Adam na agad ko namang ginawa.
[“Sir. Nagmamadali po ang Yinaly Corporation at gustong mauna sa Dilary. Yung meeting po nilang 9:30, gusto po nila gawing 8:00,”] ani nito at nakita kong nagsalubong ang kilay ni Adam.
“No. The schedule won't change. Kung hindi nila gustong 9:30, magpareschedule sila bukas,” seryosong ani ni Adam habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana hawak ang cellphone niya.
[“Yes sir. I will tell it to them right away,”] dining kong ani ng secretary niya at namatay na yung tawag.
Ibinaba ko ang cellphone ni Adam at naging tahimik na ulit ang kotse.
Nakarating kami sa restaurant ni Carmilla at bumaba na ako sa sasakyan.
“Ingat ka, ba-bye,” ani ko at ngumiti sa kanya at nagulat ako ng tanggalin ni Adam ang seatbelt niya at lumapit sa akin para halikan ako sa noo.
“Take care too,” aniya kaya napangiti ako at tumango-tango.
Matapos noon ay pinanood kong umalis ang sasakyan niya at nakangiting pumasok sa restaurant na sarado pa.
Pagpasok ko ay napatingin ako sa mga babaeng waitress namin dahil nakatulala sila sa iisang direksyon. Tumingin ako sa direksyon na iyon at nakita ang isang lalaki na kinakausap ni Carmilla.
“Ma'am Aryn! May bagong waiter dito sa resto! And sobrang gwapo, di'ba ma'am?” ani ni Belinda sa akin kaya naman ay natawa ako.
“Lahat ng tao, magaganda at gwapo,” ani ko at ngumiti sa kanya.
“Aryn,” napatigil kami noong tawagin ako ni Carmilla.
“Yes?” tanong ko.
“So, I announce na may bagong magtatrabaho dito sa resto. Meet Jehro Ruscon. Ang magiging bagong staff dito. Siya ang magde-deliver at titingin ng mga stocks, mula ngayon,” ani ni Carmilla kaya naman ay napatango-tango kami.
Ngumiti ako sa lalaking ang pangalan ay Jehro at bahagya naman itong nagulat ngunit kinalaunan ay ngumiti din pabalik.
“I'm Aryn,” ani ko at naglahad ng kamay, tinaggap niya naman ito.
”Nice to meet you,” ani nito habang nakangiti.
“Siya ang tagaluto dine,” ani ni Tess at naglahad din ng kamay.
“Ako si Tess, nice to meet you pogi,” ani nito na ikinatawa naman habang si Carmilla ay seryoso lang na nakatingin sa cellphone niya.
“I have to go. My meeting pa ako,” ani ni Carmilla at lumapit sa akin.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...