“Tumakas ka na, ingatan mo ang sarili mo!”
“P-pero p-paano ka po?!”
“Kaya ko na ang sarili ko, basta makaligtas ka lang,”
“Mamang,”
“Tumakbo ka na, pakiusap. Gusto kong magkaroon ka ng magandang hinaharap,”
“A-ayoko,”
“Kapag malaki ka na, at kaya mo ng tumayo sa sarili mong mga paa. Mapoprotektahan mo ang mga malalapit sa'yo, kahit anong mangyari, mabuhuhay sila at magiging masaya. Gagawin mo ang lahat para mabuhay sila,”
“Gano'n ang ginagawa ko, para sa'yo, dahil gusto kong maging masaya ka at mabuhay sa paraang gusto mo, maiintindihan mo ako kapag lumaki ka. Kaya ngayon, tumakbo ka na at iligtas ang sarili mo!”
Bigla akong nagising at napagtantong umiiyak ako. Gabi na at walang ilaw sa paligid. May oxygen mask na nakalagay sa akin at nahihirapan pa rin akong huminga.
Bangungot, isa lang yung bangungot. Nang nakaraan.
Napatingin ako sa taong nasa sofa di kalayuan sa akin at si Jai iyon. Magkatabi sila ni Yin sa sofa dahil malaki ito.
Napatingin ako paligid at narealize na nasa hospital ako. Sinubukan kong umupo sa kama ko dahil hindi rin naman ako makakatulog ulit dahil sa panaginip na iyon.
Kinakalimutan ko na! Ayoko na.
Napaiyak ako at tinanggal ko yung oxygen mask. Pinunasan ko ang luha ko at nahawakan ko ang benda ko sa ulo. Nailigtas na ako.
“Aryn?” dinig kong ani ng kung sino at nakita kong si Yin iyon at gising na.
Dali-dali niyang binuksan yung ilaw kaya napapikit ako dahil nasilaw ako. Tanging liwanag lang ng buwan kanina ang nagsisilbing liwanag para makita ko sila, kaya nasilaw ako noong buksan ni Yin ang ilaw.
Nagtatakbo palabas si Yin para yata magtawag ng doktor at biglang nagising si Jai. Kaagad siyang lumapit sa akin at nag-aalalang tiningnan ako.
Lalo akong napaiyak noong niyakap ako ni Jai. Hindi na ako mag-isa, may kasama ako. Tandaan mo yan Aryn, hindi ka na ulit magiging mag-isa.
“Tahan na,” ani ni Jai at narinig naming biglang bumukas ulit ang pinto at nakita ko si Yin na may kasamang tatlong doktor at limang nurse.
“I-check niyo siya,” maotoridad na ani ni Yin at lumapit sa akin ang mga doktor at gumilid na muna si Jai.
Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti sa mga doktor at may mga ginawa na sila sa akin.
Matapos nila akong tingnan ay sinabi nilang gagawa pa sila ng ibang test para masiguradong okay na talaga ako.
Lumabas muna si Yin para bumili ng pagkain. Inabutan naman ako ni Jai ng tubig at inayos ang mukha ko.
“Ito ang kauna-unahang nakita kitang umiyak, pero kahit umiyak ka na, maganda ka pa rin,” ani ni Jai kaya napangiti naman ako at napatawa.
“Pero mas maganda ka kapag hindi ka umiiyak kaya wag ka na iiyak,” ani ni Jai kaya napatango ako na parang bata at ngumiti sa kanya.
Inipit niya sa likod ng tenga ko ang hibla ng mga buhok ko at naglabas siya ng panyo galing sa bulsa niya at pinunasan ng marahan ang mukha ko.
“Bakit ka umiyak? Na trauma ka ba? Sorry natagalan kami,” ani ni Jai at napailing-iling naman ako.
Hindi ko sasabihin sa kanya na dapat siya ang nasa posisyon ko dapat doon, pero mas magandang nakabalik siya sa loob nung mall at ako ang nakuha. Hindi siya pwedeng mapahamak.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...