JAI

24 2 0
                                    

After what happened, nagpaalam si Adam na aalis siya at magkakaroon ng business sa ibang bansa.

Mga tatlong araw lang naman daw iyon at babalik din siya kaagad.

Kasalukuyan akong nandito sa restaurant ni Carmilla at masayang nagluluto dahil gusto raw ni Jai kumain.

Yes. Sarado ang restaurant dahil kailangan yata ni Jai ng mental support. Hindi niya sinasabi ang problema pero nararamdaman kong may problema siya.

Tungkol sa negosyo na lang ang pinag-uusapan namin total ay ayaw naman magsabi ni Jai.

Balak ng magtayo pa ni Carmilla ng ilan pang restaurant sa ibang lugar, ang kaso ay naiisip niya na dito na lang, palalakihin na lang niya ang lugar ay kapag sikat na talaga ito ay dudumugin na lang kami ng mga tao.

Hindi rin kasi pwedeng magtayo pa si Carmilla ng ibang branches, dahil sarili kong recipe lahat ng ito at hindi ko naman kayang ituro sa iba dahil minsan ay ibang lasa ang nakukuha nila.

“Kung hindi mo na kaya, ilabas mo sa'min ” dinig kong ani ni Floryn kay Jai pagkalabas ko galing sa kusina at nakita kong napakagat labi si Jai at napatingin sa ceiling.

Pinipigilan niyang umiiyak.

Kung masaya ako dahil nagkaayos na kami ni Adam, si Jai naman ngayon ang may problema. Napailing-iling na lang ako at naglakad na palapit sa kanila.

“Pagkain! Mapapasaya kayo ng pagkain,” ani ko at ngumiti, pagkatapos ay inilapag ang pagkain sa harap nila.

“Yeah right. Food can make everyone happy,” ani ni Hanabi at kumuha na ng kutsara at plato.

Napatingin ako kay Jai na nakangiti na habang nakatingin sa pagkain. But eyes, can't lie. Hindi siya masaya. Pinipilit niya lang.

Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong lalo lang siyang masasaktan kung ipipilit naming magsabi siya.

Noong natapos kaming kumain ay si Floryn ang naglilift ng mood dahil hindi masyadong jolly si Jai kagaya ng dati. Noong maggagabi na ay nag-aya si Carmilla na uminom kami ng wine, pero walang wine rito sa restaurant, I mean, hindi pwedeng galawin ang wine dito dahil reserved iyon para sa customers lamang, kaya naman ay napagpasyahan nilang kumuha na lang ng wine sa bahay nila Carmilla.

Si Floryn at Carmilla ang lumabas, samantalang si Jai, Hanabi at ako naman ang naiwan dito. Nagpaalam si Hanabi na may kukunin sa kotse niya sa labas kaya naiwan na lang kami ni Jai dito sa loob at nakaupo.

Sobrang tahimik ng paligid at ninanam ko lang ang aircon ng biglang nagsalita si Jai.

“Ginawa ko naman lahat eh,” ani ni Jai kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang nakayuko at narinig ko ang pag-iyak niya.

Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at tumayo sa harap niya at isinandal ang ulo niya sa bandang tyan ko.

“P-pangit ba a-ang ugali k-ko? H-hindi ko ba d-deserve na m-maging masaya?” aniya habang umiiyak. Hinihimas ko naman ang ulo niya at pinapakalma siya.

“Everythings gonna be alright, you can overcome it,” ani ko at napahagulgol na si Jai.

“A-ayaw ko n-ngang umamin e-eh. B-baka k-kasi h-hindi naman kami p-parehas n-ng nararamdaman,” ani ni Jai kaya naman ay niyakap ko siya habang nakaupo siya.

“M-mahal ko na e-eh, p-pero parang s-sa i-iba siya m-may g-g-gusto,” ani ni Jai at sumisinok sinok na. 

Hinawakan ko naman ang pisngi niya pagkabitaw ko sa yakap at pinunasan ang luha niya.

Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito.

“Ako naman ang mag-a-advice. Kung talagang gusto ka o mahal ka ng isang tao, hindi ka niya kayang hindi ka makita ng isang araw, minsan nga ay hindi nila kaya na hindi nila maramdaman ang presensya mo ng kahit isang oras,” ani ko dahil iyon ang sinabi sa'kin ni mamang. Ang taong pinakaminamahal ko, ang taong dahilan kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin ako.

“Nasa sa iyo kung gagawin mo, pero pwede mong subukan para malaman mo,” ani ko at ngumiti sa kanya. Napasinghot singhot pa siya at napatango.

“S-sige. B-baka effective,” aniya.

“Matagal na kayong magkasama, baka parehas lang kayo ng nararamdaman,” ani ko ngunit napailing-iling siya.

“M-may bumusita na b-babae nung nakaraan, b-baka…” napatigil siya at nanginginig na ang labi niya.

Hindi ko na pinilit at di sinabing okay lang lahat pagkatapos ay kumalma na siya. Napangiti naman ako at napatingin kay Hanabi na kakapasok lang sa restaurant.

“Okay lang kayo?” tanong ni Hanabi at napatango naman ako at naupo na ulit sa upuan.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si Adam ang tumatawag. Agad ko namang sinagot iyon at nag-excuse na muna kina Jai.

“Hello?” ani ko noong medyo nakalayo na ako kina Jai at nakarinig ako na may bumuntong hininga sa kabilang linya.

[“How are you?”] tanong niya sa kabilang linya at nararamdaman ko na parang pagod na siya.

“Ayos lang naman, ikaw? Kamusta ka jan?” tanong ko at napasandal dito sa glass wall ng restaurant.

[“Busy fixing some stuffs. Vernon told me that you're with Carmilla, at her restaurant. Are you still there?”] tanong niya at napatango naman ako kahit di niya ako nakikita.

“Yes. Nandoon lang si Von sa labas, hindi siya umalis, nasa loob lang ng kotse, ayos lang kaya siya?” tanong ko dahil hindi ako iniwan ni Von.

[“He's your bodyguard since no one can accompany you everytime you need someone. If you need anything, you can tell him,”] aniya kaya naman ay napatango na naman ako kahit di niya ako nakikita.

“Sige, ingat ka jan. Umagang umaga siguro jan? Gabi na rito, pahinga ka na muna,” ani ko.

[“Don't worry about me, take care of yourself —”] naputol ang sasabihin niya nung may nagsalita, [“the other share holders are now in the conference room, sir,”] dinig kong ani ng isang lalaki na sa tingin ko ay sekretarya niya.

“Bye na muna, Adam. Work ka na muna, then rest ka later, ingat,” ani ko at narinig kong napabuntong hininga.

[“You too. Rest now. Goodnight, goodbye,”] aniya at ibinaba ko na ang tawag.

Kasabay noon ang pagdating nina Carmilla at Floryn dahil natanaw ko sila sa labas. Napangiti ako at naglakad na papunta ulit kina Jai.

Ang masasabi ko lang ay dapat hindi naming hinayaan si Jai na uminom ng marami.

“Gago siya eh! T*ng*na pagbuhulin ko yung mga yun eh, apaka pangit naman! P*tang*na!” sigaw ni Jai kaya napatakip na lang ako sa tenga.

Sana naman ay magkaayos na sila. Hindi magandang nalalasing si Jai.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now