“Adam, sasayaw ka raw,” ani ko at tumingin sa kanya.
Nakita kong parang di siya natutuwa sa nangyayari at ininom yung tubig na nasa mesa at umiling lang siya doon sa host.
“Sige, pogi. Si Maridel ang pinaka maganda dito sa lugar namin, baka malay niyo maging kayo,” ani nung host na parang kinikilig pa at napahiyaw naman yung mga tao kaya nginitian ko si Adam.
“Sasayaw ka raw,” ani ko at bahagya pa siyang tinutulak-tulak at nagulat ako dahil bigla tumayo si Jai.
“Taken na po,” ani ni Jai at pekeng ngumiti doon sa host.
“Sayaw lang naman,” pagpupumilit nung host at sumang-ayon naman yung mga tao.
Hindi ko naman kung anong gagawin o sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako sa upuan ko. Ano ba ang dapat kong gawin?
“Tigilan mo na Erick,” ani ni Mrs. Donovan sa seryosong boses na nagpatahimik sa mga tao.
“Sayaw lang Donya. Taon taon naman po ito di'ba?” pagdadahilan nung Erick na siyang host at naramdaman kong iba ang presensya nitong katabi ko.
“Bakit ba pilit kayo nang pilit?” tanong ni Saber sa seryosong boses at masamang tiningnan yung host.
“Kasi mababali ho ang tradisyon,” sagot nung host.
“Mabilis na sayaw lang naman,” ani ni Maridel kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin lang din kay Adam.
Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa mga tao.
“Isang sayaw lang naman,” ani ko na lang kay Adam kaya nangunot ang noo niya at tumingin sa akin.
“No,” aniya kaya napahilot na lang ako sa sintido.
“Para matapos na,” ani ko at nginitian na lang siya dahil ayokong mapasama pa siya.
“Can't you respect my decision?” tanong ni Adam at napatingin doon sa host at sobrang tahimik na nung paligid.
Para ng papatay si Adam sa aura niya kaya nakita kong napalunok yung host.
“S-sige ho, i-iba na lang,” ani nung host at biglang napatayo si Maridel.
“Isang sayaw lang naman!” aniya at biglang umalis at napayuko na lang ako dahil sa nangyayari.
Napatayo ako sa upuan at nagpaumahin kay Mrs. Donovan at naglakad palabas nung covered court. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nasira yung magandang event.
Yung fureworks, yung mga ngiti ng mga tao. Nasira lahat dahil lang sa sayaw.
Napahinto ako sa paglalakad di kalayuan doon sa covered court at napasandal sa isang poste. Nagulat ako ng biglang may humawak sa tuktok ng ulo ko at nakita ko si Adam na seryoso lang na nakatingin sa akin.
“Fireworks,” simpleng aniya kaya napatingin ako sa madilim na langit at nakita ko ang sunod sunod na fireworks.
Ang ganda.
“Nasira yata natin yung event,” ani ko at tumingin kay Adam.
“No. They're the one who ruin that event,” aniya habang nakatingin doon sa fireworks.
“Not accepting someone's decision and having an alibi that you should dance because that's their tradition? That s*cks. I don't like people who control the others,” aniya kaya napangiti ako at napatingin na ulit sa mga fireworks.
Those words somehow comfort me. Those words stops me from overthinking that I ruin the event.
“Salamat,” mahinang ani ko na alam kong hindi niya maririnig.
Nakauwi kami ni Adam sa bahay at nakitang nandoon na sina Jai at nakatulog na si Mrs. Donovan. Dumiretso na rin ako sa kwarto habang may kausap pa si Adam sa phone.
Nagpalit ako ng damit para mas mabilis akong makatulog at nahiga na sa higaan.
Napatingin ako sa wall clock at nakitang anong oras na pala pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ng higaan dahil doon ko iyon nilagay noong nagpalit ako ng damit. Noong nakaraan ay pinakialaman ito ni Jai at nag-install siya nung sinasabi niyang Instagram or ig daw for short.
Ginawan niya ako ng account at sinabi niya rin sa'kin kung anong password. Ginawan niya ako ng account para raw dagdag followers niya at okay lang naman sa akin iyon dahil hindi naman ako gumagamit.
Dahil curious ako ay pinindot ko yung Instagram at nakita kong wala namang picture yung account ko. Nakafollow iyon sa kanilang lahat at wala akong followers.
“Maganda,” ani ko habang kinakalikot yung Instagram at tiningnan ko yung account ni Jai.
May mga naka bikini siyang post. Puro mukha niya lang at sobrang dami niya ng post. Namangha din ako dahil sa marami din siyang followers, 9,103 at yung post niya ay 1,203. Wala rin si Yin sa mga post niya.
Sunod sunod kong binista ang account nila at lahat sila ay sikat, si Carmilla ang pinaka maraming followers dahil isa pala siyang model, sunod si Saber, sunod si Atlas, sunod si Nulan, sunod si Yin, sunod si Jai, sunod si Hanabi, sunod si Floryn.
Mga sikat pala sila. I didn't know about this. Masyado na siguro akong ignorante.
Habang tumitingin tingin ay may isa pa pala akong finafollow na hindi ko natingnan. Itim yung profile at ang username niya ay rossdam. Si adam ba 'to?
Pinindot ko at wala siyang post pero napanganga ako dahil sobrang dami niyang followers! 50 million?! Hindi lang pero ang marami, sobrang sikat niya rin?
Nag-search ako ng patungkol sa kanya at nakitang maraming nakaalam ng ig niya kaya finallow siya ng mga ito.
Matapos ang pagso-scroll ko ay nakaramdam ako ng antok pero nagulat ako dahil may parang kalampagan sa baba.
What's happening?
Dali-dali akong lumabas sa kwarto namin kahit medyo antok na at hindi pa ako nakakababa ay may naririnig na akong sigawan.
“Calm down, Adam,” dinig kong kalmadong ani ni Mr. Ross.
“This is all your fault. Are you really that d*mb?!” sigaw ni.. Adam?
“Stop it, tulog na ang mga tao,” dinig kong ani ni Mrs. Ross.
“Calm down, bro. Sira na lahat ng gamit,” ani ni… saber? Anong nangyayari sa kanila?
Natatakot akong bumaba kaya sumilip na lang ako sa kanila at nakitang maraming basag sa lapag at nakita kong nakatayo lang sila habang umiigting ang panga ni Adam at parang sagad na ang pasensya niya.
“We're going home tomorrow. I'm done with those sh*ts,” ani pa ni Adam at napahilamos sa mukha niya.
“I can take care of those—” pinutol ni Adam si Yin.
“No. Shut up. You can't do anything about it,” ani ni Adam na parang pinapakalma ang sarili.
I don't know what's happening right now pero isa lang ang alam ko. Kung ano man ang nangyari ay nasagad noon ang pasensya ni Adam.
He's mad.
Pero ano nga bang nangyari at nagkaganyan siya?
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...