RUDE

23 3 0
                                    

Naging maganda ang naging takbo ng business ni Carmilla at sinasabi niyang dahil sa akin iyon, hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Basta ang gusto ko lang ay magluto, pero maganda rin kasi ang restaurant at kung paano i-treat ng mga staff yung mga customer kaya masaya silang bumabalik balik dito.

“Chef. Ross!” tawag sa'kin ni Bien kaya naman ay napatingin ako sa kanya at napatigil sa paglalakad papunta sa staff room.

“Yes?” ani ko at medyo napatingin pa sa amin ang mga tao.

“Tawag po kayo ni Ma'am Carmilla,” aniya kaya naman ay bumalik kami ulit sa kitchen.

“Sorry po ma'am, sorry po,” ani nung isang babae na crew sa restaurant at napatingin ako sa pagkaing natapon sa lapag. Yung isang buong kaldero natapon!

“Anong nangyari, Hanni? Nasaktan ka ba? Napaso ka ba? May masakit? Ha?” nag-aalala kong tanong at lumapit sa kanya at inilayo siya sa kalderong natapon. Mabuti na lang at malawak ang kitchen at mukhang hindi naman siya napaso.

Nanginginig pa siya kaya niyakap ko siya para pakalmahin.

“It's okay, it's okay. Just don't do it again. Huwag kang magtatrabaho kung wala ka sa sarili at may iniisip kang problema, baka kung anong mangyari sa'yo,” ani ko habang yakap-yakap siya.

“Sorry po ma'am,” aniya at hinaplos haplos ko ang likod niya.

“It's okay, magluluto na lang ako ulit,” ani ko at kumalas naman siya sa pagkakayakap ko sa kanya.

“Ingatan mo ang sarili mo, ha?” ani ko at tumango naman siya at pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.

“Pahinga ka muna,” ani ko at tiningnan si Bien at inalalayan niya naman si Hanni at lumabas na sila sa kitchen.

“Sisisantihin ko siya,” ani ni Carmilla kaya nanlaki ang mata ko.

“Hindi pwede ang ganyan sa trabaho,” ani ni Carmilla kaya naman ay napabuntong hininga ako.

Wala naman akong karapatan na pigilan siya, pero hindi ba pwede siyang bigyan ng second chance?

“Hindi ba siya pwedeng bigyan ng second chance?” bigla kong tanong kaya napatingin sa akin si Carmilla.

“Pwede namang doon na lang siya sa labas at hindi na dito sa kitchen? Tagalinis ng mesa?” pagbabakasakali ko dahil kasama na namin si Hanni simula noong una.

“Pero baka mawala siya ulit sa sarili at hindi na magustuhan ng mga tao ang serbisyo natin,” ani ni Carmilla kaya napatango na lang ako.

“S-sige,” ani ko dahil naaawa ako kay Hanni dahil masiyahing tao naman siya. Anong nangyari sa kanya? Baka may problema siya? Baka.. kailangan niya ng makakausap.

Kumuha ulit ako ng mga ingredients sa at nagsimulang magluto para mapalitan yung natapon.

Noong natapos ako ay pinuntahan ko si Hanni at sinabihang umuwi muna siya at magpahinga na ginawa niya naman para sa ikakabuti niya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil pagod na pagod na ako pero pagabi pa lang.

Nandito ako sa staff room at nakaupo sa upuang nandito sa loob at nakasandal sa locker ng mga trabador dito at nakapikit.

Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Adam? Sobrang pagod na pagod siguro siya dahil minsan nag-o-overtime siya. Tapos may business trip pa siya sa ibang bansa.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo din ako kaagad at lumabas na sa staff room dahil baka kailangan na ako sa kitchen, dumarami na kasi talaga ang mga tao at malamang ay sunod-sunod na rin ang mga orders.

“5 Bistec al fuego,” ani ni Elaira kaya naman ay kumilos ako kaagad at nagluto na.

Gutom ang mga tao kaya dapat lang na mabilis kami, kung hindi ay baka umalis na ang mga tao.

Noong natapos na akong magluto ay nagpabuntong hininga na lang ako dahil sa pagod. Hindi ko na rin alam kung ilang beses ba akong napabuntong hininga ngayong araw.

May sumunod pang order hanggang sa sunod sunod at nung natapos akong magluto ay halos hindi ko maigalaw ang kamay ko sa sobrang pagod.

Si Carmilla na muna ang pumalit sa akin since na ituro ko naman na sa kanya kung ano ang mga ingredients na kailangan sa mga putaheng nagawa ko.

Lumabas ako sa kitchen para mapagpagpahinga ang sarili dahil sumakit na rin ang likod ko, pagpasok ko sa staff room ay napabuga na lang ako ng hangin at napaupo sa upuan at nag-unat ng kamay.

Hindi pa ako nakakahinga ng maayos ng biglang pumasok si Bein.

“Ma'am, may customer po na nagrereklamo,” ani nito kaya naman ay napatayo ako at sumunod sa kanya sa labas at naglakad kami papunta doon sa lamesa noong isang babaeng maladyosa ang ganda na nakakunot ang noo habang pinandidilatan ang isa sa mga waitresses.

“Excuse me? What's happening here?” magalang kong tanong dahil busy pa sa pagluluto si Carmilla kaya ako na muna ang mag-aayos nito.

“This is a wronged order,” aniya with accent kaya naman ay napalunok ako.

“We're sorry about this inconvenience, papalitan na lang po namin,” ani ko at akmang kukunin na yung plato ay bigla akong pinigilan ni Retina na isa sa mga waitresses.

“Tama naman po yung order, sadyang papansin lang ang babaeng yan, ma'am,” ani nito kaya nangunot ang noo.

“Kulang po yata siya sa pera at gusto makatanggap ng pera na doble kesa sa binayaran niya,” ani pa ni Retina.

Well, ang policy sa restaurant ay kung nagkamali ang isa sa mga waitress at hindi nagustuhan ng costumer ang serbisyo namin ay kung magkano ang binayaran nila, ay doble naming ibabalik.

“Shut up! Ikaw na nga ang nagkamali ako ang sisisihin mo?!” sigaw nung babae kaya naman ay inilikod ko si Retina.

Talagang matapang ang isang to.

“May cctv kami! Ang kapal ng mukha mong sisihin ako!” sigaw ni Retina na hindi papatalo kaya sinubukan ko silang awatin pero biglang kinuha nung babae ang sabaw na sigurado akong mainit pa at sinubukang ibuhos iyon kay Retina pero sinalo ko iyon kaya sa bandang tiyan ko tumama at napaso ako.

Napangiwi ako sa sakit at agad namang binuhusan ni Retina ng tubig sa mukha yung babae.

“Iskandalosa ka! Ang kapal ng mukha mong buhusan ng mainit na sabaw ang boss ko!” ani ni Retina at pinigilan ko naman siya at sinenyasan si Bein na asikasuhin iyon.

Is she really a rude customer?

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now