MARKET

56 3 0
                                    

Nauna akong bumaba sa kotse at inantay si Adam na mai-park ang sasakyan. Tumingin tingin lang ako sa paligid at may nagustuhan agad akong prutas di kalayuan sa pwesto ko.

Makalipas naman ang ilang minuto ay naglalakad na papunta sa pwesto ko si Adam at nakikita kong maraming babae ang napapalingon at napapatingin sa kanya.

“Let's go,” aniya kaya naman ay napatango ako at naglakad papunta doon sa lalaking nagbebenta ng mga mansanas, ubas at saging.

Bibili na sana ako ng bigla akong hatakin ni Adam at naglakad kami papalayo doon sa nagbebenta.

“Bakit?” tanong ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng palengke.

“Nagpadala si mama ng mga prutas, darating ang mga iyon ngayon,” ani ni Adam kaya naman ay napatango ako at hindi na nagsalita.

Binitawan niya ang kamay ko at naglakad na para mamili ng mga bibilhin niya.

Una siyang pumunta sa bilihan ng nga ísdá at sumunod lang ako sa kanya.

“Oh boss, nandito ka ulit,” ani nung lalaking nagtitinda ng ísdá kaya nangunot ang noo ko.

Pumupunta siya dito?

“Gano'n pa rin kagaya dati?” tanong nung nagbebenta at napatango naman si Adam at nilabas ang wallet niya.

Nakita kong puro isang libo ang nasa wallet niya at sobrang kapal nun, kaya tinanong ko kung pagkano yung bibilhin ni Adam.

“250 ma'am,” ani nito sa akin kaya kinuha ko ang maliit kong pitaka at kumuha ng 250 pagkatapos ay ako na ang nagbayad.

“Asawa niyo boss?” tanong nung tindero bago kami umalis.

“Yes,” sagot ni Adam kaya napangiti yung tindero.

“Stay strong po sa inyo!” sabi ng batang kasama niya na nginitian ko naman.

Kinuha sa akin Adam yung isda at tumigil sa paglalakad.

“Why did you—” pinutol ko siya.

“Baryahin mo muna ang pera mo, hindi pwedeng isang libo ang ibabayad mo ang kunti kunti lang naman ng babayaran mo. Huwag mo ring ilalabas ang wallet mo, mananakawan ka talaga niyan,” ani ko at binawi sa kanya ang ísdá pero hindi niya ko hinayaan.

“Malansa,” ani ko.

“Kaya ako ang magbibitbit,” aniya at naglakad na.

Kailan ba ako mananalo sa lalaking to?

Sunod-sunod lang ako kung saan siya pupunta na para bang alam niya lahat ng dapat niyang bilhin.

“Pogi ano ang hanap mo? Ako ba?” tanong nung babaeng tindera dito sa gulayan kaya napangiwi ako lalo pa't nag lip bite siya.

Hindi naman siya binigyang pansin ni Adam at namili lang ng gulay at tahimik lang akong nasa likod niya.

“Here,” ani ni Adam at inabot ang isang libo dahil marami-rami ang binili niya.

“Wait lang pogi,” ani nung tindera at kumuha nang panukli.

“634,” ani nung babae at akmang iaabot nung babae yung sukli kay Adam ng umalis na ito kaya ako ang kumuha.

“Akin na,” ani ko ngunit nagdadalawang isip pa yung babae.

“She's with me,” ani ni Adam habang nakatalikod malayo na sa amin.

Inabot naman sa akin nung tindera yung sukli habang nakataas ang kilay. Napabuga na lang ako ng hangin dahil doon.

“Grabe ka naman,” ani ko dahil tinalikuran niya yung babae.

“Do you want me to interact with her?” tanong ni Adam habang naglalakad papunta sa bilihan ng mga mànòk.

“Oo?” sagot ko na hindi sigurado. Hindi naman na siya nagsalita at bumili na lang ng manok.

“600 sir,” ani nung nagbebenta kaya naman ay nagbayad na si Adam habang ako ay mga gulay lang ang hawak.

Sunod naman na pumunta si Adam sa bilihan ng bigas at napabuntong hininga na lang ako dahil pawis na ako samantalang si Adam ay fresh pa rin.

“Oh boss, isang sako ulit?” tanong nung lalaking mataba kay Adam at tumango naman siya.

Sabi ko kulang lang ng mga ingredients sa ref tapos parang bibilhin niya na lahat ng nandito sa palengke.

Kinuha ni Adam yung isang sako ng bigas at inilagay sa balikat niya habang may hawak pang mga plastik. Sinubukan kong kunin iyon pero hindi niya ako hinahayaan.

Napabuntong hininga na lang ako dahil parang wala lang sa kanya ang mga bitbit niya.

Kung saan-saan pa kami napunta at halos lahat na nga yata nabili namin, dumaan din kami sa Puregold nung nailagay na namin yung iba naming pinamili sa sasakyan.

“Chips?” tanong niya at napatango naman ako.

“Biscuits?” tanong niya at napatango na lang din ako, just in case may bumisita na may anak.

“Can food?” tanong niya at napatango-tango naman ako para may stock pa kami.

“Juice?” aniya kaya napatigil ako.

“Balak mo bang bilhin lahat ng nandito?” tanong ko at bahagya siyang natawa kaya napatigil ako lalo.

Noong nabili na namin lahat ng kailangan ay dumiretso na kami sa kotse at inabot ni Adam sa akin ang panyo niya dahil basang basa na ako ng pawis.

Noong nakapagpunas na ako ay pumasok na ako sa kotse at napabuga ng hangin dahil sa sobrang pagod.

“You alright?” taong ni Adam at napatango naman ako at pinaandar naman ni Adam ang sasakayan.

4 months na kaming kasal at si Adam ang madalas na kumikilos dahil wala naman akong alam pa patungkol sa kanya at sa kung ano ba dapat ang meron at wala sa bahay. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na sabay kaming namalengke.

“Drink this,” ani ni Adam at inabot sa akin ang isang bote ng tubig na kaagad ko namang kinuha.

“Salamat,” ani ko at uminom.

Ang totoo niyan ay hindi naman talaga kami close ni Adam, sinabihan lang ako ng papa niya na gawin ko ang lahat para mapalapit sa kanya kahit papaano na siya namang ginagawa ko ngayon.

Hindi ko siya mabasa kaya bihira lang na talagang sobrang lapit namin kagaya ngayon.

Mukha kaming parang talagang mag-asawa kahit hindi namin mahal ang isa't isa.

Ang sabi kasi sa akin ng papa ni Adam ay dapat mag work yung marriage namin, ang kaso ay sobrang ilag ni Adam at bihira lang talaga na mangyari ang nangyayari ngayon.

Sa tingin ko ay may libreng oras lang siya kaya niya naisipang samahan ako.

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi niya ako sinisigawan, mínúmúrá o di kaya naman ay sínâsäktãn. Okay lang kahit minsan lang kaming magmukhang mag-asawa, at least pinakikisamahan niya pa rin ako.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now