Pagod kami parehas ni Adam na umuwi sa bahay pero dumiretso pa rin siya sa office niya dito sa bahay at dumalo pa rin sa online meetings niya at nagpuyat.
Kasalukuyan akong nandito sa sofa ng kwarto namin dahil nalaman ko kay Mrs. Ross na ayaw ni Adam na may katabi dahil hindi siya nakakatulog.
Kahit mag-asawa kami ay natutulog pa rin ako dito sa sofa at hinahayaan siyang matulog sa kama niya. Hindi naman niya ako sinasaway o ano kaya okay lang ako.
Nauuna rin akong natutulog kaya hindi niya na rin ako nasasabihan, at mukha namang mas maganda ngang mag-isa lang siya sa kama.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Madalas kasi ay si Adam ang nagbibigay sa'kin ng pera at hindi ako sanay sa ganoon. Gusto kong kumita rin ng akin.
Naghahanda na ako ng breakfast ng may naramdaman akong nakatingin sa akin, paglingon ko ay nakita ko si Adam na nakatingin sa akin ng mariin.
“So you got yourself a job?” ani ni Adam kaya hindi ako nakagalaw.
“Ah, sasabihin ko sana sa'yo kahapon kaso busy ka,” ani ko at inilapag sa lamesa ang 5th dish ko para sa kanya.
Fettuccine Alfredo.
“Breakfast,” ani ko at naupo naman siya na parang wala sa mood.
“Gusto mo bang magresign ako? Dito na lang ako sa bahay?” tanong ko at nakita kong napatigil siya.
“If I say so, would you do it?” tanong niya kaya natigilan ako at hindi nakasagot ako.
As far as I can remember, ikinuwento ng mama ni Adam ang mga dapat kong malaman patungkol sa kanya. Sinabi ni Mrs. Ross iyon pagkatapos kong pumirma ng kontrata.
Ang sabi niya ay madalas na mag-isa si Adam dahil hindi raw nila natutukan si Adam sa sobrang dami raw nilang trabaho. Lumaki raw si Adam na malayo ang loob sa kanila. Sina, Yin, Nulan, Saber, at Atlas lang daw ang pinagkakatiwalaan ni Adam dahil nakasama niya ang mga ito simula noong highschool pa lang sila.
Wala ng iba pang alam si Mrs. Ross patungkol kay Adam maliban na lang doon sa ibang detalye na personal doktor na mismo nila yung nagsabi sa kanila.
Hindi ako nagsalita at kaagad na lumapit sa telepono ng bahay namin at dinial ang number ng manager nung restaurant na pagtatrabahuhan ko sana.
“Hello, magre-resign na po pala ako. Sorry po biglaan, may nangyari kasi at okay na po ako. Salamat po sa pagtanggap sa akin, hindi ko po pala kayang magtrabaho ngayon,” ani ko at nakipag-usap pa ng kunti doon sa manager hanggang sa tuluyan ko ng naayos ang pagre-resign ko.
“Okie na,” ani ko at nagulat nung pagharap ko ay si Adam ang bumungad sa akin at muntik pa akong matumba. Mabuti na lang at nahawakan niya ako kaagad sa bewang kaya hindi ako nahulog.
“Did you just..?” tanong niya at tumango tango naman ako.
“Para sa'yo,” ani ko at ngumiti sa kanya pagkatapos ay ginulo ang buhok niya.
“Nagustuhan mo ba ang pagkain na hinanda ko?” tanong ko at kumalas sa pagkakahawak niya at naglakad papunta sa dining area.
W-wow. Ubos niya ang niluto ko.
Agad kong nilabas ang listahan ko sa bulsa ko at nagsulat.
✓ Fettuccine Alfredo
Napangiti ako dahil sa wakas! May nagustuhan na rin siya.
“Iba naman!” ani ko at tumingin kay Adam na naglalakad papunta sa akin.
“I'll pay you,” aniya noong nakalapit siya sa akin.
“Para sa'n?” tanong ko habang nakakunot ang noo.
“You just need to cook for me, take care of me and —” pinutol ko ang sasabihin niya.
“Libre lahat master,” ani ko at ngumiti sa kanya.
“No, just like what I said, I'll—” I put my index finger sa lâbi niya.
“Asawa mo ako at trabaho kong gawin iyon, kaya hindi mo kailangan magbayad,” ani ko at nilakihan pa ang ngiti ko.
Mukhang tutol pa siya ngunit inilingan ko na siya.
“Pagkain pa lang okay na ko. Di mo na kailangan magbayad,” ani ko at naglakad papunta sa kusina.
“Magluluto ulit ako ng iba para sa'yo,” ani ko at ngumiti pa ulit sa kanya habang siya ay nakatingin lang sakin.
“Okay, if that's what you want,” aniya at naglakad na paalis.
Napabuntong hininga naman ako at napatitig na lang sa kalderong nasa harap ko. Kung tutuusin sayang yung trabaho. Pero kung may trabaho naman ako ay hindi ko siya matutukan.
Sina Mr. and Mrs. Ross ang dahilan kung bakit ako nandito at halos lahat ng ginagamit ko ay galing sa pera nila.
Sana lang ay hindi ako tawaging gold digger ng mga kamag-anak nila. Ayokong pagchismisan nila si Adam. Hindi ko pwedeng sirain ang imahe niya.
Napabuga na lang ako ng hangin bago nagsimulang magluto, naisipan kong magluto ng carbonara. Baka sakaling magustuhan niya.
Napapunas ako ng pawis noong natapos na akong magluto at kaagad na inayos ang tray at inilagay ko doon ang pagkain.
Naglakad ako papunta sa office ni Adam, ngunit napatigil ako nung may narinig akong usapan.
“No. I want to stay here,” dinig kong ani ni Adam.
“Shut up. I didn't hurt her,” aniya pa.
“Mind your own business, f*cker,” aniya pa at wala na akong narinig pagkatapos noon.
Tuluyan na akong pumasok at naabutan ko si Adam na hinihilot ang sintido habang nakatingin sa mga papeles niya.
Sino kaya ang nakausap niya?
Ay, labas na pala ako doon. Nandito ako para sa pagkain.
“Baka gusto mo pa, kunti lang yung Fettuccine Alfredo, pwede mo bang subukan to?” ani ko at napaangat naman ang tingin niya sa'kin at ngumiti ako.
Umupo ako sa sofang malapit sa kanya at inilapag ang tray sa may bandang gilid niya.
Kinuha niya yung tinidor at tinikman ang carbonara. Inaantay ko ang magiging reaksyon niya at natuwa ako noong kumain pa siya ulit.
Success! Kunti na lang ay malalaman ko na kung ano ang ayaw niya at gusto.
Anong pagkain naman kaya ang ipatitikim ko sa kanya?
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...