GIRL

26 3 0
                                    

Natapos na ang pag-iinom nila at ako ay isang baso lang ng wine ang nainom dahil inaalala ko sila.

“Vernon, wala silang driver,” ani ko kay Von na nakatayo sa labas ng kotse habang sina Carmilla, Floryn at Jai ay parang timang ng nakasandal kay Hanabi na hindi medyo lasing at nakakatayo pa ng maayos.

“I already called their partners, papunta na raw sila,” ani ni Von kaya naman ay napatango ako at nilapitan sila.

“Papunta na raw ang mga partner niyo,” ani ko at biglang napatayo ng tuwid si Jai at nanlalaki ang mata.

“Ayoko, AYOKO!” sigaw niya at lumapit sa akin.

“Sa inyo na lang ako,” ani ni Jai kaya naman ay napatango na lang ako at tiningnan si Von na papunta na sa gawi ko at inalalayan si Jai.

“Isasama natin siya sa bahay,” ani ko at napatango naman ito at nagulat ako ng biglang sumakay si Jai sa likod ni Von.

“Tara! Sa bahay ni Phoebe,” ani ni Jai at natigilan naman si Von.

“How did..?” ani ni Von at tumawa naman si Jai.

“Hinulaan ko,” ani ni Jai at tumawa pa.

Sino si Phoebe? Special someone ba ni Vernon?

Napasapo na lang sa mukha si Von at inilagay na muna si Jai sa kotse. Saktong paglagay ni Von kay Jai sa kotse ay ang pagdating nina Saber at kaagad silang bumaba sa mga kotse nila at pinuntahan ang babae ito na lasing na lasing.

Noong naalalayanan na nila ang mga babaeng lasing ay napabuntong hininga na ako.

Kaso si Yin ay nakatayo lang at umiikot ang mata sa paligid.

“Wala si Jai,” ani bigla ni Hanabi na nakasiksik sa leeg ni Nulan at nakapulupot pa ang mga binti sa bewang nito.

“Tama” ani ni Carmilla na karga ni Saber pa bridal style at nakasiksik naman si Carmilla sa dibdib nito.

“Alis na,” ani ni Floryn na nakasakay sa likod ni Atlas at nakasiksik din ang mukha sa leeg ni Atlas.

“Kaya hindi ka pala tinawagan, dre,” ani ni Atlas at napabuntong hininga naman si Yin.

Hindi siya tinawagan ni Von? Pero nandito pa rin siya? Ibig sabihin may alam din si Von?

“Aalis na ako, kayo na ang bahala sa kanila,” ani ko at ngumiti pagkatapos ay tumalikod na sa kanila.

“Where is she? D*mn it,” bulong ni Yin na hindi ko na masyadong narinig at naglakad na ako palapit sa kotse.

Pinagbuksan ako ni Von bago siya umikot papunta sa driver seat at sinimulan ng paandarin ang kotse.

Naririnig kong umiiyak na naman si Jai sa back seat kaya nakaupo ako ngayon sa passenger seat. Hinayaan ko na lang muna dahil sa palagay ko'y iyon ang kailangan niya ngayon. Ang mailabas ang lahat ng nararamdaman niya.

Nakarating kami sa bahay at ipinalagay ko si Jai sa guest room dahil nakatulog na kaiiyak sa kotse. Pagkababa ni Vernon ay nagpaalam na siyang mag-iikot na sa buong bahay kaya naman ay napatango ako.

Napasapo pa ako sa noo dahil kung ano-ano na lang ang naitatawag ko sa kanya. Vernon o Von ay parehas lang naman, Vernon lang tawag sa kanya ni Adam dahil hindi siya nagbibigay ng nickname kahit kanino.

Napabuntong hininga ako at napaupo sa sofa dito sa living room dahil kanina pa pala ako nakatayo. Medyo nahihilo na rin ako dahil halos wala na akong pahinga ngayong araw.

Hindi ko namalayan na sa sofa na pala ako dinalaw ng antok at tuluyang nakatulog.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, nagulat ako at napaupo sa higaan? Sinong nagdala sa'kin dito?

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now